Chapter 3

72 9 2
                                        

Chapter 3: Nice To Meet You


Ano pa nga bang magandang audition piece kung hindi ang I Knew You Were Trouble ni Taylor Swift 'di ba?

"Den, basag," sabi ni papa habang pinapakinggan ako. Nagprapractice kasi ako para sa audition bukas. Na-te-tense na rin ako kaya siguro yung boses ko kung saan-saan na napupunta.

"Sorry papa. Kinakabahan na talaga ako," pag-amin ko kay papa. Gusto ko naman talaga kaya lang parang may pumipigil sa akin.

"Isipin mo nalang na wala lang yung audition. Na kakanta ka lang para sa mga kaklase mo. Huwag mo masyado isipin kung makukuha ka o hindi, basta i-enjoy mo lang," yun lang ang sinabi ni papa pero sobrang na-lift up nun yung pakiramdam ko.

"Thank you papa. Hindi ko man ma-promise na makukuha ako pero promise mag-e-enjoy ako," masaya kong sabi kay papa.


Natuwa naman si papa at pinagpatuloy ko na ang pagprapractice habang siya naman ay gina-guide ako kung sakaling nawawala ako sa tono.

Nang matutulog na, nagulat nalang ako dahil tumutunog yung cellphone ko. Wala namang tumatawag sakin pag ganitong oras na.

Nang tignan ko kung sinong tumatawag, si Archie lang pala.

"Oh, napatawag ka," sabi ko sa linya.

"Uy! Baka hindi kita masamahan bukas sa audition," sabi naman nito.

"Bakit? Mang-chi-chicks ka nanaman nu!" bwelta ko sa kanya.

"Sana nga eh! Kaso may workshop daw para sa Math Contest na sinalihan ko. Alam mo na, gusto nila akong manalo sa Nationals kaya pinopondohan ng school yung workshops ko," may halong pagyayabang nanaman nitong sinabi.

"Osya, galingan mo dun! Uwian mo akong tatlong litrong chuckie," sabi ko.


"Abuso ka alam mo yun? By the way, galingan mo bukas, ah! Magpa-video ka para mapanuod ko rin. Pag walang video, walang chuckie, okay?" sabi niya.

"Oo na! Basta pag nag-pavideo ako apat na litrong chuckie na!" dagdag ko pa.


"Abuso ka talaga, tsk tsk. Kawawa yung magiging jowa mo sayo. Osya matutulog na ako't maaga pa ako bukas. Good night, panget!" sabi pa niya at binaba na agad ang tawag.


Ang lakas talaga mang-asar ng mokong na yun. Pero kahit ganun yun, masaya akong naging kaibigan ko siya kasi halos lahat ng problema ko nasasabi ko sa kanya.


Pinilit ko nang makatulog kahit nakakaramdam na ako ng kaba para bukas. Hays, Deniel Zedler! Kalma, makakayanan mo 'to.


--


Pagkamulat ko ng mata ko, umupo na ako agad at nagpasalamat sa Diyos. Humingi na rin ako ng guidance para sa audition mamaya, na ibigay na ni Lord sakin kung para talaga sakin yun.


Pagkatapos ay agad kong inabot yung cellphone ko. Nagulantang nalang ako nang makita kong alas-nuebe y media na ng umaga! Alas-dyes yung audition! Ano ka ba naman self!


Mabuti nalang at nilutuan ako ni papa ng almusal kaya pag-aayos nalang sa sarili ang poproblemahin ko.


Nagsuot nalang ako ng maong shorts, oversized shirt at nag sneakers. Hinayaan ko nang nakalugay yung buhok ko kasi basa pa at wala na akong oras mag-ayos. Nag-pulbo at lipstick tapos hinablot ko na yung gitara ko. Mabilis at malalaki na ang mga hakbang ko para makaabot pa ako. Hays, never akong na-late sa klase tapos sa ganitong pagkakataon pa talaga ako male-late. Well, kasalanan ko rin naman kasi nahirapan ako makatulog kagabi dahil sa kaba. Hay nako, bahala na nga. Sabi ko naman kay Lord ibigay na Niya sa akin kung talagang para sa akin. Kung hindi, edi try nalang ulit sa susunod.


Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon