Chapter 6: Growing Feeling
"Dude, what happened to her?" nagtatakang salubong sa akin ng kabanda ni Akiro. Dinala niya ako sa parang studio. Punong-puno ng mga musical instruments dito kaya sa palagay ko ay dito sila nagprapractice.
Pinaupo naman ako ni Akiro sa sofa at umalis. Naiwan ako ditong napapalibutan ng tatlo pa niyang kabanda. Lahat sila nagtataka kung bakit napaka-messed up ng itsura ko. Tsk, tsk. Ngayon ko pa lang talaga sila makikilala tapos sa ganitong paraan pa nila ako makikita. Hay naku naman talaga.
"Uhm, hi? I'm Jacob, the bassist," pagpapakilala nung mestiso na nag-interview sa akin nung audition. Sa pagkakaalam ko siya rin yung nagtext sa akin na natanggap ako.
"Andrew, the drummer," tipid namang sabi ng isa. Sakto lang ang tangkad niya at may itsura rin siya.
"Mavi, the keyboardist. Are you okay?" sabi naman nung isa. Mestiso rin siya katulad din ni Jacob.
"Yes, I'm okay. Pasensya na sa ganitong sitwasyon niyo ako nakita," sabi ko naman na medyo nahihiya pa.
"Huwag ka na humingi ng pasensya, it's okay," sagot naman ni Mavi.
Bigla naman pumasok ulit sa silid si Akiro at may mga dala na siyang damit.
"Magpalit ka muna para makapagpractice na tayo," sabi ni Akiro habang inaabot sa akin ang mga damit. Itinuro naman niya kung saan ako pwede magpalit. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago ako pumunta sa itinuro niya.
Nakita ko naman na mga damit pangbabae itong inabot niya sa akin at may kasama pang white bow hair tie. Don't tell me na bumili pa siya ng damit para sakin? Tinignan ko pero wala namang price tag kaya hindi naman siguro ito bagong bili. Hindi ko na masyadong inisip pa yun at nagpalit na ng damit. Inayos ko na rin ang itsura ko. Habang pinupunasan ko ang mukha ko, hindi ko pa rin lubusang maisip na magagawa sakin ng mga tao yun. Hays, hindi ko tuloy alam kung paano pa ako papasok ulit sa school. Nag-pony tail nalang ako gamit yung bow hair tie.
Pagkabalik ko sa studio ay naabutan ko silang nagprapractice.
Simmer down, simmer down.
Hindi ko maikakaila na maganda ang boses ni Akiro. Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit napakadaming nakikipag-agawan sa kanya. Saktong-sakto sa boses niya itong kanta ng 5 Seconds of Summer.
Pumalakpak naman ako nang matapos na nila ang kanta. Uubra kaya ang boses ko rito? Ito palang ang unang beses na kakanta akong kasama sila. Hindi ko pa sigurado kung mag-be-blend ang boses namin ni Akiro.
"Hey, Deniel. Come join us, let's practice," tawag naman sa akin ni Jacob. Kumuha naman ako ng mic at tumayo sa tabi ni Akiro.
"Let's play Iris by the Goo Goo Dolls. You okay with it Deniel?" tanong muli ni Jacob.
"Yup."
Si Akiro ang kumanta ng first verse.
And I'd give up forever to touch you,
Sinenyasan naman niya akong kantahin ang second verse.
"Nice," narinig ko namang kumento ni Jacob. Sinabayan na ako ni Akiro sa pagkanta ng chorus.
"Wow! Choosing her was a right choice, don't you think guys?" komento ni Jacob pagkatapos namin kumanta.
"Yeah, they blend well," sabi naman ni Mavi.
BINABASA MO ANG
Faded Melody
ChickLitSa musika ko nahanap ang mga salitang hindi ko masabi. Sa musika ko naintindihan ang kahulugan ng damdamin. Musikang nagturo sa akin ng daan patungo sayo. Musikang lumabo dahil sa pagpili ko sayo. ~~ Book cover edited using Canva ✨
