Step #4

21 2 0
                                    

Steps How to Move On:

STEP #4

"Think Positive"

Para sa mga GBU (Galing sa Break Up) ...

Pagbinabalikan niyo ang nakaraan habang kasama niyo pa siya madalas iniisip niyo na nasayang lang ang oras niyo. Na sa mga oras na ginugol niyo sa partner niyo at para sa relationship ay parang walang kwenta. Sa lahat ng nangyari sa mga panahon na iyon ay para lang sa wala.

Diba ang sakit isipin?

Masakit isipin na ang mga konklusyon na nasa utak niyo ay may posibilidad na totoo.

Kung siya ang nakipag break, iisipin mo na parang isang project na pinagsikapan mong matapos pero sa huli itatapon niya lang sa basurahan ng isang iglap. Ang sakit nun!

Pero kapag ikaw naman ang nakipag break parang ang sakit ding isipin na nasaktan mo siya ng sobra sobra. Well, nagawa mo na. May gagawa pa ba ko.

Para sa SPBH (Single Pero Broken Hearted) ...

Ateng naging ganyan din ako di ka nag iisa!

Naalala ko pa pagnagrereminisce ako ng aking mga chansing at pacute moment kay crush, uber drama ako dahil nasayang lang lahat.

Pero dahil single simula pa lang hanggang ngayon, sige ienjoy mo na lang. Kung choosy siya, edi wag. Arte niya ha!

Tandaan magsisi siya dahil hindi ka niya pinansin at ang damdamin mo. (Wawa naman, di man lang pinansin. Haha!)

Para sa Pareho ...

Well, may mga times talaga na hindi mo maiiwasan na mamiss ang mga bagay na katulad niyan. Ang mga pinasamahan niyo. Ang mga problemang renisulba ninyo. Ang mga sayang pinagsaluhan ninyo. PERO kung gusto mo nang magmove on, kalimutan mo iyan lahat at iwasang mamiss sa pamamagitan ng isipin mo ang mga magagandang nangyayari sayo ngayon.

Sa ngayon, sa tingin mo mas naging malapit ka sa mga kaibigan mo o sa pamilya mo. O mas madami kang nakilalang taong nagpapagaan at nagpapasaya sayo ngayon.

Baka naman, mas naayos mo ang career mo ngayon. Mas naging maganda ang mga nangyayari sa buhay mo. Natutupad lahat ng mga bagay na pinangarap mo.

Kapag lagi kang 'think positive', siguradong lahat ng bagay ay magiging ayos pati ang pagmomove on mo. Mas mapapadali ang pagkalimot mo sa kanya. Mas mapapabilis ang pagiging masaya mo ulit.

Lagi ko tong iniisip, na ang lahat ng bagay na sa atin ay nangyayari masama man o maganda noon, ay ang mga bagay na sumusubok sa pagkatao natin na nagiging dahilan upang mas magiging matatag tayong tao ngayon.

Problems are inevitable. You just have to get through every pain and everything will be on place.

Just be HAPPY and PROUD!!!

------------

Sorrrrrrrryyyyy! Ngayon lang po ako nakapag update. Sobrang busy lang po talaga. Pero ngayong bakasyon na (Yehey! Sa wakas! Wooooh!), mas mapapadalas ang pag uupdate ko at mas mapapabilis ang pag momove on niyo. Haha! Thanks sa pag understand! Thankies din sa pagbabasa! Love you talaga.

- Issa

#ConnectToPagIbig

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon