Muntik Na!? (Part 3)

32 3 1
                                    

Klase na sa Filipino subject namin pero hanggang ngayon hindi parin ako nakakarecover sa nangyari kanina.

Buti na lang talaga hindi ako pinabasa ni ma'am at tinanong. Wala naman kasi akong maisasagot. Lagot ako kay ma'am niyan. Pinasagot lang kami ng mga exercises sa book.

Mabilis naming natapos ang activity namin kaya may time pa, naging maingay na naman ang room dahil sa pagkwekwentuhan namin.

Sana binagalan ko na lang ang pagsasagot, edi sana hindi ako nasasabon ngayon ng mga kaklase kong babae.

Bwisit! Kanina pa ko inaasar ng mga ito. Ayaw akong tantanan.

Tinatanong nila kung ano daw ang naramdaman ko kanina nung sinabi ni **** na muntik na.

Ako nga sa sarili ko hindi ko alam kung ano ba talaga ang naramdam ko.

Patuloy nila akong kinukulit pero nginingitian ko lang sila.

Dahil sa ingay ng mga kasama ko, napagalitan tuloy kami ni ma'am.

Imbes na pwedeng makipagpalit ng upuan at makipagkwentuhan, eto kami ngayon tahimik at nasa assigned seating arrangement namin. Kasalanan nila ito eh. Ang boring kaya dito sa upuan ko, nasa unahan.

Pero dahil pasaway ang mga kaklase ko, maya maya din ay nagsisimula na naman silang mag ingay.

Habang inaasar nila ako dito sa may upuan ko bigla na lang may tumawag sakin.

"Issa! Issa!" Tinatawag niya ko sa likuran ko.

"Oh?" Sagot ko ng hindi tumitingnan sa kanya.

"Issa! Muntik na no!? Muntik na!" Malakas na sabi niya sakin at dahil doon lumingon ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama. Ito naman mga babae dito kung makahagikgik kala mo kinikiliti. Patayin ko sila sa kiliti eh.

"Muntik na! Issa! Muntik na!" Ano ba yan!? Hindi niya ba titigilan yun. Paulit ulit na. Kairita!

At lumapit pa siya sa tabi ko para lang asarin ako. Eto naman ako trying to talk with one of my classmate while covering both of my ears. Pero wala, panalo siya sa panggugulo niya and with that tinitingnan ko na lang siya ng masama. Malay niyo naman matakot siya diba.

But imbes na umalis siya eh ...

... kinantahan pa niya ko.

~ Tumingin saking mata
Magtapat ng nadarama ~

Mang aasar ba talaga siya dahil kung oo tamang tama sa moment namin ngayon. Hindi ako titingin sa mata at lalong hinding hindi ako aamin sa kanya.

~ Di gusto ika’y mawala
Dahil handa akong ibigin ka ~

Talaga lang ha!? Kung ayaw mo kong mawala, edi dito ka lang. Wow  ha! Ibigin talaga!? Ni maging kaibigan ko nga hindi mo magawa, mahalin pa kaya.

~ Kung maging tayo
‘Sayo Lang ang Puso ko’ ~

Sa pangarap ko na lang yan. Pero sayong sayo na ang puso ko. Hihi! #LandiExplosion

Paulit ulit niyang kinakanta yan habang nakaluhod noong una sa may likod then umusod siya sa gilid ko then ngayon nasa harapan ko na siya.

Ako naman eto tahimik at binibigyan siya ng mga masamang tingin.

At ang tahimik ng paligid namin. Hindi lang ito ilusyon kasi talagang tahimik silang lahat pati si ma'am at lahat sila nakatingin saming dalawa. At nakangiti saming dalawa.

Oh May! Nakakahiya.

"****, tigil tigilan mo nga ako." Kunwaring inis na sabi ko sa kanya. Never naman akong nainis sa kanya.

"Okay class, time na. You can have your lunch?"

Save by Ma'am! Thanks ma'am! Love you na!

Habang kumakain kami hindi umiimik ang mga girls na classmate ko pero halata sa ngiti at tingin nila ang panunukso sakin.

Agad kong tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na para pumunta sa room, ngunit agad naman silang sumunod. Ang kukulit talaga.

"Issa, alam mo ba nung 'sweet moment' niyo kanina, si ma'am ang lapad ng ngiti. Bago pagtumitingin samin, binibigyan kami ng meaningful na ngiti." Sabi sakin ng isa sa classmate ko habang nag aayos ako ng bag. "Sweet niyo kanina ah. Yieeeeeehh! Hihi!"

"Ewan ko sa inyo."

"Tara guys, spin the bottle ulit." Pagyaya ng isa boys. Agad naman sumang ayon ang iba naming kasama. Tumatanggi ako nung una pero pinilit nila ako. Wala naman akong magagawa eh.

Nagsiupuan kami sa sahig, sa dating pwesto namin. Pero bago magsimulang paikutin ang bote, may naramdaman ako.

Sobrang sakit.

Naninikip na naman ang dibdib ko.

Agad na sinabi ko sa kanila na hindi ako makakasali. Nung una ayaw nila pero nakiusap ako.

Sobrang sakit na.

Nahihirapan na kong huminga.

Nangangatal na ko.

Nanghihina na ang katawan ko.

Inaatake na naman ako.

Agad akong uminom ng tubig.

Umupo at pinakalma ang sarili.

Ito ang problema sakin eh, yung sakit ko sa puso. Bawal ako ng sobra, sobrang emotions. Nasobrahan ako sa saya ngayong araw.

Hawak hawak ko na ang dib dib ko.

Hindi ko namamalayan na hindi na pala naglalaro ang mga kaklase ko at nakatingin lang sakin.

"Issa, ayos ka lang!?" Tanong ng isa kong kaklase. Tumango ako bilang sagot.

Tumingin siya sakin with concern written all over his face. "Ayos ka lang?" Seryosong tanong niya sakin. Tumango lang din ako.

Ano ba yan? Ito ang sinasabi ko, never na magiging perfect ang isang buong araw laging magsspoil ng moment.

Bwisit na puso ito, ngayon ka pa inatake.

Pero ok na din pala, nalaman ko naman na may concern siya sakin. Hihi! #LandiPaRinEh

At dahil din dun nalaman ko din ang hinding hindi ko na mafigure out na feeling kanina ay KILIG LANG PALA.

Ano ba yan, Issa!? Boblaks mo naman.

May mga tanong tayo na hindi na natin nalalaman ang sagot ...

... hindi ko na inintindi ang tanong na matagal na nasa isipan ko ...

... sinabi ko pa sa sarili na malalaman ko din ito balang araw ...

... parang ang bilis naman ng balang araw ...

... nang dahil sa 'spin the bottle' nalaman ko na ang sagot ...

... na muntik na siyang mahulog sakin.

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon