CHAPTER FOUR

116 8 4
                                    

“Ate, hindi ka pupunta? ”

Narinig kong tanong ni Celene nang makaalis na si Manong Natoy. Bumalik ako sa loob. Nakita kong tulog na naman si Papa, pagod siguro sa kakangawa kanina. Humugot ako nang malalim na hininga. Wala man lang ba siyang natutunan sa ilang araw na hindi umuwi si Mama?

Tiningnan ko si Celene na nakahiga sa kawayang upuan namin sa tabi ng pintuan.

“Hindi na siguro, Cel. ”

“Sayang naman Ate... May goods daw. Ayos na naman ako e. Sige na, Ate! ” pangungumbinsi niya.

Tinitigan ko siya. I sighed. Wala namang mawawala. Wala naman rin akong ibang ginagawa kaya...Tumango ako at nakita kong umaliwalas ang mukha ni Celene.

“And kayang mga goods iyon, Ate? ” tanong niya sa akin habang ang mga mata ay nasa bubong namin. Iniisip na marahil ang goods na sinasabi ni Manong Natoy.

Hindi na ako nagbihis at pinasadahan lamang ang suot kong puting tee shirt at hanggang tuhod na kulay maroon na palda. Hinabilinan ko si Celene na inumin ang gamot at tingnan narin si Papa bago umalis ng bahay.

Nakita ko ang iilang ngiti-ngiti habang bitbit ang maliit na karton. Ang iba sa mga kababaihan ay nag-uusap tungkol siguro sa panghihinayang na hindi man lang sila naitugma sa anak ng mga Del San.

Namataan nila ako. Nginitian nila ako kaya ganun din ang ginawa ko.

“Nagbati na ba ang Mama at Papa mo, Cy? ” tanong sa akin ni Mathea, kaklase ko noong high school.

“Hindi pa nga. ”

Tumango siya sa sagot ko at nagpaalam na mauuna na siya sa pag-uwi pagkatapos nang maiksing interaksyon. Nang nasa Barangay Hall na ako ay pinagmasdan ko ang mga nakahilerang upuan roon. Iilan na lamang ang kababaihan kaya bakante ang iilang upuan.

Namataan ako ni Manong Natoy. Tinawag niya ako at nilahad ang upuan na nasa tapat ng pintuan.

Nakita ko ang kumpulan nang mga tao sa may bildong bintana. Pinapanood marahil ang nangyayari sa loob. Nagkakagulo sila minsan sa tuwing may susunod na siguro sa natapos basahan. May lumalabas kasi na mga kaedaran ko sa may pintuan sa tuwing nag-iingay na sila.

“Mabuti naman at pumunta ka. Saying rin ang matatanggap mo pagkatapos. ” aniya.

“Kaya nga po. Wala namang mawawala kapag sinubukan. Saka excited rin kasi si Celene kung ano ang laman ng ipamimigay. ”

Humalakhak ito. Nakita ko kung paano kumulubot ang balat sa mukha nito.

“Diyan ka na lang muna, Cy. Tawagin na lang kita kapag may bakante na sa loob. ”

Tumango ako at tuwid na naupo sa upuang inilahad niya. Nagpaalam siya sa akin na papasok na siya sa loob. Tumango ako at nagpasalamat.

“Cy! ”

Ilang minuto mula sa pagkakaupo ay tinawag ako nang isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ang nag-aalalang si Dante. Tumabi siya sa akin.

“Sinabihan ako ni Celene. Pumunta na lang ako. Gusto ko rin kasing malaman kung ano ang... resulta. At para narin.. tulungan ka. ” nahihirapan niyang paliwanag sa akin.

Ngumiti ako. Nahihiya siyang napapatingin sa akin dahil siguro sa nasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang ikinakahiya niya sa sinabi. Wala namang malisya iyon sa akin. Pero siguro... Ganun kapag... May gusto ka sa isang tao.

Napalunok ako sa naisip. Parang ang hirap para sa akin na isiping may gusto nga siya sa akin. At ngayong parang tinatanggap ko sa sarili ang pagkagusto niya sa akin ay napag-alaman kong medyo weird.

CEASING LUNACY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon