Chapter 9: Why?
"Malapit na ako sa condo, lunch tayo mamaya," sabi ni Akiro sa kabilang linya. Pauwi na siya ngayon galing music camp. Excited na rin akong makita siya. Hindi ko na 'to sinabi kay Archie kasi baka sumpungin ulit.
Hinintay ko nalang magtanghali at nagpunta sa restaurant na napag-usapan namin. Naka simpleng white dress lang ako at sinuot ko rin yung bow hair tie na inabot sakin ni Akiro nung first day kong makipag-rehearse sa banda.
Madaming tao pero hindi hadlang yun para mahanap ko kung saan nakaupo si Akiro. Agad naman akong napangiti nang makita ko siya. Hindi ko talaga maiwasang isipin na ang swerte ko kasi nagkagusto siya sakin.
Nang mapansin naman niyang nakatayo ako, kinawayan niya ako. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanya dahil nakatakong ako ngayon.
"So, kamusta ang music camp?" tanong ko sa kanya.
"Okay naman, magagaling yung mga trainer kaya marami akong natutunang skill," kwento naman niya sakin.
"Good yan, hmm, naka-order ka na ba?" tanong ko pa sa kanya. Nang magkasundo na kami sa kakainin namin, nanatili lang siyang tahimik sa upuan niya. Hindi ko naman alam anong sasabihin sa kanya kaya nilibot ko nalang ang paningin ko sa restaurant. Hindi ako mahilig magpunta sa mga ganito kaya may mga details itong restaurant na ngayon ko lang napansin.
"Kamusta ka naman? Hindi ka na ba ginugulo ng schoolmates mo?" pagbasag ni Akiro sa katahimikan.
"Ayos naman ako, medyo busy kami sa school ngayon kaya siguro wala na silang panahon para dun," kwento ko naman sa kanya.
"That's good to hear," sabi naman niya habang nakangiti.
"Ang saya siguro makasali sa Music Camp. Sana next year makasali rin ako," sabi ko naman sa kanya. Totoo na gusto kong makasali, hindi ko talaga sasayangin yung opportunity kung sakali.
"Pwede naman, talented ka kaya imposibleng hindi ka makasali," sabi naman ni Akiro.
It took one look.
Napatingin lang ako kay Akiro nang biglang pinatugtog sa resto yung Your Song ng Parokya ni Edgar. Ito yung kinanta niya sakin nung event bago ko siya sinagot. Unti-unti lang napawi yung ngiti ko kasi nakatutok lang siya sa pagkain niya. Hindi naman sa gusto kong tumigil siya sa pagkain pero syempre, may sentimental value yung kanta. Iniwas ko nalang yung tingin ko sa kanya kasi gumagawa lang ako ng sarili kong ikaka-inis.
"Uhm, Deniel, what if I suddenly change?" tanong bigla ni Akiro habang nakatingin pa rin sa kinakain niya.
"Change? In what way?" hindi pa man niya nasasagot yung tanong ko ay may bigla nang lumapit sa amin.
"Oh, Aki! You're here. I've been calling you but you're not picking up," sabi ng babae. Makinis siya at halata naman sa suot niya na mayaman siya. But wait, she looks familiar. Iniwas ko muna yung tingin ko para alalahanin kung saan ko siya nakita.
BINABASA MO ANG
Faded Melody
Literatura FemininaSa musika ko nahanap ang mga salitang hindi ko masabi. Sa musika ko naintindihan ang kahulugan ng damdamin. Musikang nagturo sa akin ng daan patungo sayo. Musikang lumabo dahil sa pagpili ko sayo. ~~ Book cover edited using Canva ✨