Two

73 5 0
                                    

"Happy birthday, Joey!" bati sakin ni Sky. Ang girlfriend ko na kasalukuyan kong kausap sa Skype.

Simula high school hanggang sa pagtungtong ng college ay kasintahan ko na si Sky. Legal naman kami sa poder ng aking mga magulang ngunit hindi sa mga magulang niya. Kaya hanggang ngayon nga ay nagtatago pa rin kami ng relasyon namin sa kanila. Pero laking gaan naman sa pakiramdam na ok kami sa pamilya ko.

"Thank you, Sky. I really miss you na. I wish we can celebrate together but we can't." simangot kong sabi sa kanya. Pero masaya pa rin ako na tumawag siya ngayon at naalala ang espesyal na araw ko.

"Oo nga e, hayaan mo at tiisin muna natin ito. After this naman pwede naman tayong mag celebrate ulit together. At sana rin maka amin na tayo kila Mommy." sabi ni Sky sa akin. Ramdam ko naman na gusto niya na rin sabihin sa kanila. Sabi niya kasi ay nahihirapan na rin siyang itago sa mga ito.

"Don't worry, ok? Gagawan natin yan ng paraan after lockdown. Promise." pag assure ko sa kanya.

"Thanks, Joey. Oh no, kailangan ko na i-hang up ang call, tinatawag na ako ni Mommy e. I love you! See you soon! Mwah!" halata kay Sky na natataranta na ito.

"Ok. Mag-ingat kayo dyan ha. Love you too!" pahabol kong sagot bago nya i-end ang call.

Kung nagtataka kayo kung bakit wala kaming call sign or endearment, yun ay dahil wala lang. We just want our relationship to be simple. Tsaka siguro, para na rin hindi kami agad agad mahuli sa kanila.

Pagkatapos ng tawagan namin ay tumingin muna ako ng ilang message sa messenger ko.

From Sid:

Happy Birthday Tol! Kala mo ba porket lockdown makakalusot ka na? Gago celebrate tayo pagtapos hahaha!

Napangiti naman ako sa message ng gunggong na ito. Pero pinili ko na rin na wag na lang replyan.

From Jake:

Hi little brother, Happy birthday. I wish I was locked with you so we can celebrate together. But were not. Wish you a happy happy birthday little dude hahaha!

Napangiti ako ng mabasa ko ang message ni Kuya sa akin. Close kami talaga ng sobra. Alam namin ang problema ng isa't-isa. At pag masama ang loob ko siya palagi ang dumadamay sa akin. Nag reply ako agad dito para magpasalamat. Sana talaga andito siya.

To Jake:

Thanks Kuya. Wish you were here. Miss you!

Pagkatapos ko i-type ay sinend ko na agad. Hinihintay ko naman na tumawag sakin sila Mama at Papa. Sana lang ay hindi nila nakalimutan ang araw na ito.

Lumapit sa akin si Matt, tumayo ako sa computer chair at binuhat siya para sana dalahin ulit sa couch. Hindi naman siya pumiglas. Bagkus ay niyakap niya pa ang kamay ko.

Pagkaupo ay inihiga ko siya sa lap ko. Matt is more like a best friend to me. Siya lang ang kayang makapagpagaan ng loob ko dulot ng kahit na ano pang dahilan.

Masarap lang din kasi sa pakiramdam na mayroong sasalubong sa akin kapag ka galing ako sa school at pag-uwi. Totoo na nakakatanggal sila ng pagod at stress.

Tumayo si Matt at humiga sa tabi ko. Ako naman ay nag cellphone na lang ng nag cellphone. Ine-enjoy ko pa kasi ang pagiging one day celebrity ko e. Kahit pa walang handa sa bahay at nag-iisa lang.

Maya-maya, nakarinig ako ng door bell. Nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Tsaka sino naman ang pupunta sa bahay ng ganitong araw. Lockdown ngayon at nagkalat ang mga checkpoint. Kaya sobrang imposible talaga.

Ipinagsawalang bahala ko muna ang unang door bell. Nawala naman ito panandalian pero ilang segundo ay tumunog ito ulit.

"Oo na! Sandale!" sigaw ko. Tumingin lang sa akin si Matt, tumayo na ako para buksan ang pinto at para malaman kung sino ba ang nasa likod nito.

Naisip ko naman bigla na baka si Sid ito. Na baka tinotoo niya nga yung sinabi niya na pupunta siya.

Pagbukas ko ng pinto ay wala namang tao. Lumingon pa ako sa kaliwa at kanan para makita kung may tao ba sa paligid dahil baka may nangti-trip lang.

Ang lakas naman ng trip non kung sino man siya no, walang patawad kahit lockdown? Tsaka paano naman siya nakalusot?

Di kaya may namimigay ng ayuda kanina?

Pero tatalikod na sana ako ng may masipa ako sa ibaba ng paa ko...

Ano 'to?

Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon