Minsan hindi mo namamalayan na...
... unti-unti na palang NAGSISIMULA ang bagay na hindi inaasahan.
---------
Paano nga ba ako nahulog sa kanya?
Noong una naman inis ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan.
Ayaw ko ng presence niya.
Marinig ko lang ang boses niya, badtrip na ko.
I really hate him.
But because of my boredom, naisipan ko ang isang laro.
Laro na trip lang talaga namin ng bestfriend ko.
"OFIL"
... o Operation Fall In Love
It started nung nasa canteen kami at pinagtanggol niya ang ka-close friend ko na classmate ko din na nagkataon na absent noong araw na iyon.
"Uyy, huwag nga kayo. Ayaw ni **** ng isda." Iyan ang mga sinabi niya na naging dahilan upang asarin namin siya.
At dahil sa super hopeless romantic ako, naisipan kong gawin ang larong iyon.
Ang larong hindi ko alam ay magdadala sakin sa kapahamakan.
Agad kong dinawit ang bestfriend ko sa kalokohang ito. Hindi ko naman keri mag- isa ito no.
Steps in OFIL:
No. 1 - Dapat alam mo ang mga bagay tungkol sa dalawang tao na taya sa larong ito.
Hindi naman ako nagkaroon ng problema sa girl na friend ko dahil close kami, pero sa kanya wala akong kaalam alam kahit isa dahil wala naman akong pakialam noon sa kanya.
So dahil doon kinailangan kong alamin ang mga bagay bagay tungkol sa kanya kaya palagi akong nakamasid sa mga kilos niya.
At dahil doon, nalaman ko ang mga bagay na hindi pansinin sa kanya. Ang mga bagay na nakatago sa likod ng mga pinapakita niya na pagiging ...
... pasaway
... makulit
... maingay
... at magulo.
Ang mga bagay na kinaiinisan ko dahil nagmumukha na siyang papansin.
Pero sabi nga nila 'don't judge a book by its cover' dahil sa likod ng mga pinapakita niya ay ang ...
... kabaitan
... pagiging mapagbigay
... maalalahanin
... at kabutihan sa puso niya.
Mga bagay na naging dahilan ng pagkahulog ko sa kanya.
No. 2 - Asarin silang dalawa sa isa't isa.
Noong una nagagawa ko pa ito ng maayos.
Inaasar namin silang dalawa kapag nasa klase o kung saan man.
At tuwang tuwa kami sa mga reaksyon nila, lalong lalo na ako. Nung una.
Pero habang tumatagal, kapag aasarin ko sila, may bagay na pumipigil sakin.
Bagay na hindi ko alam kung ano.
May nagbago sakin ...
... sa pagtingin ko sa kanya.
Madalas na niya akong napapatawa.
Napapatingin ako palagi sa kanya.
Nahihiya akong makipag- usap sa kanya.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya.
Lagi ko siyang iniisip.
Lagi akong excited pumasok dahil sa kanya.
"Anong nangyayari sakin? Bakit ba ako nagkakaganito?"
Madalas kong itanong ito sa sarili ko.
Ano nga bang nangyayari sakin?
Matagal din bago ko nalaman ang sagot, mga isang linggo.
At nang dahil pa sa wattpad ...
... nalaman ko ang sagot.
CRUSH KO NA PALA SIYA!
Takte naman oh.
Yung sarili kong laro ako ang NABIKTIMA.
And that's how it started ...
... it started with a GAME.
And I LOSE in the GAME OF LOVE.
BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Short Story"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!