Trisha's POV
Hi ako nga pala si Trisha Mae Gonzales, 22 years old, Highschool lang ang natapos ko dala na din ng hirap ng buhay ngunit hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa na balang araw makakapag-aral ulit ako at makakatapos ng pag-aaral alam ko kasi na ito ang tanging magiging daan upang kahit papano ay guminhawa ang buhay namin ng aking mga magulang at kapatid. Kung saan saan ako naghanap ng trabaho pero ang hirap makahanap dahil highschool lang ang natapos ko. Kaya napagpasyahan ko na tanggapin ang alok sakin ni Tita Rose na mamasukan din biglang katulong doon sa mansyon kung saan siya ay naninilbihan , sabi ni Tyang ay wala daw akong dapat ikatakot dahil mababait daw ang amo nya para daw makaipon din ako ng pera para sa aking plano na makapag-aral ulit at ng makatulong din sa aking nanay at tatay dahil isang magsasaka lang naman si itay at isang labandera naman ang aking nanay. Kaya naman pumayag na ako, pumayag na din sina nanay at tatay dahil kahit sila ay nais din na makapag-aral ako ng kolehiyo kaya naman nakapag pasayahan ko na mag impake na ng mga gamit na gagamitin ko sa pagluwas ng Maynila. Habang nagtitiklop ako ng aking mga damit ay lumapit sakin si inay.
"anak mag-iingat ka sa pag byahe mo sa maynila huh. Nakitawag ako ky aling nene para makausap ko ang tyang mo sabi ko sa kanya at sunduin ka sa my terminal dahil baka maligaw ka dun" sabi ni nanay na mejo naluluha pa.
"nay naman wag po kayo mag-alala kaya ko naman po magbyahe eh, mag-iingat po ako promise nay" sabi ko sabay yakap kay inay.
Di na napigilan ni inay na maiyak dahil ngayon lang kami magkakahiwalay
"basta anak pag dating mo dun sabihin mo sa tyang mo na tawagan si aling nene para malaman ko kung nakarating ka ng ayos doon sa papasukan mo huh?" sabi ni nanay.
"Opo nay wag ka na umayak, naiiyak din tuloy ako tska wag mo ko masyado intindihin nay kasi sabi naman ni tyang mababait ang amo namin dun" naiiyak na wika ko.
"Sige anak magpahinga na tayo at maaga ka pa babyahe bukas" sabi ni nanay at lumabas na sa kwarto namin ng kapatid ko
Humiga na ako, mejo kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makakapunta ako sa Maynila ipinikit ko na ang aking mga mata at hindi ko namalayan na tuluyan na akong nakatulog.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Boss
FanfictionPano kung sa paghahanap mo ng trabaho ay pag-ibig pala ang mahahanap mo ? At pano kung sa lalaking hindi mo pa pwedeng mahalin naramdaman ang pag-ibig na ito ? Author's Note : Sorry na po agad hindi po ako professional na manunulat ngunit matagal ko...