CHAPTER ONE

293 14 9
                                    

“Uy, Cy! Andyan na ang mga bangka! ” sigaw ni Aleng Cory habang bitbit ang malaking palanggana. Ang kapit-bahay namin.

Iniwan ko ang ginagawa kong pagtitimpla ng kape para kay Papa at nagmadaling lumabas nang bahay bitbit narin ang palanggana na ginagamit ko sa tuwing umaarkila ng isda sa mga mangingisda.

Bago lamang nag-alas sais subalit kitang-kita na ang buong bilugang hugis ng araw. Kakaakyat lamang nito mula sa pinagtataguan. Ang pahalang na karagatan.

“Kay Cy, Kuya Martin huwag niyong kakalimutan! ” sigaw ni Dante nang makita akong papalapit sa bangka nila.

Marami na ang mga naroroon na katulad ko rin. Lahat kami ay may bangka nang palagiang pinagkukuhanan ng mga ibebentang isda.

“Akin na 'yan, Cy. Mabigat pa naman yan. ”

Ngumiti ako kay Dante pagkalapit niya at pinagmasdan siyang kinukuha sa akin ang dala nang ipinaubaya iyon sa kanya. Napansin na naman iyon ng mga tagarito kaya nagsimula na naman silang tuksuhin si Dante.

Ngumiti si Dante nang nahihiya sa akin. Nahihiya rin akong napangiti na ngayon.

“Pasensya na Cy, ha? ” paumanhin niya.

“Ayos lang, ” sambit ko.

“Sus! Maghihiyaan pa tong dalawa! ” sigaw ni Mang Kanor sa kabilang bangka habang sinasahod ang mga isda.

“Hindi mo pa ba sinasagot iyan, Cy? Matagal na iyang nagpaparamdam ah! ”

Napailing ako sa mga panunukso nila. Panay ang saway ni Dante at nahihiyang napapatingin sa akin. Sanay naman na ako sa panunukso ng mga tagarito kaya hindi na ako naaasiwa.

Kaya lang si Dante, parang hindi masanay-sanay. Pinanood ko na lamang sila na nagsasahod nang isda. Hinintay ko naman ang akin. Napansin kong medyo halos puno ang lalagyanan ko nang makita ko itong nilalapag na sa harap ko pagkatapos.

“Dante, hindi ba unfair iyan sa iba? Parang madami ata ngayon? ” nag-aalala kong tanong.

Hindi naman ata mabuti iyon. Lahat kami dito ay nang-aarkila nang isda. At kapag hindi patas ang pagbibigay sa amin. Tiyak ako naman itong masisira sa kanila.

“Hindi, Cy. Tama iyan. Tungki kaya maraming huli. ”

Tiningnan ko ang palanggana ng iba. Pareho nga lang iyon ng sa akin. Kaya medyo napanatag ako roon.

“Ako na magdadala niyan sa inyo, Cy. Tapusin ko lang 'to. ” ani Dante.

Tumango ako. Ganun kasi ang ginagawa ni Dante. Siya ang nagdadala nang palanggana ko. Hindi ko rin naman kasi iyon mabubuhat. Wala rin namang ibang bubuhat.

Si Papa lang naman ang lalaki sa amin. At mas gugustuhin ko naring si Dante kahit nakakahiya na ang kabutihang pang-aalok niya sa akin ay hindi ko maiwasang tanggapin iyon.

Kapag kasi si Papa ay imbes na ang kita ko sa isda ay magamit namin para ipambili ng bigas ay kinukuha niya iyon sa tuwing siya ang pinapabuhat ko sa isda. Ani niya'y hindi ko iyon maibebenta kong hindi dahil sa ginamit niyang lakas sa pagbubuhat roon.

Kahit malapit lang naman ang bahay namin sa pinag-alsahan niya ay kung umasta iyon ay parang mula pa sa baryo ang pinagbuhatan.

Nang natapos si Dante ay nagpaalam na siya na ihahatid muna ang akin sa amin. Pinanood ko siyang alsahin ang palanggana na halos puno ng isda. Napangiwi ako nang makita ang nahihirapan niyang katawan sa pag-alsa nito.

Inalalayan ko siya.

“Ayos lang ba talaga saiyo? Galing ka pang laot ha! Baka pagod ka! ” pagalit kong sabi sa kanya.

CEASING LUNACY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon