Napapikit ako nang bayolente niya akong isinandal sa isang pintuan. Halos mapapikit pa ako dahil sa lakas nang pagkakatulak niya sa akin roon.
Takot ang naghari sa akin habang tinatanaw ang nagiigting niyang panga. Nakikita ko ang galit sa kanya sa paraan ng matalim niyang mga mata.
Hindi ko alam kung ito ba ang nararapat sa akin. Pero hindi ko nanaising piliing tahakin ang ganitong daan kung hindi pa man natatapos ang isang araw ay ganito na ang sumalubong sa akin.
Ngayon ko lang mas natantong kailanman hindi magiging mabuti ang makitungo sa mga mayayaman ang isang hamak na mahirap. Kahit sabihing sila pa ang kusang lumapit sa iyo. Siguro kailanman hindi papanig ang mundo para sa magandang kapalaran na tinatamasa ng mga mahihirap na katulad ko.
"Playing hard to get, huh? "
Nanuyo ang lalamunan ko. Nararamdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng mata ko sa gilid nito. Muling pumasok sa isip ko kung bakit nga ako narito. Para kay Celene? Kay Papa? Kay Mama?
Palihim akong ngumiti na bahid ng puro pait sa buhay.
"I tell you. You should be thankful because I'm giving you the favor right now. Our family wants you to get pregnant just because of these fucking beliefs our race has. Don't worry, ibibigay ko parin ang pera at karangyaan sa pamilya mo pagkatapos. " bakas ang insulto noong sinabi niya.
Napasinghap ako. Lihim akong napapuyos sa galit nang dahil sa narinig sa sinabi niya.
"Nandito ako para umayaw sa paniniwala niyo. " matapang kong sinabi kahit hindi ko alam kung saan ka nakuha ang lakas ng loob noong binanggit ko ito.
Pero imbes na matuwa siya ay nahimigan ko ang hindi makapaniwalang halakhak mula sa kanya. Napasinghap ako at namilog ang mga mata. Nakita ko siyang ngumisi na parang nangungutya.
"Seriously? Who're you to kid with? You cannot get out of this mansion now the first time you step your feet on it! "
I gasped once again. Halos mataranta ako sa narinig. Anong... Anong hindi na makakalabas? Bago pa man ako makapagreact ay may isang katulong akong namataan na kabadong lumalapit. Nilingon ko ito at naramdamang tumingin rin si Zedd dito.
Agad kong napansin ang susi sa mga kamay nito. Napansin ko rin ang nanginginig nitong mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa chain ng susi.
"S-Sir... Pinapatawag po k-kayo ni Madame sa b-baba. "
Naramdaman ko agad ang pag-atras at pagtalikod ni Zedd para tugunan ang sinabi ng katulong. Huminga ako nang malalim noong naramdaman ko ang pagluwag ng kung ano sa aking dibdib nang makitang nakaalis na ito.
"M-Miss... Ayos lang po ba kayo? "
Ginawaran ko siya ng ngiti at tumango. Nagsimula akong maglakad at naramdaman ko agad ang pagsunod niya sa akin.
"Masanay na po kayo sa kanya, Miss. Hindi niya po kasi talaga gusto ang paniniwala ng pamilya niya. "
Napatingin ako sa kanya. Magkasing-tangkad lang kami at siguro magkasing-edad lang din. Ngumiti ako.
"Ako pala si Cylene. " pakilala ko.
"Ako po si Darla, Miss. " tumango ako.
"Nandito ako para umayaw. " diretso kong sinabi sa kanya.Nakita ko siyang napahinto nang saglit dahil sa gulat. Parang katulad ni Zedd ay hindi rin ito makapaniwala na ayaw ko sa paniniwala ng pamilyang Del San.
"Sino pong hindi aayaw? Halos lahat po ng mga kababaihan gustong pagpalain katulad mo. Ang swerte mo nga po at sa tagal ng panahon na hinahanap nila ang tutugma ay ikaw ang maswerteng ipinagpala. "
BINABASA MO ANG
CEASING LUNACY
RomantikAvi Cylene Nagdaro ay laki sa hirap. High School lamang ang natapos at ang tanging nagsisikap upang matulungan na mairaos ang Mama niyang sugarol at ang Papa niyang lasinggero. Ang ginagawa niya ay pagtitinda nang isda sa mga bahay-bahay kasama ang...