Chapter 5

53 7 0
                                    

Chapter 5: Hate Comments

Hindi ko na nagawang ibalik yung jacket ni Akiro dahil mas nauna na raw silang bumyahe kaysa sa amin. Ngayon ko lang din nalaman na anak pala siya ng isa sa mga nagpapascholar sa amin kaya siya sumama sa charity program.

Habang nasa byahe kami pauwi, hindi pa rin ako tinantanan ng mga kasama ko sa kulong-kulong. Sa pagkakaalam ko, ginagawa lang ang pang-chi-chismis kapag hindi kasama yung pinag-uusapan. Kaso yan sila, sinasadya pa talagang marinig ko. Wala naman akong ibang magandang magagawa kundi ay huwag nalang pansinin. Kapag pinatulan ko pa itong mga 'to magkakagulo lang at baka maapektuhan pa yung scholarships namin. Sana dinagdag nalang din sa requirements ng scholarship yung good manners and right conduct, tsk.


Nang makauwi na ako sa bahay ay binalita ko kaagad kay papa na nakapasok ako sa banda. Tuwang-tuwa naman siya at sinabing ililibre niya ako ng hapunan sa bagong bukas na restaurant sa kabilang bayan.


"Isama mo si Archie mamaya, ah," pahabol ni papa.


"Sige papa tanungin ko kung pwede siya mamaya kasi ngayong tanghali raw yung uwi niya, eh." 


Dumiretso na ako sa kwarto ko at humilata muna. Alam kong kailangan ko na munang maligo pero hihiga muna ako ng ilang minuto. Napagod ako physically and at the same time napagod din akong kakaisip sa mga sinabi ni Akiro. Tapos dumagdag pa yung mga ingrata kong kasama sa kulong-kulong. Hays, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pagod. Dibale, makakapag-release ako ng stress mamaya sa dinner namin ni papa. Sana pwede rin mamaya si Archie, namimiss ko na rin yung mokong na yun.


Speaking of the monkey, biglang nagrequest ng video call si Archie.


"Anong itsura yan? Ang panget mo na nga mas lalo ka pang pumanget!" pambungad ni Archie. Nag make face lang ako sa kanya kasi wala pa akong sapat na energy para patulan siya.


"Oy, tuloy yung uwi mo ngayong tanghali?" tanong ko sa kanya.


"Yun na nga, eh. Highest pointer ako rito sa workshop kaya may nagpondo nanaman para makasali ako sa isa pang workshop doon sa Maynila. Ayaw ko namang humindi dahil libre na nga, eh. Uwian nalang kita ng pasalubong, hehe," sabi niya. Hays, ano pa nga bang magagawa ko?


"Osya sige, basta yung chuckie ko huwag mong kakalimutan. Sige na pala ba-bye!" sabi ko at akmang papatayin na ang tawag.


"Uy, teka teka!" sabi niya bago ko pa man mapindot yung end button.



"Bakit?"



"Ano, yung Akiro ba yun? Mag-ingat ka dun. Pakiramdam ko may gusto sayo yun, eh. Alam mo na, yung mga ganung tipo lapitin ng chicks. Tanga ka pa naman," sabi niya.



"Alam mo, hindi ko alam kung concerned ka o mang-iinsulto lang talaga. Hayaan mo, sabihin ko agad sayo pag sinaktan ako," sabi ko.



"Bakit kayo na ba?" gulat na tanong niya.



"Babyeee!"




"Uy, Den, tek-" habol pa sana niya kaso binaba ko na yung tawag. Pagkatapos nun naligo na ako at nagpahinga. Babangon nalang ulit ako mamaya pag mag-di-dinner na kami ni papa.


--



Nandito na kami ni papa sa Crystal Restaurant, yung bagong bukas. Nag-ayos talaga ako para sa dinner namin na 'to. Nakabestida ako na kulay light pink at naka-braid din ang buhok ko. Naka-light make-up din ako. Si papa naman naka-simpleng polo at pantalon lang. Kahit hindi siya naka-pang-pormal na damit, litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan niya.



Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon