Steps How to Move On:
STEP #3
"Self Forgiveness"
Para sa mga GBU (Galing sa Break Up) ...
"Ako ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay."
Minsan (lagi pala) yan ang mga lines mo kapag nagsesenti ka.
Ikaw talaga ang may kasalanan? Eh hindi mo nga alam kung bakit kayo nagkahiwalay. #DramaOverload ka lang.
Dun naman sa mga GUILTY, aba'y sige ito blade, LASLAS na. Kayo naman pala talaga ang may kasalanan eh, kaya ok lang na sisihin niyo ang sarili niyo. Di, joke lang!
"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ako ang may kasalanan kaya nangyayari ang lahat ng ito."
Iniisip mo minsan na may ginawa kang napakalaking kasalanan na naging dahilan upang mawala siya sa piling mo.
Yung tipong iniisip mo na nasa gipit kang sitwasyon at ang tanging kailangan mo ay gumawa ng malaking desisyon na pwedeng magpabago sa mangyayari sa hinaharap.
At ang pinili mo ay ang akala mong tama at makakapagpasaya sa inyong dalawa pero habang tumatagal nararamdaman mo at naiisip mo na ang desisyon na iyon ay hindi pala nararapat dahil nahirapan lang siya at lalong lalong nahihirapan ka lang din. Oh, gets niyo ba? Kung hindi, edi hindi. Magagawa ko.
Dun sa mga biktima ng kanilang patuloy na katangahan, aba'y iuntog niyo din ang ulo sa pader para magising sa katotohanan. Ateng ... Koyang ... aba'y kayo ang biktima dito. Kayo ang sinaktan, kaya huwag kayong mag emote dyan na parang kayo ang may kasalanan. Gising gising din sa katotohanan pag may time.
Pero kung sa tingin niyo may kasalanan ka din, edi magsorry ka. Huwag mong sayangin ang oras mong sisihin ang sarili mo.
Ang dami daming pwedeng ibang gawin diyan na iba.
At dun naman sa TALAGAng may kasalanan. Huwag kayong assuming na kayo ang biktima dito. Pagsusuntukin ko kayo eh. Tignan niyo lang.
Kung alam niyo naman na may kasalanan kayo, magsorry. Pagsisihan kung ang ginawa niyo. At tigil tigilan niyo na din na sisihin ng sisihin ang sarili ninyo pero hindi naman kayo gumagawa ng move para patawarin ng taong ginawan niyo ng kasalanan.
Pero yung mga MAKAKAPAL ANG MUKHA na acting innocent, mamatay din kayo (sorry! Bad ko naman. Eto na lang ...). Kakarmahin din kayo. Kabwisit!
Para naman sa mga SPBH (Single Pero Broken Hearted) ...
Ehem! Para naman sating makaemote eh WAGAS pero simulat sapol naman ay SINGLE PA RIN. Haaay! KARAPAT DAPAT lang na SISIHIN niyo ang SARILI ninyo.
Joke lang!
Kayo naman ang may kasalanan talaga eh, kung linigawan niyo o nagparamdaman man lang kayo edi sana kahit konti may improvement. Edi sana hindi ka nagdadrama dyan at sinisisi ang sarili mo.
Pero pag epic parin. Yung tipong ginawa mo na ang lahat magkaroon lang ng improvement sa status niyong dalawa pero hangga't ngayon SINGLE KA PA RIN. Sorry ka na lang. Hindi talaga kayo pwede sa isa't isa.
At kung may nagbago man eh, INIIWASAN ka na niya o ... nalaman mong na-FRIENDZONE ka lang. Huhu! Pakamatay na oh.
Saklap ng buhay no, pero ganyan talaga kaya tigilan mo na yang sisihin ang sarili dahil wala yang magagawa matino. Ok?
Para sa Pareho ...
Isa lang ang masasabi ko dyan, huwag niyong sisihin ang sarili ninyo sa mga nangyari. Huwag na kayong magdrama dyan na akala mo wala nang bukas. Excuse me, tao ka din po kayo. Nagkakamali. Nakakasakit. Nasasaktan. Kaya huwag niyo masyadong sisihin ang sarili niyo dahil lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may purpose and the only thing we need to do is get through pain and learn a lesson from it, which you may use in future.
At lagi mong isipin kung gusto mong mainlove ulit at magkalovelife, dapat keep in mind na sa pag ibig uso ang 'give and take', kaya tandaan huwag martyr at give lang ng give (mahirap pag walang natirang pagmamahal sa sarili dahil binigay mo na lahat sa kanya) at huwag din abusado na take naman ng take (selfish mo teh? Kuya?).
And also, bago ka magmahal ng iba try mo munang mahalin ang sarili mo. And start it by forgiving yourself in no matter what you did.
BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Short Story"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!