Peachy
I love Wednesday! Shortened period kasi kami kapag Wednesday.
1 uwian namin kaya masaya ako. Makapag terraces nga kasama si Lianna.
Dumiretso muna ako sa office dahil kagagaling ko lang sa pagbabantay, mag aannounce pa kasi ako. Nauna na si Aries sa classroom, ang sabi ko may dadaanan pa ako sa isang teacher namin.
Bukod kasi sa pag announce, every morning din, ako na ang nagrerecite ng mission, vision ng school namin at prayer dahil semi catholic school namin.
"Another day has risen
Another time to be wishing
To reach our goals and dreams
Even though it's hard, we still believe
Goodmorning Mystics! Let us all rise up to recite our mission and vision" so nag recite na nga ako at binasa ang prayer na sinulat ng CLVE teacher sa junior high school bago sila sinabihan na Have a nice day at bumalik sa room.
Nakapangalumbaba lang akong nakikinig sa Physical Science teacher namin nang naramdaman kong kumukrung krung tiyan ko.
Nagugutom na ako huhu, para maalis ang utak ko sa tiyan ko, nag sulat nalang ako ng poem na pwedeng itweet mamaya. Naramdaman kong nakatingin sakin si Aries kaya tumingin ako sakanya, I mouthed 'why' and he just shook his head and copied the notes on the whiteboard.
Weirdo.
Inakbayan ko agad si Lianna habang palabas kami ng room.
"Kain muna tayo be" aya niya, tumango naman ako. Lumapit samin si Alice, ang kukumpleto sa tropa ko sa room, "Sama ako"
Hala! Baka sumabay sakin pauwi si Aries! Nilingon ko siya ngunit madami na namang nakapalibot sakanya kaya nagkabit balikat nalang ako at itinuon ang atensyon ko sa nilalakaran namin.
Sa Fairview Terraces kami dumiretso dahil yun ang malapit sa school namin. Sa food court kami nagpunta para kumain muna ng Pao Tsin! Kapag nag titipid ka pao tsin lang muna tayo!
Pagkatapos ay nag-ikot ikot lang kami at nagkekwentuhan. Pumasok kaming Yoyoso dahil si Lianna nangangati na naman ang kamay bumili ng kung ano-ano, samin kasi siya ang lowkey mayaman!
"Uwi na tayo" sabi ni alice, tinignan ko ang oras at nakitang alas kwatro na pala kaya pumayag ako.
Kakalabas palang namin ng Yoyoso nang may tumawag sakin. Sabay-sabay kaming lumingon doon.
"Ay pogi" nasambit bigla ni Lianna
Lumapit samin si Aries, "are you going home?"
Tumango naman ako, "Can I uhm" alam ko na ibig niyang sabihin kaya tumango nalang ulit ako.
Mabilis akong nagpaalam sa dalawa, tinignan naman nila ako ng mapang-asar pero kumaway din sakin.
"What are you doing here?" tanong ko, "Well, our other classmates invited me to join them"
Sumakay kami sa isang BEEP Jeep, yung color blue na biyaheng Cubao.
Tabi kami siyempre!
Nakapatong lang ang kamay ko sa kandungan ko nang biglang may nadaanang bako yung jeep kaya nagkadikit yung kamay namin.
Nagkatinginan kami at agad ding binawi yun. Napahawak nalang sa bag ko, siya naman inintertwine niya ang daliri niya sa isa't-isa. Wew. Bakit ang init? Bakit kasi parang nakuryente ako!
Tahimik lang kami hanggang makarating kami sa bahay. "Thank you" yun lang ang sinabi niya at umakyat na sa kwarto niya.
Naiwan akong nag-iisip doon nang may umepal sa likod ko at ginulat ako "Ay palaka!"
"Gwapo ko namang palaka?" sabi bigla ni Kuya Prince
Pinagkrus ko nalang ang braso ko at inirapan siya bago pumasok ng bahay at umakyat sa kwarto ko.
I felt the shivers through my spine
To my neck, even if our hands didn't collide
This is a new feeling, I hope it doesn't deepen
For when it does, I'll know I've fallen
Tweet sent!
"@arieswillows07 liked your tweet"
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Teen FictionAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...