Muntik Na!? (Part 1)

64 3 2
                                    

Paano kung ang love story na pinapangarap mo lang ay....

... MUNTIKAN nang mangyari.

---------

"Ne! Ne! Gising na!"

"Hmmm.." ano ba yan? Ang ingay ingay naman inaantok pa ko.

"Gumising ka na. Malalate ka na naman."

"HAAAAA?" Late na ba ko? Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras. "5 pa lang naman eh. Inaantok pa ko." Sabi ko sa sarili ko bago ako humiga ulit.

*gulong sa kanan*

Kainis naman! Ginising pa ba naman ako, hindi na tuloy ako makatulog.

*gulong sa kaliwa*

Bakit ba kasi umaga na naman? Ayaw ko pang bumangon. Nakakatamad kayang pumasok pero kailangan eh. Ano ba yan? #StudentProblems

Bumangon na ko kahit labag sa loob ko, magpapagulong gulong lang  naman ako sa kama eh. Ginawa ko ang morning routines ko. At nagpahatid na ko kay Pa papunta sa school.

It's just a normal morning ...

... I thought it was until afternoon came ...

... and gave me a huge heart attack.

It was our vacant nung nagyaya ang isa sa mga besties ko na maglaro ng spin the bottle.

Syempre game naman ako dun. Trip ko talaga yang truth or dare pero ayaw kong mataya no. #ParangAbnormal

At first kaming girls lang ang nagtatanungan but then naisapan namin na isali ang boys para mas masaya. Agad naman silang pumayag at sumali samin.

Loud laughters and teases surround our room. We didn't care if someone get mad at us because of our noise or if there's classes in other rooms. Basta we're having fun. #PasawayNaStudents

Buti na lang at naisipan namin itong game na ito dahil sobrang nakakatawang malaman na minsan pala namin naging crush ang isa't isa at may mga lihim kaming kalokohan na ginawa sa isa't isa na ngayon lang nabunyag.

Bago sobrang daming asaran at tawanan dahil sa mga dare na pinapagawa namin at may konting kilig din. Haha!

Sa sobrang saya namin, hindi kami nakaramdam ng gutom kahit nakalimutan naming lahat magbreak. Haha!

Dalawang beses nang tumuro sakin ang dulo ng bote at truth lagi ang pinipili ko.

Mga walang kwenta naman yung tanong nila ...

... kung may gusto pa ba ako sa kanya?

... kung minahal ko ba daw siya?

... syempre HINDI ang sinagot ko, ang dali lang kayang magsinungaling. #ExpertLiar

Alangan namang ipangalandakan kong 'hindi pa ko na kakamove on sa kanya' o 'minahal ko siya, mahal na mahal ko nga siya eh'. Nasa harap ko lang kaya siya. #Awkward

Umikot na naman ang bote.

Sana hindi ako. Sana hindi ako. Sana hindi ako. San-- ako!?

"Issa, ikaw ulit! Bawal na ang truth. 2 truth then 1 dare dapat. So dare. Dare! Dare! Dare!"

"Oo na. Oo na. Dare." Wala naman kasi akong magagawa. Madami sila, isa lang ako. Nasaan na ang hustisya? #Madaya "Oh, ano dali? Dare na? Bilis ang tagal niyo naman." Atat ako masyado no? Pero deep inside ipinagdadasal ko na sana huwag kung anong kakaibang kalokohan na naman ang maisip nila.

"Atat masyado ah. Eto may naisip na ko ..." Tumingin siya nang diretso sa mata ko at ngumiti ng nakakaloko. Anong kalokohan kaya ang naisip nito? "... magtitigan kayo ni **** ng 10 seconds. Dapat hindi niyo iiiwas ang mata niyo within 10 seconds, ok?" Ha!? Anong kabaliwan naman ito?

"Ayaw ko nga. Edi ikaw na lang." Mabilis na pagtanggi ko. Dusme! Hindi nga ako makatingin sa mata niya kahit 1 second lang bago patitigan nila ako sa kanya ng 10 SECONDS. Anong kalokohan na naman nila ito?

Patuloy nila akong kinukulit pero panay tanggi naman ako. Hindi ako ganon kabaliw no, hindi ko kaya yun. O.A. na kung O.A. Eh sa hindi ko kaya eh. Naiilang ako.

Wala din naman silang nagawa dahil parehong ayaw namin, kaya tinigilan na nila kami. "Sige na nga. Babaguhin ko na lang ang dare. Ito sobrang dali lang nito, baka hindi niyo parin magawa. Naku! Malalagot kayo pareho sakin. Shake hands na lang kayo ..." shake hands lang pala eh. Kung ganyan agad ang pinagawa nila edi san tapos na to. "... within 10 seconds. Wala nang tanggihan ok?"  Ano pa nga ba?

Labag sa loob akong nakipag shake hands sa kanya. Pagkadikit na pagkadikit ng palad namin ...

Alam niyo yung feeling na parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan niyo? Gusto mo nang alisin yung kamay mo dahil parang nakakairita yung feeling na yon pero parang ang sarap din hawakan ang kamay niya kaya ayaw mo nang alisin. Nakakalito no? Bago sumasabay pang magwala itong puso ko.

Nakakairita pa yung mga klasmeyt mo na napakabagal magbilang. Kabwisit!

Matapos ng pangsampung bilang nila agad naming inalis ang kamay sa isa't isa. Lumingon ako sa mga kaklase kong babae at binigyan lang nila ako ng mga meaningful na ngiti, sinagot ko naman sila nang problema-niyo-look. Ngumiti lang sila at pinaikot na ulit ang bote.

Tahimik naming inantay ang pagtigil sa pag ikot ng bote. Parang slow mo ang pagtigil nito. Pati narin ang pagtingin namin sa taong tinuro nito. Naiimagine niyo ba?

"**** ikaw na."

"Truth pa ko ha." Sabi niya. Ano ba yan kailangan pagkatapos ko, siya naman.

"Sige. Sige. Ito ang itatanong ko sayo ..." panimula nitong katabi ko. "... nagkaroon ka ba kahit kaonti, kahit sobrang onti lang na feelings kay Issa?" Ano daw? Napatulala at napanganga ako sa tanong niya. May sira na ba ito sa ulo? Gusto kong batukan ang babaeng ito pero ...

... ok na din pala. Nacucurious din ako eh. May naramdaman din kaya siya sakin? Gustong gusto kong malaman yun at ngayon na ang magandang pagkakataong iyon.

Kaya keri na yan. Haha! Bet ko din naman yung tanong eh! Haha!

Ano kaya ang magiging sagot niya?

Kinakabahan ako ng sobra.

"Uhmm.. Si Issa ..."

-----------

Hi Readers! Pabitin lang. Itong pangyayaring ito ay nung mga panahong hindi pa ko nakakamoved on sa kanya at hindi ko pa naisusulat ang 'This Time I Mean It'

Hope you'll enjoy reading this. Vote and Comments. Thanks!

- Ate Issa

#ConnectToPagIbig

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon