Seven

59 5 0
                                    

[FD's Note: Hi guys! Isang maikling note muna bago niyo basahin ang Chapter 7. Uhm.. Gusto ko lang magpasalamat sa aking mga new followers. At i-shout out na rin sila  @ThedzAmador @AdikSayo818 @EmilyRubia @tastetheblood @creepyanieme @Blue_Black_Rose_19 Thanks po sa support! Para sa inyo itong next update ko hihe.]


***********


Tama nga sila. Na kapag nasa bingit ka na ng kamatayan, maiisip mo ang lahat ng mga bagay na parte ng nakaraan mo. Magpa-flash yung mga masasayang pangyayari na nangyari sayo, yung mga taong mahalaga sayo, yung mga maiiwan mo kapag tuluyan ka ng nawala. Tila ba bumagal ang oras habang gumugulong sa kalsada ang kotse, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko para tanggapin ang sintensya sa akin. Dahil alam ko naman na kahit pagbali-baliktarin ang ikot ng mundo ay iisa lang naman ang kahihitnan ng lahat ng ito. At kahit alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na lumisan sa mundo ay ihahanda ko na ang isipan ko kung sakaling mapaaga ang aking pagpanaw.

Pero... hindi naman sa lahat ng pagkakataon ganito, hindi ba? Minsan makakaya mong lagpasan ang isang pagsubok lalo pa at hindi talaga ito para sayo. Minsan ang kailangan mo lang gawin ay lumabas sa isang nasusunog na kotse bitbit ang ilang video tapes at matabang pusa sa magkabilang kamay mo. Iwanan ang masalimuot na nakaraan kasama ng iyong walang malay, at sugatan na katawan ng mamamatay tao mong pekeng ama. At iwaglit sa isipan ang karumal-dumal na pangyayari na maaring maging hudyat ng pagkamatay nito.

Sa sobrang pagkatuliro ay nagkibit-balikat na lamang ako. Ok lang naman ipagpasawalang bahala na lang iyon, hindi ba? Para pa ngang umaayon sa akin ang tadhana. Kaya kung ganoon nga ay sasabay na lang ako sa agos nito.

Hindi ko alam kung gaano na ba kalayo ang natatakbo ko, sumasakit na rin ang ilang galos na nakuha ko mula sa aksidenteng nangyari kanina. Pero hindi ko na rin magawang indahin ang mga ito. Puno ng kalituhan ang aking isipan at habang tumatakbo ay ni-hindi ko na alam kung saan ba ako magtutungo o kung nasaan na nga ba talaga ako. Basta ang nasa isipan ko lang ay makalayo sa nasusunog na kotse. Makalayo sa aking ama. Makalayo sa lahat.

Hindi ko alam kung gaano na ba ako katagal tumatakbo sa gitna ng kakahuyan dahil sa lalim ng aking iniisip. Pero ng bumalik ako sa aking kamalayan ay napagtanto ko na lamang na madilim na ang kabuuan ng paligid at tanaw ko na sa malayo ang lumang dampa. Mistula itong kubo, hindi ito kalakihan, pero sapat na para tuluyan ko ngayong gabi. 

Naghanap ako ng bagay na maaari kong gamitin para mabasag ang bintana nito. At ng makakita ng isang may kahabaan na matabang bakal ay kinuha ko ito upang pag tyagaang hampasin ang salamin. Ilang minuto ay nagtagumpay ako at diniskartehan ang pag-akyat ng bintana. Maingat kong ibinaba si Matt sa sahig at naglibot naman ito sa kabuuan ng dampa habang ako naman ay nakakita ng isang bulok na at lumang couch, ibinagsak ko ang sarili ko rito at tila pagod na pagod na humilata.

~~ Sa classroom may batas, bawal lumabas oh bawal lumabas ~~

Sa lalim ng aking pag-iisip ay nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay parang halos gustong lumabas ng puso ko sa aking dibdib at tila ba ako ay nagkape ng ilang baso sa sobrang nerbyos na naramdaman ko. 

