Chapter 8

47 6 0
                                        

Chapter 8: Torn Between

"Pakitingin Deniel kung fully charged yung powerbank ko," pakiusap ni Akiro. Nandito kasi ako ngayon sa condo niya dahil tinutulungan ko siyang mag-impake para sa music camp.

"Yes, full charge," sabi ko naman sabay abot sa kanya ng powerbank.


"Thanks, I'll be back after a week," sabi niya at niyakap ako.


Hanggang ngayon, hindi pa rin masyado nag-si-sink in sa akin na boyfriend ko na si Akiro. Hindi na rin ako masyado ginulo ng schoolmates ko pagkatapos ng event. May mga naririnig pa rin ako but at least hindi na sila nananakit physically.


Hinatid ko pa si Akiro sa kotse niya. Hindi na ako magpapahatid sa kanya pauwi kasi matatagalan lang siya. Kaya dito na ako nagpaalam sa kanya. Hindi pa man kami ganun katagal, for sure mamimiss ko siya. Hindi bale, isang linggo lang naman.

Nang makaalis na si Akiro, nag-decide na akong umuwi. Papara palang ako ng taxi nang biglang may humintong pulang kotse sa tapat ko. Nagtaka pa ako kung sinong may-ari ng kotse kasi ngayon ko lang naman nakita yun. Nagulat nalang ako nang ibaba ang bintana dahil si Archie pala ang nag-da-drive.

"Ay, ang taray yayamanin! Sayo 'tong kotse?" sabi ko sa kanya.

"Yup, alam mo na, asensado na ang best friend mo," sabi naman niya na may bahid pa rin ng kayabangan.

"Oh dahil nandyan ka naman na, ihatid mo na ako sa bahay." Hindi ko na hinintay pa yung sagot niya dahil sumakay na ako sa passenger's seat.

"Uhm sorry, hindi ako magsasakay ng panget sa magara kong sasakyan," angal pa niya sa pag-upo ko.

"Ay ganun ba? Edi bumaba ka na pala," natatawa ko namang sabi sa kanya. Nakita ko namang nalukot yung mukha niya, hahaha. Sa wakas nakabawi rin ako sa mga pang-aasar niya sa akin.


"Tsaka, bawal din dito yung umo-oo sa lalaking hindi pa naman niya lubusang kilala," sabi niya habang pinanlalakihan ako ng mata.


"Tse, inggit ka lang kamo." Nagpatuloy lang kami sa asaran hanggang sa makarating kami sa bahay. Na-miss ko rin itong bangayan namin na ganito.


Nag-decide si Archie na dito raw sa amin mananghalian at maghapunan. Natuwa naman si papa kasi paniguradong magiging maingay at masaya nanaman ang bahay.


"Sigurado ka? Mamaya magtampo na ang pamilya mo nyan. Konti nalang mag-impake ka na at dito na tumira," sabi ko naman sa kanya.


"Ano ka ba, nagpaalam naman ako ng maayos," sabi naman niya.


Naiwan kaming dalawa dito sa sala kasi nagluluto si papa sa kusina. Napansin ko naman na biglang tumahimik si Archie. Hindi ko maiwasan na hindi manibago sa kanya.


"Oh, bakit ang tahimik mo yata ngayon?" tanong ko sa kanya habang inuusisa yung mata niya. Sa tagal ko nang pagkakakilala kay Archie, kabisado ko na kung paano kumislap yung mata niya pag masaya siya, galit o kaya pag malungkot.


"Tsk, mahal mo talaga yun?" nagulat naman ako sa inaasal ni Archie.


"Si Akiro? O-Oo naman, hindi ko naman sasagutin kung hindi diba?" nagtataka ko pa ring tanong sa kanya.


"Tsk, kakakilala mo palang sa kanya mahal mo na agad?" nag-iiwas tingin niyang sabi.


"Ano ka baaaaa? Suportahan mo nalang ako. Eto palang yung unang beses na may nagparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga, kung gaano ako kaganda," pag-eexplain ko naman sa kanya. Napansin ko naman na napa-buntong hininga si Archie.


Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon