Chapter 1: Kupal Kong Best Friend
Bakit kapag kumakanta ako, pakiramdam ko napagdaanan ko na lahat nang pwedeng mapagdaanan sa buhay?
Habang tinitipa ko itong gitara, kinakanta ko na rin ang favorite song kong Ikaw Lamang. Hindi ko rin alam kung bakit kahit wala naman akong jowa, gustong-gusto ko yung mga kanta ng Silent Sanctuary. Alam mo yung automatic akong napapakanta at kung minsan napapa-head bang pa 'pag naririnig ko yung kanta nila. Kaya ayan, puro kanta nila yung mahilig kong aralin.
"Pinapanalangin lagi tayong magkasama-ahhhh," pagsabay naman sakin ni Archie. May pakulot-kulot pa siya ng boses na nalalaman eh nagtutunog pusa lang naman siya pag ginagawa niya yun.
"Tsk, sinisira mo naman yung kanta, eh!" pagmamaktol ko sa kanya na siya namang kinatawa lang niya.
"Hahahaha, ang cute nga ng boses ko. Tignan mo, sa sobrang inggit mo sa boses ko bigla kang nag-tantrums dyan. Hahahahahaha," pang-aasar pa niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at tinuloy ang pagtugtog sa gitara ko.
"Sa lahaaaaaaaaaaat! Ng aking ginagawaaaaaaaa!" kumanta nanaman kaya si Archie. Hay naku, eto talagang lalaking 'to. Panira ng mood.
"Tsk, wala pa nga sa chorus, eh!" nalulukot na yung mukha ko sa inis ko sa kanya pero wala akong pakealam.
"Hay nako, ganyan mo ba suportahan ang best friend mo ha? Tsk, dapat 'pag singer ang best friend mo, pinapakinggan mo yung mga kanta niya. Tignan mo ikaw, gitarista. Pinapakinggan ko naman yang mga tugtog mo ah!" pang-aasar pa lalo ni Archie.
"Haaaaay, alam mo, hindi ko na rin alam kung bakit kita naging best friend. Panira ka talaga," sabi ko sa kanya at inayos ko na ang gitara ko sa case nito.
"Oh, saan ka pupunta?" pang-aawat pa nito sa akmang pag-alis ko.
"Malayo sayo," blankong sagot ko pa rito.
Kukunin ko na sana yung song hit magazine ko nang bigla naman akong unahan ni Archie na damputin ito.
"Pahiram muna ako nito, gusto kong may mapag-aralan sa bahay," nangpipikon pang sabi nito habang pakonti-konting humahakbang palikod. May nakatago pang marker sa bulsa niya at nagulat ako nang ilabas niya ito.
"Archie, binabalaan kita. Huwag mong susulatan 'yan," dahan-dahan akong lumalapit sa kanya at nagbabakasakaling makukuha ko pabalik yung magazine. Pero huli na ang lahat, sinusulatan na niya ang mahiwaga kong magazine! Alam ng taong 'to kung gaano ko ka-ayaw na matupi ang pages nun tapos susulatan lang niya?!
Nang matapos na siyang magsulat ay binato pa nga sakin yung magazine. Kinulang talaga 'to sa injection nung bata, eh.
Ang cute ni Den magalit, pero mas cute si Archie.
Yan lang naman ang nakasulat. Pasalamat siya at doon lang niya sinulat sa bandang likuran ng magazine. Kung hindi, malilintikan talaga sakin itong taong 'to.
"Smile na Den! Nagmumukha ka nanamang matandang dinosaur, eh. Hahahahahahahaha," hindi ko na talaga napigilan yung inis ko at tumakbo na ako papalapit sa kanya para hampasin siya. Sa sobrang inis ko wala na akong pakealam kahit ito pang pinakamamahal kong magazine ang maipang-hampas ko.
Malapit na ako sa kanya nang bigla siyang umilag at... ibang tao ang nahampas ko. Kahit kailan talaga wala nang matinong nagawa itong si Archie!
"Ay, halla. Sorry po, hindi ko po sinasadya," nahihiya kong sabi sa lalaking nahampas ko. Mas matangkad siya kaysa sa akin, moreno, matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata. Agad kong iniwas yung tingin ko at baka sabihin niya na nagwagwapuhan ako sa kanya. Ngumiti lang ito at umalis na.
Nang makaalis na siya ay tuloy-tuloy kong hinampas itong si Archie.
"Uyyy, sorry na hahahahahaha. Sorry na hahahahahhaa," sabi pa nito na parang tuwang-tuwa na hinahampas ko siya.
"Ililibre nalang kita ng Chuckie, yung isang litro!" sabi nito na nagpatigil sakin. Tsk, ang mahirap sa taong 'to, alam niya kung anong kahinaan ko, eh.
"Tsk, mukha ka talagang Chuckie," pinanlakihan ko siya ng mata kaya tumigil na siya sa pang-aasar. Hay, kawawa naman 'tong magazine ko. Naipanghampas sa kupal kong kaibigan at doon sa lalaking hindi ko naman kilala. Sana hindi yun nagalit, hay naku. 'Dibale, hindi naman ako kilala nun, hindi naman siguro big deal sa kanya yun.
~~
BINABASA MO ANG
Faded Melody
Literatura FemininaSa musika ko nahanap ang mga salitang hindi ko masabi. Sa musika ko naintindihan ang kahulugan ng damdamin. Musikang nagturo sa akin ng daan patungo sayo. Musikang lumabo dahil sa pagpili ko sayo. ~~ Book cover edited using Canva ✨
