Step How To Move On:
STEP #8
"Feel It"
After break up, hindi natin namamalayan na dumadaan tayo sa mga hindi kapansin pansing stages. Ito ang 'DABDA' stages:
Denial-- just like when we fall in love kapag nagmomove on ka dumadaan tayo sa tinatawag na in denial stage, kung saan hangga't maitatangi mo at hangga't matatago mo, gagawan mo ng paraan. Magiging in denial kayo sa break up na nangyari sa inyo. Sasabihin niyo na baka nagbibiro lang o kaya panaginip lang ang lahat ng ito. Parang baliw no?
Anger-- ito yung tipong bitter ka na. Huwag kayo, madami ngayon niyan. Kahit hindi naman dumaan sa break up o heart break ay bitter. Wala eh. Nakikiuso. Magagalit ka sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa kanya at sa nakaraan niyo.
Bargaining-- Dito naman madaming siguro at dapat kang iniisip na naging dahilan sa pagbebreak niyo. Ang mga pagkukulang mo at kasalanan mo na minsan kahit wala, eh sinisisi parin ang sarili. Nag iisip ka ng paraan para magkabalikan kayo. Dito ka lalong magiging feeling lonely.
Depression-- Walang kain. Walang tulog. Isama pa ang Walang ligo. Tsk! Ano kayo? Namamanata? Aba'y matindi talaga. Sige, i push mo 'yan, ikakaunlad mo eh. Malulungkot na paminsan minsan ay may iyak pa kapag naiisip mo na break na kayo at wala na siya sa buhay mo.
Acceptance-- And lastly, eventually after many heartaches and drama moments, you will accept the truth... because acceptance will set you free. Oh! Walang aangal.
Kapag nadaanan mo na ang mga stages na ito at natapos siguro kahit papano ay unti unti ka ng nakakamove on.
BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Kısa Hikaye"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!