Ngayon na ang araw ng aking kaarawan. Masaya akong nag browse ng newsfeed ko dahil sandamakmak na mga kaibigan at kamag-anak ang bumati sa akin. Nang hindi pa ako makuntento ay binuksan ko pa ang aking messenger at nakita na marami rin doon ang bumati sa akin.
Sa sobrang kasiyahan ay hindi ko na rin napansin ang oras. Bigla na lang may nag doorbell sa labas ng pinto ng bahay ko.
Wala naman akong inaasahang bisita, pero tumayo pa rin ako para buksan ang pinto ko. Pagbukas ko ay wala namang tao, pero maya-maya pa ay nakita ko sa paanan ko ang isang maliit na present box. Kulat itim ito, at kulay itim rin ang ribbon.
"Kanino kaya ito galing? Sigurado ako na kay Mama ito galing, siya lang naman ng mahilig gumawa ng mga pranks sa amin e." sabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ito bago ko isara ang pintuan at muling umupo sa couch.
Nakita ko ang isang maliit na card na may nakasulat na,
"Happy Birthday, Joey. From Mama."
Tingin mo? Ano kaya ang laban ng sinasabing black present box ni Joey?
BINABASA MO ANG
Ang Regalo ni Mama
Misterio / SuspensoPaano kung isang araw makatanggap ka ng isang regalo sa araw ng iyong kaarawan na siyang magiging dahilan para magbago ang takbo ng buhay mo? Makakaya mo bang ipaglaban ang sarili mong buhay? O hahayaan mo na lang mamatay ka sa kanilang kamay?
