Five

3 1 0
                                    

Nahihirapan na akong makahinga dahil sa bumabara sa loob ng ilong ko. Kanina pa ako umiiyak dito sa plazang malapit sa lugar namin. Magdidilim na pero ito pa rin ako at nakaupo. Nakatulala habang tahimik na umiiyak.

Naiisip ko lang kung paano ako napunta sa sitwasyong ito, na hindi ko naman gusto. Pagod na ang isip at katawan ko sa lahat ng bagay na nangyayari sa akin.

Simula noong namatay ang pinakabunso naming kapatid ni Mikoy, na ako ang sinisisi nila Mama at Papa, palagi na lang nila akong minamaltrato.

Noong nagbubuntis kasi si Mama sa bunso namin, masaya lang akong kumakain ng saging. Aksidente kong naitapon ang balat sa harap ng pinto namin. Naapakan ni Mama, nadulas at bumagsak sa sahig. Nasa ika anim na buwan na ang tiyan ni Mama noon. Nang bumagsak siya, nagsimula na siyang duguin ng sobra. Naidala sa ospital at namatay ang bata.

Doon nagsimula ang lahat. Lahat ng pananakit nila, pagbibigay ng cold treatment at halos ipagtabuyan ako. Hindi ko naman inaasahang mangyayari yun. Maski ang sarili ko, sinisisi din. Kahit anong pilit na pag-aalo sa akin ni Mikoy na hindi ko kasalanan, di ko pa rin maiwasan.

Madilim na at malamig ang simoy ng hangin. Tatayo na sana ako nang may tatlong lalaking tumayo sa harapan ko. Mga malalaking tao sila, magugulo ang buhok, at parang sabog ang mukha. Medyo mapupula din ang mga mata nila na ngayon, nanlilisik na nakatingin sa akin.

"Hi, Miss beautiful." Manyak na tawag nito sa akin.

"Gabing-gabi na. Pero andito ka pa rin."

"Gusto mo bang sumama sa amin? Mukhang problemado ka ah?"

Hindi ko sila sinagot at naglakad palayo. Nagsimula na ring tubuan ako ng kaba. Kakaiba kasi ang binibigay nila na tingin sa akin. Pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda.

Yakap ang sarili ko, nagmadali akong naglakad. Napatalon ako nang may humawak sa balikat at braso ko.

"At saan ka naman pupunta?" Nakangising tanong ng isa sakin.

Nagpumiglas ako. "W-wag po."

Jusko! Nagpunta lang naman ako dito para magpahangin. Pero ito pa ang nadatnan ko.

Inilapit ng isang lalaki ang kanyang mukha sa buhok ko at inamoy ito. "Ang bango mo namang berhen."

At nagsitaasan ang balahibo ko.

"T-tulong! Tulong! Tulong!" Pagpupumiglas ko.

Tinakpan nila ng panyo ang bibig ko at kinaladkad ako sa isang madilim at pinakasulok nitong plaza. Wala nang katao-tao dito kaya malaya nilang magagawa ang gusto nila sa akin.

"T-tama na! Wag po!" Umiiyak kong pagmamakaawa.

Ang isang lalaki, hinawakan ako sa buhok. Ang isa naman, sa beywang ko at kamay at ang huli sa aking legs at paa para di ko sila masipa. Sapilitan nila akong hiniga sa lupa. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero malalakas sila masyado.

Anong laban ko sa tatlong malalaking lalaki sa patpatin kong katawan? Kahit anong pilit kong pagpupumiglas, hindi ko magawa sa tindi ng kapit nila sa kamay ko.

"Tiba-tiba tayo nito!" Nakakalokong ngumisi ang isang manyak.

Sinimulan na nilang punitin ang damit ko. Naiwan na lang ang bra ko na pinunit din nila. Nilamas nila nang marahas ang dede ko at sinubo sa bibig nila.

Halos maglaway naman ang dalawa habang nakatingin sa lalaking bumababoy sa akin.

At nang gabing ito, dito, ako pinagsamantalahan.


-----------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe

Cruel TruthWhere stories live. Discover now