Kailan mo nga ba masasabi na moved on ka na sa isang tao?
... sa taong minahal mo ng lubusan?
Pero kailanman hindi ka minahal.
---------
"Ihh! Ayan na si Jhon. Kilig na naman yan." Pang- aasar sakin nitong si May. Ito na naman po tayo.
"Weh? Di na." Sabi ko sabay lingon sa kanya.
"Di na. Pero lumingon naman siya. Ihh!" Masama bang lumingon? Lingon lang eh.
Haay! Makapagbasa na nga lang... "Ano ba? Nagbabasa ako." ... baka mamaya mapatitig na naman ako sa kanya.
"Busy busyhan." Oo. Kaya please huwag mo kong guluhin. "Uyy! Len! Len! Tingnan mo. Dali!"
"Ano ba? Busy ako." Sabi ngang nagfofocus ako dito eh.
"Len tingnan mo nga yun eh. Mamaya na yan." Pangungulit sakin ng babaeng ito.
Hindi ko siya iniintindi pero patuloy parin siya sa pag alog sakin. "Ano ba? Nahihilo na ko! Ano ba kasi yun?"
"Tingnan mo yun, oh." Turo niya sa direksyon kung nasaan ang board. Agad ko namang sinundan ng tingin ang tinuro niya.
Sana hindi na lang ako lumingon...
Sana hindi ko na lang inintindi itong si May...
Sana nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa...
Edi sana hindi nadudurog ang puso ko ngayon...
Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon...
"Ang sweet nila no?" Biglang tanong nitong katabi ko. Oo, ang sweet nila at ang sakit nun. Hay! "Selos ka naman?" Tinanong mo pa, syempre OO.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanila. Baka mamaya... maiyak pa ko. Binalik ko na lang tingin ko sa librong binabasa ko. "Haha! Baliw to. Hindi no." Sinungaling! "I'm totally and absolutely moved on." Hinihintay na ko ni kamatayan sa impyerno, ubod ko nang sinungaling.
Gaano na ba ako katagal ganito?
Patuloy na nabubuhay pero unti- unti nang namamatay.
Sa araw araw na lang pag umaga, ayaw kong pumasok hindi dahil sa tinatamad (minsan, oo din) pero dahil pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng room namin sila agad ang makikita.
... sweet
... masaya
... inlove na inlove sa isa't isa
Araw araw na lang parang umaattend ako ng burol sa room. Burol ng puso kong namatay dahil sa sakit kapag makikita silang dalawa.
Isang taon palang naman nung simula ko siyang maging crush pero bakit nahihirapan akong magmove on sa kanya?
Crush pa nga lang ba?
Pati ba naman sa sarili ko magsisinungaling pa ko...
... mahal ko na siya.
Pero hindi pwede...
... hindi dapat.
May mahal na siyang iba at...
... ang taong yun ay mahal ko din...
Masakit mang aminin at ipagsigawan sa puso at isipan ko...
... pero kailangan.
Kailangan ko na siyang KALIMUTAN.
Kailangan ko nang MAGMOVE ON.
Dahil ang mahal niya ay itinuturing kong bunsong kapatid.
Ang sakit sakit lang maglaro ni Tadhana.
Dahil ang taong mahal ko at may mahal nang iba at ang mahal niya ay mahal ko pa.
Ang HIRAP
Ang SAKIT
Pero kailangan umusad ang buhay ko.
"Len! Len! Len! Hello?"
"Huh!?"
"Ay tulaley na naman. Iniisip mo na naman si Jhon no?"
"Ilang beses ko ba sasabihin na move on na ko? I'm totally and absolutely moved on."
Nagsinungaling na naman ako.
Haay!
Kailan ko kaya masasabi na ...
"I'm totally and absolutely moved on...
.... and I mean it?"
---------
Damang dama ni author eh. Haha! May pinagdadaanan.
Ang lahat po nang nakasulat dito ay pawang katotohanang lahat.
Another one shot story. Hope you'll enjoy reading this.
- Ate Issa
#ConnectToPagIbig
BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Kısa Hikaye"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!