Peachy
"Meow"
"Goodluck sakin whipcream!"
Bumaba na ako agad at sinabayan sila kuya sa pag aalmusal. Nakatatlong subo lang ako bago nagmadaling umalis.
"o-oy! Mag-ingat ka peachy ah" paalala ni Kuya Popoy.
"Opo"
Paglabas ko, sakto kakalabas lang din ni Aries. Nagsabay na kami papasok.
"So you ready?" tanong ko dito dahil mukhang kinakabahan siya.
"Kind of? I'm really nervous since I'm not sure if I can deliver the lines properly" he looked so worried kaya I patted his back "you'll do okay"
So yung gagawin naming play ay tungkol sa pamilyang mayaman na masyadong mahal na mahal yung wika nila, tapos may ibang lahi na dumating, edge namin yun dahil may foreigner kaming kaklase, so yung foreigner nagkagusto sa isang anak nilang babae.
Kaso, may barrier sila, at kailangan nila i-accept yung kultura ng isa't-isa. Guess what kung anong role ko? Ako yung kontrabidang naging mang-aagaw kunwari kay Aries sa play! Ang pangalan niya don sa play ay John habang ako naman si Ana tas yung babaeng magugustuhan niya si Bianca ang pangalan naman niya doon ay Maria.
Sana nga ako nalang si Maria! Majority nga ng klase ako binoto kaso as expected nag inarte tong si Bianca. Masasabunutan ko naman siya hehe kaya okay na ako doon.
Pagdating namin sa classroom yung mga kaklase naming nandoon nag-aayos na. Kinuha ko muna ang folder kung nasaan ang mythology story ko at pinasa yun kay Sir Hernandez bago nag-ayos ng sarili.
Saktong 10 dumating yung mga judges namin, which is mga Filipino teachers lang din naman.
Nagsimula na ang play namin, yung mga walang character mga taga bukas at sarado lang ng kurtina, yung iba naman sa props, yung iba sa documentary at sa sounds and lights.
Nag ready na ako nang ako na yung eeksena. Yung eksena ko, hinihintay daw ni John which is si Aries sa may puno si Maria a.k.a Bianca tas ako magmamaganda at lalandiin si John dahil bestfriends daw kami.
"John, who are you waiting for?" tanong ko, siyempre in character ako. Nakasuot ako ng red dress na hanggang tuhod tas naka gloves, laking America din daw kasi ako, sabi kasi ni Bianca mas mukha daw akong may lahi kesa sakanya kaya dapat siya si Maria. Lol! Baka gusto lang niya makaharutan on stage si Aries.
"A-ana, what are you doing here?" gulat niyang tanong sakin.
Lumapit ako, at pumasok na sa eksena si Bianca na kunwaring nagtatago at nakamasid samin.
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Teen FictionAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...