Step #2

43 2 1
                                    

Steps How To Move On:

STEP #2

"Regrets No More"

Regrets ...

Ayan madaming ganyan ang mga taong nagmomove on ...

... mga taong naiwan at ...

... mga taong nang iiwan.

Para sa mga GBU (Galing sa Break Up) ...

Kapag kagagaling niyo lang sa break up at natapos na ang pinapangarap niyong love story, hindi maiiwasan na mag isip tayo ng mag isip.

Yung tipong magkukulong kayo sa kwarto dadapa sa malambot niyong kama at iiyak ng iiyak hanggang lumuwa ang mata.

"Bakit niya ko hiniwalayan?"

"Ano ang ginawa kong mali?"

"Saan ba ko nagkamali?"

"Ginawa ko naman ang lahat, bakit niya parin ako iniwan?"

Sinasabay niyo pa ang mga madramang tanong na yan, na parang nasa isang soap opera kayo. Kung maka- bakit? Ano? Saan? Kailan? Paano? At kung ano pa kayo eh mas matindi pa sa artista. Ateng tama na hindi mo ikasisikat yan. Bago minsan dinuduktungan mo pa ng ...

"Dapat talaga lagi na lang akong tumatambay sa library para makapasa naman ako, matalino ba naman ang type niya."

... madalas ng ...

"Dapat sinunod ko na ang bestfriend ko at nagpamake over na ko."

... at sa mga lalaki ng ...

"Dapat talaga nagpatuli na ko kay Mang Jun noong pa, edi sana hindi ako inawan ng girlfriend ko nung nalaman niya. Yung sabukot kasing yun ang ingay."

Tigil tigilan niyo nga ang mga kadramahang yan. Napaghahalataan kayo eh.

Ok lang naman yan. Dahil nairerelease niyo lahat ng sakit ng nararamdaman niyo pero tigilan niyo na ang sisihin ang sarili niyo at ang mga ginawa niyo.

Minsan din naman akong naging ganyan. Madalas pa nga eh. Pero dahil binabasa niyo na ito, yang mga kadramahan niyo sa buhay ay isang N-O as in NO. HINDI!

Tayong- i mean kayong mga nagmomove on ay dapat ng irelease lahat ng mga regrets sa inyong pagkatao after your break up. Tandaan mo na ginawa mo ang best of your efforts when you are committed to your love, not because you need to but because you want to.

Matagal man o mabilis lang ang tinagal ng relasyon, alam mo naman sa sarili mo na binigay mo ang lahat at minahal mo nang buong buo ang partner mo, kaya nothing to worry on what you've done wrong or what you didn't do for him/her.

Minsan humahanap kayo ng mga sagot kung bakit ... kung bakit niya ikaw hiniwalayan? Takte kase yang mga bf/gf niyo, hihiwalayan na lang kayo iiwanan pa kayo ng palaisipan.

Well! Kahit na nacucurious ka talaga kung ano ang dahilan, still be  patient. Dadating din ang panahon na malalaman mo ang sagot, in the right time.

Siguro lang this is not the right time para malaman mo, dahil baka lalo kang masaktan. Mas maganda namang isipin na kapag dumating na ang panahon na malaman mo ang kasagutan dito, wala ng epekto sa iyo at mapapangiti ka na lang dito.

Para naman sa mga SPBH (Single Pero Broken Hearted) ...

Tigil tigilan mo na nga yang kaartehan mo. Mas matindi ka pang magdrama sa tunay na broken hearted from break up.

Hey, cheer up! Wipe your tears! Smile! And Wake Up!

Nakakapanget lang yang pagkulong at pag iyak mo dyan sa loob ng kwarto.

Nakakapayat lang yang di mo pagkain, as if naman nagdadiet ka.

Madami pang iba dyan.

Hep! Hep! Hep! Huwag na huwag mong sasabihin sakin na "madami ngang iba pero iba siya" ...

Ano siya!? Alien!? Abnormal ka ba!? Aba kung abnormal ka, sige ituloy mo lang yan, pasasa ka.

... o "marami ngang iba dyan pero hindi naman sila ang nagpatibok nitong puso. Siya ang mahal ko."

Ateng ... Koyang ... tama na po ang pagkain ng mais ang CORNY niyo na po masyado.

Sa ngayon siya ang nagpapatibok niyang puso mo at siya pa ang mahal mo pero malay mo bukas o... mamaya, makakita kayo ng gwapo o maganda o type niyo tumibok na puso niyo sa kaniya at balang araw siya ang mahal mo. Tandaan mo tiwala lang kay destiny, may tao ding nakalaan sa iyo.

Para sa PAREHO ...

At kapag dumadating ang oras na mapapatulala ka at biglang maaalala mo siya ...

... ang saya

... ang sakit.

Try to pull yourself out of the moment and focus sa mas kapaki pakinabanang na bagay. And maybe you can ask help to your friends who are always there for you

Gamitin mo ang mga nangyari sayo ngayon bilang lesson na madadala mo in your coming future relationships.

I wanna share something maybe helpful to you ...

Sabihin mo lahat ng hinanakit mo sa mga kaibigan or someone who would listen to you but only a little time.

This will help to express what you really feel towards what happening.

But ... but don't allow this to bring you again to a drama scene.

I'm Totally And Absolutely Moved On!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon