Pinagmasdan ko ang mahinahong alon sa harap habang nakaupo sa may batuhan. Pinigilan ko ang buhok kong nililipad nang hangin paharap.
Sa hindi kalayuang bato ay nakaupo si Dante. Pinagmamasdan ako.
“Cy... Papakasal ka ba? ”
Tiningnan ko si Dante. Kami lamang dalawa dito. Inaya niya akong maglalad-lakad. At gusto niya rin sanang makusap ako tungkol roon. Bilang respeto sa nararamdaman niya ay pinaunlakan ko siya.
“Gaano mo ako ka-gusto, Dante? ” tanong ko sa kanya.
Nakita ang bahagya niyang pagkagulat. Tumikhim siya. Pinanood ko siyang lumunok nang iling beses at pinagmasdan ang bukol sa kanyang leeg na gumagalaw kasabay nang paglunok niya sa sariling laway.
Tanging ang hampas nang dagat ang nagsisilbi naming musika.
“S-Sobra. ”
I heaved a deep sigh. Tiningnan ang malayong isla na pagmamay-ari ng mga Del San. Tiningnan niya rin iyon.
“Kakayanin mo bang papayag akong maikasal? ”
Napalingon siya sa akin. Batid ko ang sakit ngayon sa kanyang mga mata.
“Kung iyan na lang ang tanging paraan para umayos ang inyong buhay. Kakayanin ko. Cy, kung roon ka rarangya ay kaya kong pigilin ang sarili ko sa pagkakagusto sa iyo. Pero hindi ibig sabihin noon na aalis na ako sa tabi mo. ”
Napatitig ako sa kanya. Namangha ako dahil sa sinabi niya. Akala ko kasi ay iiwas siya o hindi na magpapakita. Karamihan sa mga taong nagkakagusto kapag ganun ang sitwasyon ay lumalayo para hindi masaktan... at para makalimot.
Pero ano ba ang alam ko kung hindi pa naman ako nagkakagusto?
Siguro katulad ni Dante. Magiging ganoon din ako. Kasi halos pareho kami kung mag-isip. At pareho ang prinsipyo na pinaniniwalaan.
Nang maisip nga ang ganoong pangyayari ay bahagya akong nakaramdam ng awa para sa kanya. Bakit hindi ko siya gusto? Bakit kahit nakikita ko ang nararamdaman niya ay hindi ko man lang masuklian ito?
“Sorry, Dante. ” iyon na lamang ang gusto kong sabihin.
Mapait siyang napangiti sa akin.
“Ibig sabihin ba nito, Cy... papayag ka na talaga? ”
Napag-isipan ko na ito. At kahit saang sulok kapag binibigyan ko nang pagkakataong isipin ang kakayahan ng mga Del San ay iyon lamang ang pinakamainam na kasagutan.
Kapag nagpakasal ako... Pwede akong makapag-aral. Si Celene, makakapagtapos at masisiguro ang pagkokolehiyo. Sila Mama at Papa. Iyon ang mga gusto kong mangyari at hilingin sa kanila.
“Wala naman na akong magagawa, 'di ba? Ito na lang ang magagawa ko para sa kasiguraduhan nang kinabukasan namin pareho ni Celene at matulungan sina Mama. ”
Tumango siya.
Nagtagal pa kami roon. Sabay naming pinagmasdan ang ganda ng tanawin. Naririnig ko ang miminsang pagbuntong hininga niya nang malalim habang malungkot niyang pinapaalala sa akin na nariyan lamang siya.
Hindi kalaunan ay umuwi narin kami. Para'y ang puri at inggit ang nahimigan ko sa mga tagaamin na nasasalubong namin ni Dante.
“Cy! Huwag kang kakalimot sa amin, huh? ”
Ginagawaran ko na lamang sila ng ngiti.
“Swerte mo naman, Cy. ”
“Jackpot si Canor sa iyo Cy, ah! ”
BINABASA MO ANG
CEASING LUNACY
RomanceAvi Cylene Nagdaro ay laki sa hirap. High School lamang ang natapos at ang tanging nagsisikap upang matulungan na mairaos ang Mama niyang sugarol at ang Papa niyang lasinggero. Ang ginagawa niya ay pagtitinda nang isda sa mga bahay-bahay kasama ang...