Maaga akong nagising pero wala akong gana kumilos. Mag-a-alas dose na ng tanghali pero ayaw ko pa rin bumangon. Hindi ko lubos maisip na dalawang tao yung iiyakan ko. Yung isa, masaya sa piling ng iba. Yung isa naman, matagal kong hindi makakasama.
Kung bakit ba naman kasi hindi madiktahan ang puso. Kung bakit ba naman kasi mahirap kontrolin yung mararamdaman mo para sa isang tao. Kung madali lang sanang pakiusapan ang puso, edi sana hindi ako lubusang nasaktan ni Akiro. Baka sakaling, masaya kami ni Archie bago man lang siya umalis.
Pero kahit gustuhin ko man, kung si Akiro talaga yung sinisigaw ng puso ko, wala akong magagawa. Kung pipilitin ko man, pare-parehas lang kaming masasaktan.
Inabot ko ang cellphone ko na nasa side table. Nag-scroll lang ako sa youtube at baka sakaling mabaling sa iba yung mga iniisip ko.
Nakakaasar kasi puro kanta ang nasa recommendations ko, kung bakit ba naman kasi puro kanta ang pinag-se-search ko sa youtube noon.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit si Akiro ang nanakit sa akin, nagagawa kong isisi lahat sa musika. Ang sakit lang isipin na yung natatanging bagay na nagpapasaya sa akin ang siya ring naging daan para makilala ko yung taong nanakit sa akin. Hanggat maaari ayaw kong makinig ng kanta. Hanggat maaari ayaw kong maalala si Akiro.
Binuksan ko nalang yung video na nag-iinterview sa isang sikat na lead vocalist ng Alternative rock band. I-e-exit ko na sana kasi bakit lead guitarist pa?
Tsk, Akiro nanaman.
"I was in love with this girl, and she was just a broken person. She kept turning to everyone except me for love and acceptance, and I wanted so much to help her. I wanted to be the one to give her everything she wanted, but I couldn't. She just couldn't accept it from me, and it was that pain, that led me to creating the song."
Napatigil ako sa sinabi ng bokalista. Nasaktan din siya?
Naging interesado tuloy akong pakinggan yung kantang tinutukoy niya. Baka maka-relate ako. Baka bumalik yung pagka-humaling ko sa mga kanta.
"Anak? Buksan mo yung pinto," sabi ni papa pagkatapos niyang kumatok. "May ibibigay ako sayo," dagdag pa niya.
Inilapag ko nalang ang cellphone ko sa side table, hindi na ako nag-abala pang i-pause yung pinapanuod ko. Bagamat tinatamad ay bumangon ako para pagbuksan si papa ng pinto.
"Hay, salamat. Akala ko hindi mo ako pagbubuksan, eh." Nagulat ako nang may bitbit si papa na bouquet pero hindi flowers, chuckie!
"Akin yan papa?" napangiti ako nang ma-realize na para sakin naman talaga yung mga chuckie. Kahit mabigat yung pinapasan ko ngayon, chuckie pa rin pala ang makakapagpagaan sa pakiramdam ko.
"Galing yan kay Archie anak. Pinapaabot niya, ayaw daw niya na ihatid mo siya sa airport, eh."
"N-Ngayon lang papa? Nandyan pa ba siya?" Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Ngayon lang nag-sink in sa akin na aalis na talaga siya, na isang taon pa bago ulit kami magkita.

BINABASA MO ANG
Faded Melody
ChickLitSa musika ko nahanap ang mga salitang hindi ko masabi. Sa musika ko naintindihan ang kahulugan ng damdamin. Musikang nagturo sa akin ng daan patungo sayo. Musikang lumabo dahil sa pagpili ko sayo. ~~ Book cover edited using Canva ✨