Chapter 2

82 12 6
                                        

Chapter 2: Should I or Should I Not?

"Isang litrong chuckie para sa reyna ng tantrums!" masiglang sabi pa ni Archie na siyang dahilan kung bakit nagtinginan samin yung mga tao. Hindi ko talaga alam saan nito nakukuha yung confidence niya. Parang wala man lang bahid ng hiya sa katawan.

"Ano ba, ang ingay mo," pabulong kong singhal sa kanya. Nandito kami sa isang café malapit sa school namin. Aesthetic masyado rito sa café na 'to, meron pang mini-stage dahil kung minsan may mga invited guests sila. Pero, affordable naman yung mga nasa menu kaya number one tambayan din namin ito.


"Ita-tanggi mo pa. Totoo namang reyna ka ng tantrums. Kawawa magiging jowa mo sayo," sagot pa nito nang nakaupo na siya.


"Nyenye," yan nalang sinabi ko kasi ayaw ko nang makipag-away pa at natatakam na din akong mag-chuckie.





A Million Dreams.





As soon as marinig ko yung intro ng kanta, napalingon agad ako sa stage. Ang sweet ng boses ng kumakanta, ang sarap pakinggan. Nang tinignan ko naman si Archie ay titig na titig ito sa kumakanta. Ang ganda ba naman kasi nung babae plus maganda din yung boses. Napa-iling nalang ako. Huwag na sanang madagdagan pa yung mga nabiktima nitong best friend ko.


"Salamat! Ako po pala si Trixie at tinutulungan ko yung mga kaibigan ko na maghanap ng female vocalist para sa banda nila. Hoping na merong magaling kumanta dito sa café, this is your chance!" masiglang sabi pa ng babae na Trixie daw ang pangalan pagkatapos niya kumanta.


"I volunteer my friend!" biglang sigaw ni Archie habang nakaturo sa akin. Napa-face palm nalang ako sa mga trip nitong taong 'to.


"Ano ba?! Ayaw ko!" pagalit na bulong ko sa kanya habang pinipilit niya akong tumayo.

"Sige na! Tapos kuhanin mo yung number niya ibigay mo sa akin, hehe," si Archie lang yung kaibigan ko na nagdadalawang-isip talaga ako kung paano ko siya naging kaibigan. Handa siyang ipahamak ako makuha lang yung gusto?! Aba, matinde!


Naisip ko nalang na pagbigyan 'tong kupal kong kaibigan. Nasa amin na rin naman na yung atensyon ng mga tao at na-paging na rin kami sa stage. Pero hindi ko kukunin yung number ni Trixie, bwahahahahahahahaha!


Umakyat na ako sa stage. Although wala akong masyadong experience sa pagpeperform sa harap ng maraming tao, I trust my skills hehe. Bahala sila dyan, nakikipakinig lang naman sila, haha. Kinuha ko pa yung acoustic guitar para mas ramdam ko yung pagperform. Paniguradong mabwibwisit sakin mamaya 'tong si Archie kasi todo effort ako tapos hindi ko pala kukunin yung number ng babae. Tsk, tsk, kawawang nilalang.




Hindi mo na mapipilit,
Wala nang babalikan.


Yep, ang choice of song ko ay Pasensya Ka Na by Silent Sanctuary.



Nang matapos ko ang kanta ay nagpalakpakan naman ang mga tao. Nakakataba ng puso na na-appreciate nila yung kinanta ko. Ibang klaseng saya yung nadulot sakin nun. May nagawa ring tama itong bwisit kong kaibigan.


Binalik ko na yung gitara at nilapitan naman ako ni Trixie.


"Wow, you got the talent girl! Maybe it's better for you to join the auditions. Keo Band would be happy to have you!" sabi niya at may inabot sakin na flyer pa-tungkol sa auditon na sinabi niya.


"Thank you! By the way, ang ganda ng boses mo. Is it okay na magpa-picture sayo yung kaibigan ko?" sabi ko. Eto nalang bayad ko kay Archie. Nakakahiya naman kasing kuhanin yung number ni Trixie out of the blue. Kahit sinabi kong wala akong balak kunin yung number niya, pakiramdam ko kailangan ko pa rin bumawi kay Archie. May maganda ring dinulot yung paghatak niya sa akin sa stage.



"Sure," sabi niya habang nakangiti. Dali-dali ko namang tinawag si Archie at mas mabilis pa siya sa Cheetah kung lumapit. Pinicturan ko muna sila tapos nag-group picture din kami.


Pagka-alis namin sa café, bukang-bibig pa rin ni Archie si Trixie. Hindi ko naman naiintindihan yung mga sinasabi niya kasi nakatuon lang yung pansin ko sa flyer na binigay sakin ni Trixie. Mag-a-audition ba ako? Hays, matagal ko na 'tong pangarap pero handa na kaya ako? Kaya ko na ba itong ipag-sabay sa pag-aaral ko?


"Hoy! Hindi ka naman nakikinig, eh!" padabog na sabi ni Archie nang mapansin niyang hindi ko siya pinapakinggan.



"Ano ba yan at kanina ka pa nakatingin dyan?" tanong niya sabay hablot sa flyer.


"Uy, mag-ingat ka naman," yun lang ang nasabi ko kasi hawak na niya yung flyer.


"Gusto mo sumali? Go na! Pagawa pa akong banner kung gusto mo, eh." 


"Pero kaya ko kayang i-commit yung sarili ko dyan? Syempre, nag-aaral palang ako and wala pa akong source of income."



"Ano ka ba! Para saan na nandito ako? Edi tutulungan kita! Yun lang pala kailangan mo, eh. Nakalimutan mo yatang with highest honor itong best friend mo," may halong pagyayabang na sabi niya.


"Tsaka Den, minsan lang yang opportunity na yan. If ever na hindi mag-work, edi mag-quit. Kaysa naman pagsisihan mo balang-araw na hindi ka man lang nag-take ng chance. Pag nalaman 'to ni tito panigurado matutuwa rin yun!" pagpapalakas pa niya sa loob ko.


"Thank you Arch! Sa ganitong bagay talaga kita maaasahan," halos paluha ko nang sabi sa kanya.


"Ano yan? Napupuwing ka nanaman? Hay nako, Deniel ah! Tigil-tigilan mo yang kakaiyak mo. Ay, huwag pala, ipagpatuloy mo lang. Natutuwa akong makita kang mukhang unggoy, hahahahahahahahaha," ang lakas-lakas pa tumawa nitong kupal na 'to. Ihalintulad ba naman ako sa unggoy kapag umiiyak!



Well, tama naman si Archie na kailangan ko rin i-grab itong opportunity na 'to. I hope everything will be fine.


Na-shookt nalang ako nang mabasa ko na bukas na yung auditions. WHAT?! Kakapusin pa yata ako sa time mag-practice, hays.


~~

Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon