Noong gabing iyon, nakatanggap ako nang sampal, sakal, palo, paso at pananambunot galing kay Mama. Sa akin niya nabunton ang galit imbes na kay Papa.
Marami akong pasa ngayon sa mukha. Nakahiga ako ngayon sa kama ko, umiiyak. Masakit ang balat ko pati ang buong katawan. Di ko na ata kaya pang tumayo lalo na't hinampas ako ni Mama ng dos por dos na kahoy sa likod ng tuhod ko.
Di ko naman kasi inaakalang bugbog ang abot ko sa pagpapakita ng card ko sa kanila. Kung iisipin, malaki naman ang lahat ng nakuha kong grades. Pwera doon sa 89. Malaki pa naman yun kahit papaano.
Nasa field lang kami ngayon ni Christine. Masaya siyang nagkukwento about sa naging reaksyon ng parents niya nang makita ang mga matataas niyang grades at nasali pa siya sa honor. Habang nagkukwento siya, panay naman ang kain niya. Ako naman, tulala.
"So, ayon. Magpaparty sila after the graduation. Punta ka ah?"
Mabuti pa siya, ina-appreciate ang mga bagay na katulad ng ganiyan. Ako kasi, hindi. Kapag si Mikoy ang may mataas na grado, binibilhan agad nila ng gamit, binibigay ang pangangailangan at pati pera.
"Krisel..." Kinalabit niya ako. "Nakikinig ka ba?" Tumango ako. "Bakit ka umiiyak?"
"H-ha?" Wala sa sariling napahid ko ang mga luha ko. Di ko napansing umiiyak na pala ako. "E-eh, w-wala to, Christine." Pilit ko siyang nginitian.
Binitawan niya ang kanyang sandwich, hinawakan ako sa balikat at pinihit paharap sa kaniya.
"Magsabi ka nga ng totoo sa akin." Tumingin siya mismo sa mga mata ko. Sinubukan kong umiwas pero di niya ako hinayaan. "May problema ba? Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo?"
"W-wala naman. O-okay lang ako. Okay na okay." Pinasiglahan ko ang boses ko.
"Wag mo nga akong lokohin, Krisel. Kilala kita. Matagal na kitang kaibigan." Kalmadong sabi niya. "At saka, bakit ang dami mong pasa? Yan ba ang okay ha?"
Yumuko ako pero hinawakan niya ako sa baba at iniangat ang tingin ko para magsalubong ang mata namin.
Tunay ngang kilala niya ako.
"This past few weeks, lagi kang tulala, lagi kang kinakabahan, di ka mapakali." Napapansin niya palang wala ako sa sarili. "Mahawakan ka lang ng mga kaklase natin, bigla ka na lang natatakot at nag papanic." Tumulo ang mga luha ko. "Ano ba talagang nangyayari, Krisel. Sabihin mo sa akin."
Kaibigan ko naman si Christine, totoo yun. Siya na ang pangalawa kong pamilya bukod kina Mama, Papa at Mikoy. Marami na rin akong sinabing sekreto kay Christine. And so far, wala siyang pinagkakalat. She is like my walking and breathing diary.
Mapagkakatiwalaan ko siya. Pinatibay na ito ng panahon dahil matagal na nga kaming magkaibigan.
"Christine..." Humagulhol na ako. "G-ginahasa ako."
Napabitiw siya sa pagkakahawak sa balikat ko at napatakip sa kaniyang bibig, nanlalaki din ang mga mata niya.
"Oh my gosh!" Gulat niyang sabi. "A-ano? Kailan?" Naiiyak niyang tanong. "Alam ba to nag mga magulang mo? Bakit di mo pina-police? Narinig ko na yan noong sinabi ni Grace, pero di ako naniwala."
"T-totoo yun." Nahihirapan na akong huminga. "Di ko lang sinabi kina Mama kasi maaabala pa sila. Ayaw nila ng gulo at kahihiyan."
"Pero responsibilidad ka nila. Natural lang sa mga magulang ang hanapin ang mga walanghiyang gumalaw sa'yo." Yinakap niya ako at umiyak nang umiyak.
"Christine, matagal na rin nila akong minamaltrato." Sabi ko pa.
"S-sino?" Nanginginig niyang tanong.
"Nila Mama at Papa."
Narinig ko na lang na umiyak na rin siya. "Oh my! Oh my! Sila ba ang may gawa niyang mga pasa mo?"
Tumango ako. "Oo."
"Anong plano mo ngayon?"
"Nakikiusap lang sana ako, Christine. Wag mong sabihin sa kanila." Pakiramdam ko nanghihina na ako.
"P-pero bak----"
"Please, please, please."
Ilang minuto din akong sinamahan ni Christine. Puro pag-aalo ang ginawa niya para naman daw gumaan ang pakiramdam ko.
At siguro, umeepekto. Kahit papaano naman ay gumaan nga. May nasabihan na ako sa mga nararanasan ko. Mabigat kasi sa dibdib na may karga karga kang mabigat na sekreto.
Kailangan kong huminga kahit saglit.
Nang tatayo na sana kami ay biglang nandilim ang paligid ko.
"Krisel!"
-----------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe