Peachy
I love Saturdays!
Nag-luto si Pepper ng pork and mushroom para sa tanghalian namin kaya naman excited kaming bumaba nila Kuya Popoy nang maamoy namin yung pagkain.
Naghain na ako sa lamesa at umupo sa tabi ni Kuya Prince habang nasa tapat ko si Kuya popoy at tapat ni kuya prince si Pepper. "Oh, may sobra pa doon diba, bigyan mo si Aries mamaya, bilang pasalamat sa binigay niyang pasta noon" utos sakin ni Kuya Popoy kaya napangiti ako ng palihim na napansin naman ni Kuya Prince at kinurot ako ng mahina sa tagiliran.
Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.
"Nga pala kuya, may pupuntang babae dito mamaya" sabi bigla ni kuya Prince kaya napaubo si kuya Popoy.
"Bakit pupunta dito? Nakabuntis ka ba?!" tanong agad ni Kuya na parang magagalit na.
Napailing naman si kuya Prince "Buntis agad? Di ba pwedeng seryoso lang?" depensa neto kaya kumalma si Kuya Popoy.
"Maglinis ka ng bahay, nakakahiya naman sa bisita mo" ani ni Kuya Popoy, napangiwe naman agad si Kuya Prince "Maglilinis pa ng bahay pwede namang sa kwarto nalang kami" sagot nito.
Tinaasan naman siya ni Kuya Popoy ng kilay, "O bakit? Madadaanan padin naman niya tong sala at yung hagdan tanga"
Napakamot nalang sa ulo si Kuya Prince at kumain na ulit.
May routine kaming tatlo nila kuya sa paghuhugas, dahil si Pepper ang madalas magluto pag Sabado, routine din paghuhugas namin. Pag natapos ako, susunod na sabado si kuya Popoy tas susunod na sabado ulit si kuya prince naman tas babalik ulit sakin.
Umakyat na ako pagkatapos ko maghugas ng pinggan. Kinuha ko si Whipcream at hinaplos ang balahibo niya. "Ano kayang pwedeng gawin whipcream?"
"Meow"
Napatingin kami sa bintana nang may nambabato na naman don. Alam ko na kung sino yun.
"Wanna go out and buy milk tea?" aya neto sakin kaya ngumiti ako at tumango.
Nagpalit lang ako ng damit at kinuha wallet ko. Pababa na sana ako nang pababa rin si Kuya Popoy mula sa kwarto niya. "ops ops ops, saan ka pupunta?" harang niya sakin.
"Bibili milk tea kuya" lalagpasan ko na sana ulit siya ng hilahin niya yung likod ng damit ko "Sinong kasama mo?" napanguso naman ako agad, "Si Aries po" tinaasan niya ako ng kilay at napailing nalang "magpakabait ah" paalala niya.
"Opo"
Bumaba na ako, nasa labas na ng gate namin si Aries kaya naglakad na kami papunta sa milkteahan.
Dinala ko narin siya sa tapat ng bilihan ng burger, nakangiti agad si ate sakin nang makita ako "boyfriend mo?" tanong agad niya.
"Kaibigan ate, nga pala, Aries this is Ate Reece, si Aries nga po pala" pakilala ko sakanila sa isa't-isa.
"Hi! Are you Peachy's boyfriend?" tanong niya kay Aries. Umiling naman ito, "no, we're just friends"
"Ahh" sagot ni ate na di pa rin naniniwala.
Umorder nalang kami ng foot long at fries tas bumalik na kami sa kwarto niya.
"So uhm, I got this wii, it's from my home back in Arizona and I just set it up earlier, wanna play with me? After eating of course." tumango naman ako.
Kinain na namin yung binili namin, tahimik lang kami parehas, nag pphone nga lang ako eh siya naman ganon din, abot naman wifi namin dito.
After namin, uminom muna kami sa milk tea bago pumunta sa tapat ng tv niya. Inabot niya sakin yung isang controller at nagsimula na kaming maglaro. Tawa kami ng tawa dahil pareho kami mukhang tanga.
"this is fun!" sabi ko habang tumatawa.
"It's actually nice to play with someone"
Nagtaka ako "you don't play with your friends with this?" angat ko sa controller, he shook his head "nah, we play playstaytion or online video games"
"You don't have any sibling?"
He stopped playing and changed the wii to play station. Inabot niya yung isang controller sakin at nagsalang ng tekken.
"I have two, but they are both in Arizona, well, I'm the youngest, the oldest is 27 while the second is 25"
"Brothers? Or sister?"
"a brother and a sister"
I nodded. Nagsasaya na kami sa laro nang mag ring ang phone ko kaya sinagot ko agad yun.
"Oy asan ka? Andito na yung papakilala ko" Amp. Si Kuya Prince lang pala.
"Andiyan lang sa tabi-tabi" sagot ko habang pinapatay si Aries sa laro.
"Bumalik ka na daw sabi ni Kuya" ugh! Wrong timing naman tong si Kuya Prince eh.
Nakita kong K.O na sa screen, natalo ko si Aries "Damn!" nakangiti niyang ani
"Hey, I need to go, my brother is already looking for me" tatayo na sana ako nang harangin niya ako ng kanang kamay niya na nilapag niya sa gilid ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at napatingin sa mata niya. Ano ba peachy, wag kang marupok!
BINABASA MO ANG
Behind these Words
Teen FictionAries Willows, grade 12, a new student at School of the Mystic Academy is fond by the mysterious girl who announces on their paging system. He was interested because of a famous twitter account who writes poems. Will he meet the writer behind this...