Chapter 7: My First...
"Yes po tito, ako po maghahatid kay Deniel para sigurado po na safe siyang makakauwi," sabi ni Akiro kay papa. Nandito kami ngayon sa sala namin. Pinagpapaalam niya kasi ako para sa event mamaya. Aabutin daw kasi kami ng madaling araw.
"Osige, iho. Titignan ko nalang kung makakanuod ako anak ah. Sumasakit kasi yung batok ko ngayon, eh," sabi naman ni papa.
"Okay lang yun papa. Pahinga ka muna dito. Pasensya na papa lalabas ako kahit ganyan yung pakiramdam mo," nalulungkot kong sabi kay papa.
"Ano ka ba anak, wala lang 'to sakin. Mag-enjoy ka doon at mag-iingat ka," sabi ni papa. Kahit nag-aalala ay sumama na ako kay Akiro. Inayos ko na rin naman kanina yung mga gamot na pwedeng inumin ni papa at niloadan ko na rin siya para matawagan niya ako in case of emergency.
Nasa parking palang kami ng venue, sobrang dami nang tao.
"Ganito ba talaga pag may event kayo?" tanong ko kay Akiro. Pakiramdam ko ayaw ko nalang bumaba ng kotse niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot. Alam kong sikat sila na banda pero hindi ko naman akalain na ganito kadami ang manunuod sa kanila.
"You'll get used to it," sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto. Hindi naman kami nahalata ng mga tao dahil todo shades at sumbrero kami. Alam kong hindi ako pagkakaguluhan pero etong kasama ko, tiyak na dudumugin pag may nakahalata dito.
Ligtas naman kaming nakarating sa backstage. Nandito na rin sila Jacob, Mavi at Andrew. Busy pa silang maglaro ng Mobile Legends, hindi ko man lang maramdaman na kinakabahan sila. Samantalang ako rito, halos mang-lambot na yung mga tuhod ko.
"Hey, relax. Kasama mo ako, kami. You'll do great, believe," pangpalakas naman ni Akiro ng loob ko. Bigla ko tuloy naalala si Archie. Ilang araw na rin yung hindi tumatawag, eh. Nginitian ko nalang si Akiro at hinanda ko na ang sarili ko.
Nagpa-retouch pa kami sa make-up artist ng banda at natuwa ako sa kinalabasan ng mga itsura namin. Parang boy next door lang ang peg nila. Ang swerte ko na ako yung napiling female vocalist. Imagine, ang dami-daming babae na nangangarap na makalapit man lang sa kanila tapos eto ako halos araw-araw ko silang nakakasama sa rehearsals.
--
"Good evening folks! Hope you had a great day. But if you haven't, Keo Band is here to give you a great night!" sigaw ni Jacob. Kahit si Akiro yung bokalista nila, si Jacob talaga yung tumatayong leader ng grupo kaya siya palagi ang nagpapa-hype sa banda.
Nagsigawan naman ang mga tao at halos malunod ako sa mga hiyawan nila.
"Also, we would like to introduce our new female vocalist, Deniel Zedler!" Tinaas ko lang ang kamay ko at kumaway dahil hindi ko naman kayang tapatan yung taas ng energy ni Jacob. Napapaisip talaga ako kung paano ako napili rito, eh. Hindi bale, pag tumagal ako masasanay din ako.
Walang ano-ano'y nagsimula na rin kaming tumugtog. Pinakita pa ni Akiro ang galing niya sa paggigitara habang tinitipa ang intro ng Jet Lag by Simple Plan. Lalo namang naghiyawan ang mga tao nang magsimula na siyang kumanta.
Sobrang taas ng energy ng banda at mas lalo pa itong pinapataas ng hiyawan ng mga tao kaya naman pati ako napapaagos na sa energy nila. Basta, i-e-enjoy ko ito. Sabi ko nga, this is my first performance with the band, I'll not screw this up. Hinanda ko na ang sarili ko sa Chorus dahil sabay na kami rito ni Akiro.
Nag-thumbs up pa sakin si Jacob para sabihin na maayos yung performance ko. Nakita ko naman na nakangiti at nag-eenjoy si Akiro kaya hindi ko maiwasang hindi mahawa sa kanya. Solo ko na itong second verse, it's my time to shine!
BINABASA MO ANG
Faded Melody
ChickLitSa musika ko nahanap ang mga salitang hindi ko masabi. Sa musika ko naintindihan ang kahulugan ng damdamin. Musikang nagturo sa akin ng daan patungo sayo. Musikang lumabo dahil sa pagpili ko sayo. ~~ Book cover edited using Canva ✨
