Chapter 4

46 8 0
                                    

Chapter 4: I like you

Today is charity day! Once a year, nagkakaroon ng program yung foundation na nagpapa-scholar sakin. Para sa iba, hassle 'to kasi sapilitan alang-alang sa scholarship. Ako lang yata ang nag-eenjoy sa ganitong klaseng activities. Alam mo yung hindi ka naman mayaman pero you try your best to help. For me, napakasarap sa pakiramdam na ma-involve sa ganitong mga program.


Tribo ng mga katutubo ang napili ng foundation na tulungan this year. Isang oras pa ang byahe at aakyat pa kami ng bundok. Mabuti nalang nagdala ako ng longsleeves at sumbrero plus nakapag sunscreen din ako. Kaya naman, laban na laban ang peg ko.


"Eew, kadiri naman ito. What do you call this? Kulong-kulong?" sabi nung kapwa ko scholar habang inuuyaw yung kulong-kulong na sasakyan namin. Ang kulong-kulong, originally ay parang tricycle na pinaglalagyan ng mga baboy. Pero itong pinapagamit sa amin ngayon ay nalinis na at para sa akin ay hindi naman mabaho. Palibhasa nag-fi-feeling mayaman na yung isang 'to eh nakakapag-aral lang rin naman sa prestigious university katulad ko dahil sa scholarship.


Inunahan ko nalang siyang sumakay at umupo malapit sa nag-da-drive. Katutubo rin si manong at napansin ko naman na parang nahihiya siya. Siguro akala niya mayayaman yung mga pasahero niya ngayon.


"Hello manong! Huwag ka pong mahiya sa amin. Taga-doon ka po ba sa sitio na pupuntahan namin?" tanong ko kay manong para mabawasan kahit papaano yung kaba niya.



"Ah, oo eh. Taga-doon ako," tipid na sabi niya.


"Excited na akong pumunta roon manong! Panigurado mababait yung mga tao dun," sabi ko naman sa kanya at napangiti naman siya.


"Ano ba yan si Deniel napaka-plastic," comment nung nag-inarte kanina.


"Kaya nga, akala mo naman talaga nag-eenjoy eh pare-parehas lang naman tayong napilitan dito," komento pa nung katabi niya.



Hindi ko nalang sila nilingon kahit narinig ko yung mga sinabi nila.


"Ikaw yung Deniel, iha?" tanong ni manong.


"Opo manong," sagot ko.


"Ah, ganyan ba talaga sila iha?" tanong pa ni manong.


"Ay hindi po manong, nagkataon lang yan. Pagkarating po roon makikita niyo po na sobrang bait ng mga volunteers. Lalo na po yung mga leader namin," sabi ko. "Kwentuhan mo po ako manong ah tungkol sa mga madadaanan natin. First time ko po rito, eh," masigla ko pang sabi kay manong.


At ganoon nga ang nangyari. Kinukwentuhan ako ni manong ng history ng bawat tanawin na makikita namin. Na-kwento niya na rin kung paano sila nakapunta sa lugar na yun at kung ano yung mga tradisyon nila. Busy naman yung mga kasama namin mag-selfie at picture-picture. For sure, pag-check ko mamaya sa social media magaganda nanaman mga captions ng mga yan sa pictures, hay naku.



Nag-stop over muna kami sa isang sari-sari store. Sabi ni manong dito daw talaga sila kumukuha ng gasolina. Bumaba na rin muna kami at bumili ng softdrinks at chichirya kasi mahaba-haba pa raw ang byahe.



Bigla namang nagrequest ng video call si Archie. Aba, buti may signal pa rito.


"Ayun! Sinagot din!" pambungad niya sakin.


"Kanina ka pa ba tumatawag? On the way na kami sa sitio," sabi ko naman sa kanya. Pumwesto muna ako sa ilalim ng puno. Maghihintayan pa naman daw kami dito ng mga kasama namin kaya pwede pa naman siguro ako makipag-kwentuhan.



Faded MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon