Four

67 6 0
                                    

Birthday videos ito nung bata pa ako ah?

Tahimik kong itinuon ang aking atensyon sa panonood. Binabalikan ko rin ang mga alaala ko rito noon. Ang iba natatandaan ko, pero yung iba bakit parang hindi naman pamilyar sa akin?

Napatawa ako ng mapanood ko ang sarili ko na nagsasayaw. Naalala ko tuloy iyon noong tumuntong ako ng apat na taon. Natutunan ko lang ang sayaw na iyon sa kakanood ng tv. Wala rin naman kasing ibang pagkakaabalahan ang isang batang tulad ko noon. Kundi ang maglaro lang sa labas at manood ng mga palabas sa tv namin.

Nakita ko naman si Papa sa gilid na ubod ng lawak ang ngiti na nakatingin sa batang ako sa video. Napangiti rin tuloy ako. Hindi kasi palangiti si Papa, seryoso siyang tao. Siguro dahil na rin sa nasanay na siya sa atmosphere pag nasa trabaho siya. Workaholic kasi siya, kaya ewan ko rin. Sana dalawin naman niya ako dito.

Yung mga tao sa paligid ng video lahat nakangiti at pumalakpak na akala mo ay sumasayaw ako sa beat ng pagpalakpak nila.

Natapos ang Tape #1 kaya sinalpak kong muli sa laptop ko ang kasunod. Hinanap ko sa box ang Tape #2 at hindi naman nagtagal ay nakita ko rin. Sinalpak ko agad ito at pagkatapos ay pinindot ko na ang play button at muling nanood ng tahimik.

Nakita ko naman ang sarili ko ngiting ngiti sa video, nakatayo daw ako sa upuan at kaharap ko ang cake sa lamesa na may nakasulat na Happy Birthday Joey tapos may nakapatong na number 3 na kandila sa ibabaw. Kuha pala ito noong three years old pa lang ako.

Nakita ko rin ang batang Kuya Jake sa video, nakatitig ito sa akin at hindi man lang nakangiti. Pero hindi ko naman iyon pinansin dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa itsura ng paligid.

Inaalala ko pa kasi ang kabuuan nung bahay namin noon. Doon na din kasi kami lumaki ni Kuya, kaya parang nakakamiss rin namang balikan.

Nung hihipan na ng batang Joey ang kandila ay may biglang dumaan naman sa camera. Hindi iyon pamilyar sa aking kabataan. Sino ang matandang lalaking iyon? Napaisip naman ako. Pero di nagtagal ay ipinagpaliban ko na lang muna.

Narinig ko ang boses ni Mama sa likod ng camera. Nahagikgik naman ako dahil mukhang pinapagalitan niya yung dumaan kasi ay hindi nakuhanan ng video iyong pag-ihip ko ng kandila sa ibabaw ng cake.

Natapos din ang Tape #2, kaya pinalitan ko naman ito ulit ng ikatlong tape. Nagtagal pa ako ng ilang oras sa pag-upo at panonood ng mga old videos ko noong bata pa ako. Nagmuni-muni rin ako ng mga bagay na nangyari noon na nakalimutan ko na rin ngayon, pagtawanan ang mga nakakatawang itsura ng mga tao dati, at isipin kung paanong hanggang ngayon ay buhay pa rin ako? Lampahin din kasi ako dati nung bata ako, lagi akong umuuwing pilay at putok ang noo.

Hindi pa natatapos ang video pero naisipan ko naman na i-message si Mama para sana pasalamatan siya sa regalo na pinadala niya sa akin. Ito na kasi ang pinaka magandang regalo na ibinigay niya sa akin at natanggap ko sa buong buhay ko.

Kinuha ko ang ilang video tapes at hinawakan ito, binuksan ko ang camera ng cellphone ko pagkatapos ay nag picture ako ng sarili ko. Sinend ko ito kay Mama.

To Mama:

Thanks for the home videos Mama <3 Best birthday gift ever!

Pagka send ko ay itinuon ko ulit ang paningin ko sa laptop. Natapos na pala ang Tape #23, kaya sinalpak ko na ang huli. Masaya talaga na balikan ang mga nangyari noon dahil halos lahat ay hindi ko na rin matandaan. Kaunti lang din kasi ang litrato ko noong bata pa ako. Ang sabi din ni Mama ay naiwala niya daw ang mga ito noong lumipat kami ng bahay sampung taon na ang nakakalipas at hindi na niya iyon mahanap pa.

Nang i-play ko ang video ay lumabas sa screen ang magalaw na pagyayari sa likod nito. Pasmado pa ata ang may hawak ng cam! Joke, si Papa pala ang may hawak nito. Nakatapat ito sa isang mataas na kulay puting bakod. Makikita sa camera ang isang pamilya na magkakasama. May tatay, may nanay, at mayroong anak. Sa tantiya ko ay isa't kalahating taon na ang edad nito o isang taon lang.

Hindi ko kilala ang kahit na sino sa kanila, pero sa tingin ko ay kapitbahay namin ang mga ito noon sa dati naming tinitirahan. Parati kasi kaming lumilipat ng bahay noong bata pa ako. Marahil ay dahil sa trabaho ng aking mga magulang.

May mga narinig akong bulungan sa likod ng camera ng bigla itong tumapat sa mga damo sa sahig. Inulit-ulit ko ito ng maraming beses pero hindi ko talaga marinig kung ano ang eksaktong sinabi nila dito. Ang malinaw lang sa aking pandinig ay ang mga salitang..

Tara... Alis... Bilis... iyan lamang ang mga salitang malinaw. Tapos biglang umangat muli ang camera. Nakatutok itong muli sa ibabaw ng mataas na kulay puting bakod. Sama-sama ang  mga ito sa harapan ng kanilang bahay at buhat-buhat ng kanyang ina ang bata habang ang ama nito ay may hawak na hose at dinidiligan ang mga tanim nilang bulaklak.

Tapos gumalaw ulit ang camera at tumapat sa mukha ni Mama. Pinapakita rito ang ngiting-ngiti na mukha niya. Nakasuot si Mama ng kulay pulang sombrero, yung parang katulad sa mga magsasaka pero parang pinasosyal lang ito ng kaunti haha. Noong una ko nga itong makita ay hindi ko mapigilan ang hindi matawa.

"Let's do it," sabi ni Mama habang ngiting-ngiti.

Kinilabutan ako ng matindi pagkasabi niya noon. Ang mga salitang ito ay walang meaning kung walang nilalaman. At pwedeng i-point sa kahit na saan. Halimbawa ay, Let's do it. Let's go get ice cream. Alam mo yun? Yun mga inosenteng bagay. Walang kabuluhan diba? Pero sa tono at paraan kung paano niya ito sabihin, at sa ekspresyon ng kanyang mukha; alam ko na agad na mayroong hindi tama.

Di nagtagal, ang magalaw na camera kanina ay mas lalo pang naging magalaw. Makikita sa video na tumatakbo ang may hawak ng camera sa palibot ng bakod at likod-bahay ng naturang pamilya.

Huminto ang cameraman, which is si Papa, sa may tapat ng gate ng mga ito. Itinapat niya ang camera at zinoom sa mukha ng babae. Kita sa mukha nito ang pagkagitla, pagkabigla, at halata ang takot na hinawakan ng mahigpit ang anak at umaatras na pumunta ng front door ng bahay nila.

Tapos bigla namang lumitaw si Mama sa view, at doon ko naman nalaman kung bakit takot na takot ang babae ng makita ang mukha nito sa camera. Kinailangan ko pa ngang ulit-uliting ang parte na ito ng video dahil maski ako ay hindi rin makapaniwala! Hindi ako makapaniwala na si Mama..

Si mama ay may dalang kutsilyo!

Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon