Ilang araw na lang, final exam na. Tapos next next week, graduation na. Pero nakakawalang gana kumilos. Gustuhin ko mang umabsent nang ilang araw pero di ko pwedeng gawin. Running for valedictorian ako sa batch namin. So, I need to remain my grades at its state.
Ang saklap ng walang pakialam ang pamilya mo sa'yo. Sa part time job ko, nag resign na ako. Marami akong na realize habang humihinga ako sa buong buhay ko. Mula sa pagkamatay ng kapatid ko, pananakit ni Aling Betay, ang panggagahasa sa akin, ang mga tingin ng mapanghusgang mata, ang pagpapahiya nila Grace sa akin, ang pagmamaltrato nila Mama at Papa sa akin.
Lahat ng iyon, itinanim ko sa aking isip. Deserve ko naman magpahinga sa lahat ng naranasan ko diba? Ang bigat bigat sa damdamin ng mga nangyayari sa akin. Hindi ko na talaga kaya. Ilang beses ko nang kinumbinsi ang sarili ko na kakayanin ko ito, pero sa sarili ko na rin ang kusang sumusuko.
May paraan na ako para matapos na ang lahat ng ito. Kunting tiis na lang at makakapagpahinga na rin ako.
Pumasok ako sa paaralan ng masaya. Kuhaan na kasi ng xard namin. Tapos na ang final exam, at next week na ang graduation.
"Krisel!" Patiling tawag sa akin ni Christine.
Masaya ko naman siyang nilingon. "Christine!"
Nang maglapit na kami, nagyakapan kami habang tumatalon. Base sa reaksyon niya, nakakuha siya ng mataas na marka.
"Nakakuha ako ng spot sa honors." Excited niyang sabi.
"Masaya ako para sa'yo." Nakangiti kong sabi.
"Mas masaya ako para sa'yo, girl. Valedictorian ka ng batch natin. Ang talino mo talaga."
Kumaway naman ako. "Hindi ako matalino, masipag lang mag-aral."
"Sus, pa humble ka pa, friend hehehehe." Umakbay siya sa akin. "Dahil diyan, libre kita ng fishball."
Feeling ko nag heart shape ang mga mata ko. "Talaga? Hahahaha salamaaaaaat, Christine!" Di ko napigilan at niyakap ko siya.
Kinahapunan, sabay kaming lumabas at tinotoo niya ang libre niyang fishball. Masaya lang kaming kumakain at nagkukulitan. Nang matapos kaming kumain ay nagsiuwian kaming dalawa.
Masaya kong ipapakita ang card ko. Hindi pa man ako nakakatapak sa lupa ng bahay namin. Rinig ko na ang sigawan nila ni Mama. Sinalubong naman ako nang umiiyak na si Mikoy.
"Ate, nag-aaway na naman po sila." Umiiyak niyang sabi.
Pinahid ko naman ang luha niya. "Tahan na. Tara pasok na tayo." Nakita ko naman ang mga ngisi ni Aling Betay sa tapat ng bahay namin.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Rogelio!" Umiiyak na sigaw ni Mama, may hawak siyang kutsilyo. "Tarantado ka! Peste ka pa rin sa pamilyang ito!"
"M-mama, tama na po. I-ilapag niyo ang kutsilyo." Pagmamakaawa ko.
Sa akin niya itinuro ang kutsilyo habang masamang nakatingin sa akin. "Isa ka pa! Salot ka rin sa buhay ko! Magsama kayong mga hayop kayo!"
Naiyak na naman ako. Hanggang ngayon, masakit pa ring mamura ni Mama.
"Walanghiya kang babae ka! Hindi ka pa rin nagbabago! Nakakabwesit ka!"
Hindi ko na mapigilang mapaiyak. Ito na kasi ang huling beses na makikita ko silang ganito. At sa unang pagkakataon, sumabat na ako sa kanila. Nilakasan ko na ang loob ko.
"Ma, Pa."
Dinuro ako ni Papa. "Wag kang makialam dito, Krisel."
Nilapag ko ang brown envelope na kinalalagyan ng card sa lamesa. Parehas silang napatingin sa card. Binaba ni Mama ang kutsilyo at naupo si Papa sa upuan.
Proud akong ipakita sa kanila ang card ko dahil matataas naman ang mga grades ko. Kaya sure akong magugustuhan nioa ang grades ko.
Si Mama ang bumukas ng envelope. Tinignan niya nang maigi ang mga grades ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti. Sana maging kontento na sila sa grades ko. Ang importante, valedictorian ako.
Inihampas ni Mama ang envelope sa lamesa at tinignan ako ng masama. "Punyeta! Bakit may line of 8 ka?"
Nataranta naman ako. "Okay lang naman po, Ma. 89 po yan. Di naman nakaapekto sa ibang grades ko. Mataas pa rin naman po yan."
Nilapitan niya ako at sinambunutan. Gigil niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko. "Leche! Hindi pa rin yan sapat, Krisel. Di ba ang usapan, line of 9 lahat? Ang bobo mo naman."
'Aray araaay ko po'
"Nagkanda kuba-kuba na kami para mapag-aral ka tapos ito lang ang ibibigay mo sa amin?" Hinampas niya sa mukha ko ang envelope. "Matapos ka namin palamunin at patirahin dito, itong grado mong may 89 lang ang ipapalit mo sa amin? Kailan ka pa naging bobo?"
Agad ko namang hinawakan ang bibig ko nang hinampas niya ulit ang envelope sa mukha ko.
"Ang tanga at bobo mo, Krisel!" Galit niyang bulyaw sa akin.
"Nagmana sa ina." Bulong ni Papa.
Linampaso niya ang mukha ko sa lamesa. Hinila ulit ang buhok ko sabay sampal. Napaiyak naman ako sa sakit.
Akala ko, magiging masaya sila.
Mali pala ako.
-----------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe