Hays, malapit na pala ang graduation ko. Di ko namamalayan na palapit na palapit ang araw na pinakahihintay ko. Kaya ito, nasa bahay ako, specifically nasa loob ng kwarto ko, nag rereview. Next next next week na kasi ang final examination namin. Kailangan ko uling basahin ang mga lessons mula first hanggang third grading, including these recent lessons na itinuro sa amin. Kukuha daw ang mga teachers namin ng mga paksa sa mga nakaraang markahan.
Pagod. Sobrang pagod na ang katawan at isip ko. Todo memorize, analyze at familiarise ang ginawa ko buong umaga. Idagdag pa ang pananakit ng kasu-kasuan ko dahil sa aking pagtatrabaho bilang isang crew sa isang sikat na fastfood chain dito sa amin.
Mga sampung minuto na akong nakaupo dito sa bahay. Pinipilit kong intindihin lahat ng mga binabasa ko. Pero ganitong eksena ulit ang nadadatnan ko.
"Gago ka talaga, Rogelio!" Sigaw ni Mama, kasabay ang pagtapon ng mga kaldero. "Ang kapal ng pagmumukha mong mambabae! Wala ka namang binatbat dito sa impyernong pamamahay na ito! Hindi ka pa umuuwi ditong hayop ka!"
Sunod-sunod ang naririnig kong pagkalimbang ng mga tumitilapong kaldero, plato at iba pa. Paniguradong todo ilag naman si Papa sa mga tinatapon ni Mama.
"Wala kang pakialam, Esme!" Sigaw din ni Papa. "Ito ang dahilan kung bakit ayokong umuwi sa pesteng bahay na ito dahil dyan sa bibig mo kung armalite kung bumunga-nga! Nakakasawa ang boses mo, nakakairita! Animal ka! Wala kang kwentang asawa!"
"E di doon ka na tumira sa malandi mong kabit! Parehas lang kayong hayok sa tawag ng laman! Mga hayop! Hindi ka namin kailangan dito!" At nagtapon na naman si Mama ng mga mahawakan niya.
Ako na naman ang maglilinis ng mga kalat nila mamaya. Wala na rin kaming plato at baso kasi puro basag at sira na.
Palagi na lang silang ganito. Ilang araw na din kasing hindi umuuwi si Papa, nag-alala kami syempre. Pinuntahan ni Mama si Papa sa pinagtatrabahuan niyang construction site pero nagulat si Mama sa kaniyang nadatnan. Si Papa, may kasamang ibang babae. Simula noong araw na iyon, palagi na silang nag-aaway. Hindi lang kasi isang beses nambabae si Papa. Napuno na ata si Mama kaya ayon, sumabog.
"Ate!" Lumapit sa akin ang bunsong kapatid kong si Mikoy, umiiyak ito.
Agad ko siyang yinakap at hinagod ang likuran para patahanin. "Sshhh. Wag ka na lang makinig sa kanila, okay? Magiging maayos din sila mamaya." Pagpapakalma ko. Sinisinok pa itong tumango. "Tuturuan na lang kitang magbasa."
Pinaupo ko siya sa aking lap. Sinimulan ko nang ibuklat ang notebook ko. Kinuha ko rin ang ballpen at binigay kay Mikoy. Nagsimula na siyang magsulat nang kung anu-ano sa notebook ko.
Bigla niya akong kinalabit. Tinignan ko naman siya. "May problema ba sila, Ate? Bakit sila sumisigaw?" Inosenteng tanong niya. "Hindi na ba nila love ang isa't isa?"
"Problema? Oo, pero kaunti lang. Sumisigaw sila dahil hindi nila marinig ang isa't isa. Ang lakas kasi ng speaker nila Aling Betay kaya di magkarinigan." Napahagikhik naman si Mikoy sa sinabi ko. "At Mikoy, wag mong sabihin na hindi na nila mahal ang isa't isa. May nagawa kasi si Papa na hindi dapat. Mahal na mahal ni Mama si Papa kaya't pinagsasabihan niya ito. Katulad na lang nang ginagawa ko sa'yo. Mahal kita kaya't pinagsasabihan kita kung may nagawa kang mali. Gets?" Nakangiti kong tanong.
"Naiintindihan ko po, Ate." Ngumiti siya nang malapad at nagpatuloy sa pagsusulat. Ginulo ko ang buhok niya.
----------------------
Don't forget to vote, comment and follow!
hansolbabe