Chapter Thirty

70 5 0
                                    

Chapter Thirty

               Irish is still looking at her while she's preparing food for Isiah. As usual Isiah's breakfast starts with fruits. Kaya naman she sliced the banana's into bite sizes as she always do. Habang si Mia naman ay nagluluto ng makakain nila. 

"Kumain ka na Irish?" she asked. Tinignan lang siya ni Irish at nabaling ulit ang paningin sa anak na nasa high chair nito. 

"Why didn't I noticed you at Vaughn's wedding?" nakangiting tanong ni Irish sa anak at pinisil nito ang pisnge ng anak. 

Inabotan naman niya ng tubig ang anak. She was about to help him ng kunin ni Irish sa kanya. 

"Let me do it," ani pa niya kaya naman pinabayaan ni Atasya na ito ang mag-subo kay Isiah. 

Bigla namang bumukas ang pintuan sa kwarto ni Yannie at lumabas ang bagong gising pa na Yannie. Magulo ang buhok at hihikab hikab pa ito. 

"Nakaluto ka na ng breakfast Atasya?" hikab na wika ni Yannie "Nga pala Tiffany called last night. Di na kita ginising kasi natutulog kayo ni Isiah but ang sabi niya ay babalik na raw siya ngayong gabi." at lumingon ito sa kanya. 

"May pagkain na tayo Yannie," mahina niyang wika. 

Nanlalaking mata naman niyang tinuro ang kapatid na sinusubuan ng prutas si Isiah. 

"Am I still dreaming?" wala sa sariling tanong niya. 

Nakita ni Atasya na sinamaan ng tingin ni Irish ang kapatid. Silang dalawa talaga. Suminghap naman si Yannie at mabilis na hinawakan ang mukha ni Irish. 

"Paano ka napunta rito? You were supposed to be in Uzbekistan for a medical mission right?!" hindi makapaniwalang wika ni Yannie. 

Inalis naman ni Irish ang pagkakahawak sa kanya ni Yannie. 

"So you also know, pero hindi mo sinabi sa akin," malamig niyang wika. "And don't touch me i'm still feeding my son." 

Hinila naman ni Yannie si Atasya at nagbulungan sila. 

"Bakit siya andito? Sinabi mo ba sa kanya?" umiling naman si Atasya

"No, of course hindi ko sinabi sa kanya. Nabigla na nga lang ako pag-uwi ko andito na siya," sabi ni Atasya. 

"Bakit siya andito?" hindi makapaniwalang wika ni Yannie. 

Napapikit naman ng mga mata niya si Atasya at umiling. 

"I don't know, okay?"

"Hindi ba kayo kakain?" malamig na tanong ni Irish sa kanila. 

Naging attentive naman silang dalawa at naupo sa mga upuan nila. Kumain sila ng breakfast nila. Sumalin naman si Yannie ng gatas para sa kanilang dalawa ni Atasya. 

Silang dalawa ay tinitignan si Irish na sinusubuan ang anak. Parang tuwang-tuwa siya sa ginawa niya. 

"What is his name?" nabulunan naman si Yannie dahil sa biglaang tanong ni Irish kay Atasya. Kaya naman hinimas ni Atasya ang likuran ng kaibigan. 

"It's Isiah Kane Alcazar," mahina niyang wika.

"How old is he and when is his birthday? What is his favorite food? What does he usually do?" sunod-sunod na tanong ni Irish. 

Napaubo naman si Yannie kaya sinamaan siya ng tingin ng kapatid at napanguso ito. 

"Ah his 2 years old, he was born in Ireland on December 30 and he likes fruits. Usually he just plays and watching TV." mahabang wika niya. 

Touch of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon