CHAPTER NINE

135 5 5
                                    

"We'll be out for a month or so, iha. I hope you get along with my son especially now that you two are married! I'll ask for any updates. I'll let Darla be your attendant. " si Madame pagkatapos nang salu-salo.

"You will have your regular check-ups, kaya huwag ka sanang mabigla o what. If you have anything you need you can tell Zedd, okay? " aniya.

Dahan-dahan akong napatango. Hindi sigurado kung gagawin nga ang huling sinabi nito.

"It's just not a good timing for us. We were about to flight abroad but then we got news from them that they found you! Kaya madalian na rin ang lahat. We were supposed to get ready before they found you but my son asked us not to. " pagbabahagi niya.

Tuliro ko siyang pinagmasdan na nagbuntong-hininga. Marahil ay inaalala nito ang mga nangyari noong kahapon.

"Anyway, we'll be back and I hope it'd be very... soon. Para ako ang makaasikaso ng schedules niyo. "

Iyon ang naging huling pag-uusap namin. Naghahanda na sila noong umalis kami sa mansiyon at inihatid sa bagong bahay. Kasama ko si Darla at ang isa sa driver ng Del San.

"Pagkatapos ko pong ayusin ang mga gamit niyo ni Senyorito, Miss ay aalis po muna ako at bibili lang ng mga kailangan para sa kusina. " paalam ni Darla noong makarating.

Tumango lamang ako bilang tugon. Gusto ko sanang tumulong pero mahigpit akong pinagbawalan ng Ginang. Pinagmasdan ko ang lawak ng garden sa harap at ang layo ng kalsada para makalabas mula sa bahay.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko maiwasang mag-alala habang naiisip kung ano na marahil ang kalagayan nila Celene. Simula noong manirahan ako sa pamilyang Del San ay hindi na ako nakalabas.

"Miss, andito po ang sekretarya ni Senyorito. " si Darla habang busy sa pag-aayos ng mga gamit at maleta na hakot ng driver na dala dito sa bahay.

Inayos ko ang kurtina bago tuluyang lumabas sa kwarto na ibinigay para sa akin. Nakita ko ang sekretarya na nakaupo sa sala na agad tumayo noong makitang palapit na ako sa kinaroroonan niya.

Agad akong yumuko.

"Narito lang po ako para ipaalam ang appointments mo sa o-bgyhnei na pinagkakatiwalaan ng pamilyang Del San. Iyong mga kakailanganin mo para sa pag-aaral ay ako ang mag-aasikaso ayon narin kay Madame. Kung may iba kang kailangan, Miss, tawagan mo lang ako o kaya ay sabihan mo lang ang attendant mo at ako na ang bahala. " aniya.

Tumango ako.

"Ipapadala ko na lang po ang mga gamit na kakailangan mo sa nalalapit na pasukan at may inaayos pa po akong iilang dokumento. Babalik po ako ulit dito sa mga susunod na araw. "

Tumango lamang ako bilang tugon. Nakita ko ang pag-aayos niya nang iilang dala. Akmang aalis na dapat siya subalit agad ko itong pinigilan sa nahihiya.

"Ma walang galang lang po. May balita po ba tungkol sa pamilya ko? "

"Sa ngayon po ay mabuting isipin niyo po muna ang mga gagawin niyo. Pero huwag kang mag-alala, Miss, nasa maayos na kalagayan ang pamilya mo. Kasalukuyan silang pinapatira sa isang maayos na tahanan. Hindi pa nga lang po pinapayagang bisitahin ka or bisitahin sila sa ngayon ayon sa mag-asawang Del San. "

Lihim akong napakagat-labi habang tumatango. Sana ay maayos lang ang kalagayan nila ngayon. Noong huli pa namang pag-uusap ay nasa hindi magandang pagkakaunawaan si Mama at Papa.

"Inaayos ko rin ang para sa pag-aaral ng nakababata mong kapatid. Sa ngayon, huwag po muna kayong lalabas at marahil ay may mga iilang nag-aabang na media ang gustong dumugin ka. "

Lihim akong napabuntong-hininga. Gusto ko nang makita at makausap ang pamilya. Hindi ko maiwasang maging emosyonal habang naiisip kung ano marahil ang nagaganap sa kanila. Sana naman ay ayos lang si Celene.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CEASING LUNACY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon