Epilogue

3 0 0
                                    

Kasabay ng pagtunog ng baril ay napabalikwas ako ng bangon. Habol ko ang aking hininga habang nakatulala.

Bakit ko ba napanaginipan ang senaryong iyon? Bakit parang totoo?

Pero laking pasalamat ko at hindi yun totoo. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Alam ko ring malalaki ang butil ng pawis sa noo ko.

Nang tignan ko ang orasan sa side table ko ay nakita kong alas 9 na ng umaga.

Napahiga ulit ako habang nakatulala sa ceiling. Gusto kong umiyak dahil sa panaginip ko. Naiiyak ako sa babaeng binaril ang sarili.

May kumatok bigla sa pinto at pagbukas ay si Mama pala.

"Oh Krisel, mabuti at gising ka na." Malambing niyang sabi.

"Binangungot ata ako, Ma."

"Naku, hulaan ko, tungkol yan sa babaeng nagpakamatay ano?"

Tumango naman ako. "Yes hehehe"

Piningot niya naman ang tenga ko. "Yan, obsessed ka kasi sa kababasa about sa mga suicide suicide na yan. Pati panaginip mo, kinakain."

"Curious lang naman po kasi ako kung bakit may mga taong ang dali-dali lang para sa kanilang patayin ang sarili nila."

"May mabibigat na dahilan ang bawat isa, Krisel. Para sa iba, ang dali nilang husgahan pero ang totoo may mga dahilan sila na hindi na nila makakayang solusyunan."

Tumango naman ako. "Opo, tulad ng nasa panaginip ko." Huminga ako ng malalim.

May ibang parte sa panaginip kong malabo na. Ang naaalala ko, inaway ang babae, ginahasa, minaltrato at binaril ang sarili.

Kinilabutan ako sa sobrang takot.

Mabuti talaga at nagising ako.

"O siya, bumaba ka na. Nasa sala na ang mga kaibigan mo." Excited na sabi ni Mama. "Happy birthday, Krisel!"

Pagkatapos niya akong halikan, lumabas na siya.

Nang makuntento na ako sa ayos ko ay agad akong bumaba. Nasa sala na nga lahat ng kaibigan ko. Si Kevin, Christine at Grace. Narito din sila Aling Betay. May hawak na cake si Papa at balloon naman kay Mikoy. Lahat sila nakangiti sa akin.

"Happy birthday, Krisel!" Sabay Sabay silang bati sabay pasabog ng confetti ni Kevin.

Ito ang reality ko, masaya. Malayong-malayo sa panaginip ko. Walang kaaway at nagkakaisa kaming lahat.

But that dream of mine shows how cruel truth is.

END












Sana nagustuhan niyo. I love you all, future readers!

Don't forget to vote, comment and follow!
hansolbabe

Facebook: Jean Hansol Jean
Twitter: Hansol Jean

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cruel TruthWhere stories live. Discover now