Three

4 1 0
                                    

Pagkatapos naming kumain, na nauwi sa awayan nila Mama at Papa, linigpit ko na anginagkainan namin. Matapos kung hugasan ang mga plato ay naupo ako sa lumang sofa namin para ihiwalay ang de kolor na damit, puting damit, mga pantalon at mga kumukupas na damit.

Tinawag ko si Mikoy para sana tulungan ako sa paglalaba. "Samahan mo si ate na manlaba, Mikoy." Siniglahan ko ang boses ko para naman kahit papaano'y gumaan ang nararamdaman niya.

Mugto ang mga mata niya kakaiyak kanina. "Sige po ate. Tutulungan kita." Sinimulan na naming bitbitin ang mga basket na linagyan namin sa mga labahin.

Dala ang mga labahin ay pumwesto na kami sa may poso. Hindi lang kami ang nakikigamit sa posong ito, marami kami, mga kapit-bahay. Kaya medyo masikip dito sa lugar namin. Sinadya itong ipalagay ng konsehal namin para makatulong sa mga katulad kong walang supply ng tubig sa bahay. Ni wala nga kaming kuryente, tubig pa kaya?

Si Mikoy ang nagsimulang mag pump sa poso habang ako naman ay sinimulan nang lagyan ng powder detergent ang naipong tubig sa palanggana. Linunod ko naman ang mga de kolor.

"Ang aga-aga naman atang sumabak sa gyera ng mga magulang mo, Krisel?" May himig na panunuya sa boses ni Aling Betay. Siya yung kapitbahay naming may malakas na speaker. At bukod doon, siya rin ang presidente ng pagiging chismosa sa baryo namin.

Siya ay isang matabang babae na may mga curlers sa buhok at nakasuot ng daster. Katulad rin siya sa amin na naglalaba din.

Hindi ko siya sinagot baka kasi may masabi akong hindi maganda. Wala naman siyang karapatan na makialam sa away ng pamilya namin. Labas siya sa kung ano ang mga nangyayari sa loob ng pamamahay namin.

"Naku, uma-attitude ang babae oh." Natatawang sabi niya. "Nagmana sa ina, nagmamaldita."

Pinilit ko ang sarili kong kumalma. Dumako ang tingin ko kay Mikoy na nakakunot ang noo dahil sa narinig pero patuloy pa rin siya sa pag pump.

"Alam niyo ba? Yang si Krisel, nilalandi daw ang isa niyang kaklase na mayaman. Napakadesperadang umahon sa kahirapan kaya kumakaringking kahit bata pa." Kakaibang tingin naman ang pinukol ng mga kababaehan sa akin.

"Saan mo naman napulot ang chismis na yan, aber?" Tanong ng isang chismosa. Kasama siya ni Aling Betay.

"Saan pa ba? Sa pinaka reliable kong source, sa anak kong kaklse ni Krisel." Proud niya pang sagot.

Kung pag-usapan ako, parang wala ako sa harapan nila ah. Harap-harapang pangja-judge mga ateng?

"Ahh si Grace?"

"Sino pa ba? May anak pa ba akong iba? Tanga ka rin no?"

Napakamot naman sa ulo ang babae. "Pasensya na. Tao lang."

Inirapan niya ito at tumingin sa akin ng may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Hindi na kataka-taka yan, Mare. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Kung bulok ang puno, bulok din ang bunga." At nagtawanan silang lahat.

Una sa lahat, ang lakas nilang mang alaska ng tao. Pangalawa, ang lakas naman ng loob nilang pag-usapan ang Mama ko sa aking harapan at ang pangatlo, hinding-hindi ako tutulad sa kaniya.

Padabog kong ibinagsak ang kinukusot kong damit. Nagtalsikan pa ang butil ng tubig sa kanila. "Ano po bang problema niyo? Tahimik lang kaming nagtatrabaho dito pero kung pagchismisan niyo ako, daig pang presidenteng kumakandidato!"

Lumapit si Mikoy sa akin at hinawakan ako sa braso.

"Aba't ang tapang mo ah! Namana ang kalandian sa ina, ang tapang naman sa ama." Nagtawanan ulit sila.

"Hindi ako malandi dahil una sa lahat wala akong nilalandi!" Matapang kong sagot. "Paano niyo nasisikmurang pumuna ng kapwa tao na kung tutuusin, mas masahol pa ang ugali niyo kesa akin. Tumingin nga muna kayo sa salamin at hanapin niyo ang mali niyo. Hindi yung ibang tao ang pinagtutuunan niyo ng pansin." Di ko na mapigilan ang galit ko. Sobra na kasi ang mga sinasabi nila at nakakasakit na. "Balikan niyo na lang ako kapag wala kayong ginawang kasalanan simula pagkabata. Tatanggapin ko ang mga pang-iinsulto niyo. Kung makapuna, parang perpekto."


-----------------------
Please vote, comment and follow!
hansolbabe

Cruel TruthWhere stories live. Discover now