Natapos ang araw na ito na medyo nakakapagod. Linggo ngayon. Sakto kasi rest day ko mula sa trabaho at wala akong pasok. Agad akong bumangon nang maaga. Naghanda na ako para sa umagahan namin. Nagsaing ako ng kanin, nag prito ng tuyo, boiled egg at bagoong. Pagkatapos kung ilagay ito sa lamesa at tinakpan ay pumasok ako sa kwarto namin ni Mikoy upang kunin ang mga damit namin na lalabhan ko. Pumasok din ako sa kwarto nila Mama at Papa para kunin ang mga labahin nila, tulog pa sila nang madatnan ko.
Payapa at tahimik lang silang natutulog. Ang payapa nilang tignan habang tulog. Parang walang away na nangyari sa kanila palagi. Dali-dali kong kinuha ang labahan nila para malabhan ko mamaya pagkatapos kumain.
Ilang minuto pa, nagising na silang tatlo. Agad naman akong naglapag ng mga plato, baso at kutsara. Nagsimula na kaming kumaing tatlo na tahimik.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" Basag ni Mama sa katahimikan. Naka focus lang siya sa plato niya at di man lang bumaling ng tingin.
Ngumiti naman ako bago sumagot. "Okay naman po. Medyo mahirap pero nakakaya ko naman."
Ang sarap sa feeling na may kumukumusta sa mga ginagawa mo araw-araw. Meaning, may paki sila sa akin.
"Hindi ikaw ang kausap ko, Krisel." Inis na sagot ni Mama. Nawala naman ang ngiti ko. "Si Mikoy."
Pasimple akong tumingin kay Mikoy na nakatingin na pala sa akin. May halong lungkot ang mga mata niya at ngiti. Pilit ko namang sinagutan din siya ng ngiti.
"Maayos naman po." Maikling sagot ni Mikoy.
"May kailangan ka bang pera para sa project mo, Mikoy?" Dagdag niya pang tanong. Si Papa naman, tahimik lang na kumakain or should I say, walang pakialam. "Bibigyan kita kasi may extra pa ako dito."
Umiling-iling naman si Mikoy sabay tingin sa akin. "Wala po. Pero si Ate merong babayaran para sa exam niya."
"Kaya niya yang bayaran mag-isa. May trabaho naman siya kaya makakaya niya yang tustusan."
Wala nang nagsalita pa. Biglang tumayo si Papa nang padabog. "Pahingi ng 500, Krisel." Nilahad ni Papa ang palad niya sa harap ko. "May bibilhin lang ako."
"P-po?" Naguguluhang tanong ko.
Saan niya na naman gagamitin ang pera? Ilulustay na naman? Ibibili ng alak? Ipupusta sa manok? O ilalaro niya ng billiard o magbabaraha?
"Huwag mong bigyan. Ibibili niya lang yan ng alak." Agad na tutol ni Mama. Nakita ko namang napakuyom si Papa sa kamao niya. "Ano, Rogelio? Magpapakalunod ka na naman sa alak ng ganito kaaga? Tapos uuwi kang lasing dito? Bwesit ka talaga kahit kailan!" Sigaw ni Mama.
Hinampas ni Papa ang lamesa sanhi na magsiliparan ang mga gamit na nasa hapag, pati pagkain. Nakayuko lang kaming dalawa ni Mikoy, di alam ang gagawin.
"Anak ka talaga mg tipaklong, Esmeralda!" Bulyaw ni Papa. Tumayo si Mama at ngayon, magkaharap na sila. "Lahat na lang tinututulan mo? Lahat na lang bawal sa akin? Lahat na lang, ikaw palagi ang may kontrol! Kaya ako nasasabihan ng mga tropa kong under the saya ako eh. Kasi palagi mo na lang akong binabara." Galit na sigaw ni Papa. "Sinunod ko na nga ang utos mong umalis ako sa pinagtatrabahuan ko dahil dyan sa lintek mong pagseselos! Tapos ngayon, pagbabawalan mo akong humingi ng pera sa anak mo? Ano ba talagang gusto mo? Nakakagago ka na!"
Pinaalis ni Mama si Papa sa construction site kasi baka may gawin na namang kabulastugan si Papa. Si Mama ang lumapit sa foreman nila Papa para e-fired siya. Nang malaman ni Papa, nagalit siya at nagwala sa loob ng bahay namin.
Marahas na sinampal ni Mama si Papa. "Kung masipag ka lang maghanap ng trabaho, hindi ka na kailangang humingi sa anak mo." Sigaw ni Mama. "At lalong hindi ka maaalis sa trabaho mo kung hindi mo inuuna ang paglalandi mo! Ang bilis mong mambabaeng hayop ka!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa dalawa. Kahit pumagitna man ako sa kanilang dalawa, masasaktan lang ako. May possibility pang ako ang pagbuntungan ng galit nila.
Nagsimula na namang umiyak si Mikoy. Palihim niyang pinapahid ang mga luha niyang patuloy sa pagtulo. Ako lang amg nasasaktan kapag nakikita ko ang kapatid kong umiiyak sa tuwing nag-aaway sila Mama at Papa.
"Babalik na naman ba tayo sa issue na yan, Esme?" Galit na tanong ni Papa, sinamaan niya pa ito nang tingin. "Potangina mo naman pala eh."
Lumapit si Mama kay Papa at paulit-ulit na sinampal ito. Masakit sa tenga, sa puso at sa damdamin na minumura ni Papa si Mama. Parang turing niya lang dito ay isang hayop.
"Tarantado ka talaga kahit kailan, Rogelio!" Patuloy pa rin siya sa pagsasapak kay Papa na puro depensa lang sa sarili.
-------------------
Please don't forget to vote, comment and follow!
hansolbabe