Nakatulala lang ako habang kinukwestyon kung bakit Niya pa ako binuhay. Wala na ba talagang ending ang madrama kong buhay? May karapatan naman akong magpahinga diba?
Hindi pa ba sapat ang mga sakripisyo ko para mapatawad ako ni Mama sa pagkamatay ng isa ko pang kapatid? Pagod na pagod na kasi ako. Lahat naman ginagawa ko pero bakit kulang pa rin?
Hanggang kailan ko pagbabayaran ang kasalanan ko na hindi ko naman sinasadya. Kailan pa ba makikita nilang lahat ang worth ko.
Sa panahong ito, ang bilis kong ma down. Lalo na sa mga nangyari sa akin. Walang nakakaalam, walang nakakarinig, walang kumakausap sa akin para pagaanin ang pakiramdam ko. Mas lalo tuloy akong nalulunod sa ideyang magpakamatay na lang para mawakasan lahat ito.
Palagi naman akong nagdadasal sa Diyos. Pero kailangan ko pa rin ang suporta ng isang tao. Na sana, makuha ko kina Mama at Papa. Si Mikoy, ngiti niya pa lang, nakakagaan na nang pakiramdam.
"Hi Krisel!" Masiglang bati ni Kevin.
Ngumiti ako nang pilit. "Hello, Kevin."
"Kanina ka pa wala sarili ah?" Tanong niya. Linagay niya ang bag sa upuang katabi ko. And obviously, seatmates kami. "Tulala ka na simula kanina. Tapos may pasa ka pa sa pisngi."
Sinubukan ko namang umakto nang normal para di niya mahalata. Dito ako magaling, sa pagtatago ng totoong mararamdaman. "Ah, ito? Wala hahahaha. Nabunggo lang siguro ako sa pinto namin."
Kumunot naman ang noo niya. "Sigurado ka bang wala kang problema? Alam mo namang maaasahan at mapagkakatiwalaan mo ako diba?"
Ngumiti ako, kahit sa loob ko, gusto kong maiyak. "Oo naman, ikaw pa. Pero promise..." Napalunok ako. "Wala akong problema, Kevin."
Ginulo niya ang buhok ko habang may mga ngiti sa labi. "Sure ka na ha?"
Saglit akong natulala. "Oo."
Si Kevin ang tinutukoy ni Aling Betay na nilalandi ko daw. Where in fact, magkaibigan lang kami. Maraming nagkakagusto sa kaniya dito sa classroom. Bukod kasi sa gwapo, matalino at athletic din siya, mayaman pa. Pero wala naman akong balak na maging boyfriend siya.
"Oh well. What we have here?" Maarteng tanong ni Grace. Ang anak ni Aling Betay. Na reliable source niya 'kuno'. Ang cctv niya dito sa school para bantayan ako.
Ewan ko ba kung bakit ang laki ng hinanakit nilang magpapamilya sa amin. Wala naman kaming ginagawang masama. Ang pamilya pang talaga namin ang pinagdidiskitahan.
"Ano, Krisel? Masaya bang lumandi?" Tinaasan niya ako ng kilay.
Hindi ako sumagot. Baka pagmulan na naman ito nang bagong gulo.
Tumayo si Kevin at hinarap si Grace. "Pwede ba, Grace. Tantanan mo nga si Krisel. Wala naman siyang ginagawang masama sa'yo."
Inirapan nito si Kevein. "Oh c'mon. Wag mo nga siyang ipagtanggol. Kaya duwag yan eh kasi palaging may sumasagip."
"Ipagtatanggol ko siya hanggang sa makakaya ko kasi kaibigan ko siya."
"Tss. Whatever!" Nag flip siya ng hair at lumapit akin. "Malandi ka talaga."
Nabigla na lang ako nang hatakin siya ni Kevin. "Sabi nang tama na, Grace!"
Ako na ang nahihiya sa sagutan nila eh. Pinagtitinginan na kami dito sa loob at gusto ko nang lumubog sa kahihiyan.
Binalibag niya naman ang kamay ni Kevin. "Alam mo ba, Kevin? Pinagsamantalahan ang malanding yan." Sabay turo sa akin. Nagulantang naman ako. "Pero hindi siya nag reklamo sa police kasi paniguradong nagustuhan niya rin naman." Tinaliman niya ako ng tingin. "Tama ba, Krisel?"
Gusto kong umiyak. Paano niya nalaman yon? Oo ginahasa ako at hindi ako nagsumbong kasi ako lang ang malilintikan kina Mama at Papa. Ayaw nila ng gulo at kahihiyan.
Tumahimik ang buong klase dahil sa isiniwalat niya. Hindi ko nga ito ipinaalam kina Mama para di na sila maabala. Pero ngayon, may nakakaalam na.
Anong gagawin ko?
------------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe
