Chapter 10

55 6 7
                                        

Chapter 10: Fading Melody?

"Papa, pwede ka nang bumitaw," sabi ko sa yumakap sa akin. Nakatakip pa rin yung kamay ko sa mga mata ko. Tumigil na ako sa paghikbi, kumalma na din kahit papaano itong emosyon ko. Sadyang ayaw ko lang makita yung itsura ko ngayon. Ayaw kong makita na ito ang dinulot sa akin ni Akiro. Hindi ito yung inaasahan kong mararamdaman ko sa pagsugal ko sa kanya.


"Ayaw ko," sabi ng nakayakap sa akin. Natigilan ako nang hindi boses ni papa ang nagsalita sa likod ko. Alam ko kung kaninong boses yun pero ayaw kong isipin na siya yun. Unti-unti kong tinanggal ang mga kamay ko na nakatakip sa mga mata ko. Nakita ko sa reflection ng salamin na si Archie pala yung nakayakap sa akin.


"A-Archie?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nakaharap pa rin sa salamin.


"Hayaan mo munang yakapin kita hanggat hindi ka pa okay, hihintayin kong sabihin mo sa akin kung anong problema," sabi ni Archie habang nakayakap pa rin sa akin. Hinilig pa niya ang kanyang ulo sa kanang bahagi ng balikat ko. Nanatili akong nakatayo, hindi ko alam kung bakit parang naging bato ako na hindi makagalaw.


"Oh, anong nangyari?" dumating si papa at may mga dala pa siyang paper bags. Marahil kakagaling lang ni papa sa grocery. Naramdaman ko naman na pakonti-konting kumalas si Archie sa pagkakayakap sa akin. Nang tignan ko si Archie ay nginitian lang ako nito. Parang hinihikayat ako ng mga mata niya na sabihin kung ano ang dahilan bakit ako nagkakaganito.


"W-Wala po," pag-iwas ko ng tingin sa kanila. Aalis na dapat ako kaso hinawakan ni Archie ang wrist ko. Kung ano man itong nararamdaman ko, ayaw ko na silang idamay pa. Ako ang may gusto nito, pinili ko si Akiro at ito ang resulta ng pagpili ko sa kanya. Ako ang nagpasok sa sarili ko sa sitwasyon na 'to kaya alam kong ako lang rin ang may kakayahang umalis. Baka lumaki pa lalo ang gusot kung sasabihin ko pa sa kanila.


"Den, sana huwag mo takasan yung problema mo. Ikaw yung nagpa-intindi sa akin kung gaano kahalaga ang magkaroon ng karamay. Ikaw yung tumulong sa akin nung panahon na nag-be-breakdown ako. Sana hayaan mo rin kami ni tito na damayan ka. Huwag mo na sana yun ipagkait sa amin," pakiusap ni Archie.


"Wala lang naman 'to, ayos lang ako," sabi ko kahit alam kong nararamdaman nila na peke yung mga ngiti ko. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanila dahil alam kong mababasa nila kung anong sinasabi ng mata ko.


"Dahil ba 'to kay Akiro?" tanong naman ni papa. Nang banggitin yun ni papa, hindi ko na maiwasang mapahikbi. Naramdaman ko nalang na niyayakap ako ulit ni Archie. Isinuksok ko nalang yung mukha ko sa dibdib niya. Naramdaman ko rin na tinatapik ni papa ang balikat ko. Ayaw ko sana silang magka-idea sa problema ko pero trinaydor ako ng mga luha ko.


Nang kumalma ako ay umupo muna kami ni Archie sa sofa. Si papa inayos muna yung mga pinamili niya. Tahimik lang ako kasi hindi ko naman alam anong dapat kong sabihin. Nakakahiya kasi pinili ko si Akiro tapos wala pang isang buwan nagkalokohan na. Hindi pa ako handa marinig yung mga salitang 'sabi ko kasi sayo ako nalang, eh' o kaya naman 'binalaan na kita nung una pa lang'.


Nang lumingon ako kay Archie ay nakatingin lang siya sa akin. Tinagilid naman niya yung ulo niya na tila bang sinasabing 'sige na magkwento ka na'. Kaya naman iniwas ko nalang ulit yung tingin ko sa kanya.

Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon