Di ko na maalala kung paano ako nakauwi kagabi. Masakit ang katawan ko mula sa pagkakagahasa sa akin kagabi. Hinding-hindi ko makakalimutan kung paano nila ako pinagsamantalahan nang walang kalaban-laban.
Hindi ako makatulog kagabi dahil paulit-ulit na bumabalik sa akin ang mga nangyaring pinangdidirihan ko sa buong buhay ko. Di ko na ata maramdaman ang sarili ko sa sobrang kahihiyan na matatamo kung may makakaalam.
Ni hindi ko nga maisatinig kina Mama at Papa ang nangyari kasi natatakot akong mahusgahan. Kilala ko na ang ugali nila, mas gugustuhin pa nilang tumahimik na lang kesa tulungan akong mahanap ang mga hayop na gumahasa sa akin.
Hanggang ngayon, masakit pa rin ang maselang bahagi ko na paulit-ulit nilang pinaglaruan. Pati ang dibdib ko, pakiramdam ko, hawak pa rin nila at nilalamas.
Napapikit ako kasabay ang pag-agos ng mga luha ko. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Anong oras na pero ito pa rin ako't nakahiga. Nawalan na ako nang ganang gumalaw. Pati ang pagpasok ko sa school ay tatanggihan ko muna.
Isang malakas na katok ang nagpabalikwas sa akin. Siguradong si Mama ito.
"Gumising ka na dyan, Krisel!" Sigaw niya mula sa labas. "Aba't hwag kang tatamad-tamad diyan! May pasok ka pa!"
Kahit gusto ko mang suwayin si Mama, pero hindi ko magawa. Kasi alam kong sasaktan niya lang ako. Pinilit kong bumangon kahit sobrang sakit ng buong katawan ko.
"O-opo, Ma."
Kape na kay kanin lamang ang umagahan namin ni Mikoy ngayon. Sabay kaming papasok ngayon sa paaralan kasi iisa lang naman ang elementary at high school dito sa lugar namin.
Bihis na bihis si Mama dahil maglalabada siya sa kabilang baranggay. Labandera ang hanap buhay niya sa ngayon. Samantalang si Papa naman, nasa sahig natutulog. Lasing daw kasi siya pag-uwi dito kagabi.
"Bago ka umalis, Krisel, maglinis ka ng bahay ha!" Sabi niya habang naglalagay ng lipstick at nakaharap sa salamin. "At saka yang Papa mo, pabayaan mo lang diyan. Malilintikan ka talaga sa akin pag ginalaw mo yan." Nang matapos niyang lagyan ng lipstick ang labi niya, hinarap niya ako. "Maliwanag ba?"
Tumango ako. "Opo nay."
Tulad nang sinabi ni Mama, naglinis muna ako bago umalis. Hinayaan ko lang si Papa sa lapag kahit labag sa loob ko. Tinapos ko na ang mga gawain dito bago tuluyan na kaming umalis ni Mikoy.
Pagdating ko sa school, tulala na naman ako. Wala akong kaibigang matino dito. Pwera na lang kay Christine na nasa kabilang section, tapos si Kevin na medyo kaibigan ko dito sa classroom.
Ngayon napapaisip ako, nararapat ba akong makaranas nang ganito kaaga sa buhay ko? Sobra naman atang kamalasan ang dumating sa buhay ko? Naging masama ba akong anak at kapatid? Swerte ba ako noong past life ko para bumawi naman nang bonggang kamalasan ngayon sa present life ko ngayon?
Sana naman pala, namatay na lang ako. Kesa naman nito na malapit na akong mabaliw kaiisip kung paano ko malilimutan ang mga nangyari sa akin nitong nakaraang araw. Sobrang pasakit na ang nakapatong sa balikat ko. Hanggang kailan ko ito papasanin? Kakayanin ko pa ba?
Sana nga...
------------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe