Steps How to Move On:
STEP #7
"Leave It All Behind"
Para sa Pareho ...
Isa sa pinakamaganda na meron ka sa buhay habang nabubuhay ka pa-- pag asa. Pagmeron ka nito lahat ng nasa paligid mo magiging positibo at lahat ng problema malulusutan mo. Sana lahat ng magkaroon ng pag asa-- pero huwag lang sa mga taong broken hearted. Bakit? Sa kadahilanan na kapag putuloy na umaasa ang isang broken hearted ang nasa isip lang niya ay ang may pag asa pang silang magkabalikan ng ex niya. Hope can be a terrible thing if it keeps you stuck in the past.
Hindi naman kasi madaling tapusin na ang lahat sa pagitan ninyo ng ex mo, lalo na ang kalimutan. Pero iwasan mong umasa pa sa panibagong simula sa pagitan niyong dalawa.
Makatutulong na imbis umasa at gustuhin mo ang isang taong bumalik sa piling mo, piliin mong ibalik na lang ang pagmamahal at pagiging masaya sa sistema mo.
Naging past siya sa isang magandang dahilan, ang makatagpo ka ng mas higit na mamahalin mo at mamahalin ka.
Huwag kang masyadong mag alala at malungkot dahil hindi ka tatandang mag isa. May taong darating upang kilalanin ka at hindi na umalis pa sa piling mo.
Kaya dapat mo nang i let go lahat ng sakit at paghihirap sa past parang may magawa ka ngayong present na magpeprepare sayo sa future.
BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Conto"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!