Si "Mama" tumatawag...

Tiningnan ko lamang ang screen ng cellphone ko. May parte sa isipan ko na gusto itong balewalain na lamang at may parte naman sa isipan ko na sinasabing sagutin ito. Na kausapin siya. Dahil alam ko sa sarili ko na kailangan ko siyang harapin kahit na anong mangyari. Wala akong takas. Pinindot ko ang answer button sa screen at tinapat ang aking tenga sa speaker ng cellphone.

"H-hello?" utal ko pang sagot sa kabilang linya. "Anong kailangan mo?"

"Joey!" masiglang sabi ni "Mama" sa kabilang linya. "Napakasaya ko na sinagot mo ang tawag ko. Diyos ko po gi-noo, abot-langit na ang pag-aalala ko dahil ilang beses ko na ring tinatawagan ang Papa mo, halos mag-iisang oras na. Hindi naman siya ganoon. Ano kayang ginagawa niya para hindi sagutin ang tawag ng asawa niya?"

Mabilis akong nag-isip ng sasabihin ko sa kanya. But I ended up telling her the truth. Siguro wala na ngang saysay ang pagsisinungaling sa ganitong sitwasyon lalo pa at hindi ko na alam kung ano pa ang mga maaaring mangyari sa hinaharap.

"Uhm.. P-patay na siya." kinakabahan pa ako. "Y-yeah.. I hope.. uhm.. due to car accident." isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Tanging malalalim na hininga niya lamang ang tangi kong naririnig. Pagkatapos ng ilan pang minuto ay narinig ko ulit ang boses niya. "Ganun naman talaga ang ugali niya, hindi ba?" malamig niyang sabi. "Malamang ay nakatulog nanaman ang matandang iyon habang nagmamaneho. Isa nanaman sa mga walang kabuluhan niyang galaw. Ganyan naman ang ama mo, hindi ba?"

Sa tunog ng kanyang pananalita ay tila nawala na ata siya sa sarili. Ang dating sa akin ng mga sinabi niya ay tila ba nagkikipag tsimisan lamang ito sa kapitbahay. Wala emosyon, kung ikukumpara sa linya ay flat lamang ito, at tila ba walang buhay ang tono ng pagsasalita. At habang nakikinig ako rito ay ngayon ko lang napagtanto kung gaano nga ba kadelikado ang buhay ko sa isang baliw na katulad niya.

"Pagbabayaran mo lahat, hayop ka!" ang tanging naisigaw ko na lamang dala ng takot. Hindi naman talaga ako palamura e. Pero sa pagkakataong ito, para bang gusto ko ng sabihin lahat ng mura na alam ko sa kanya. "Mayroon ako ebidensya!", angil ko pa. "at hindi ka makakatakas sa batas!" 

"Tingnan na lang natin, Joey," kalmado niyang sabi. "Alam mo naman diba? Na kahit anong gawin mo, na kahit saan ka magtago, mahahanap at mahahanap pa rin kita. Kahit saan pa yan. Mama is coming for you."

Natulala ako, kanina pa niya in-end ang call pero nanunuot pa rin sa utak ko ang mga salitang iniwanan niya sa akin. Hindi naman sa paranoid ako, pero mahahanap ba niya ako? Siguro, hindi malabong oo. Hindi naman ako tanga para hindi mapagtanto na malapit lang ako sa pinagbanggaan ng kotse. At hindi rin ako tanga para hindi malaman na ito lamang ang nag-iisang bahay malapit sa nasabing krimen. Tangina, kilala ko si "Mama", hindi siya yung tipong tatanga-tanga para hindi malaman at hindi madiskubre ang mga galaw ko. Isa siyang malaking henyo kaya naman hindi ko rin talaga maiwasan na matakot para sa buhay ko.

Pa-maya-maya pa ay muling kong narinig na nag ring ang cellphone ko. Isang text message galing kay "Mama". Nanginginig-nginig pa ang kamay at mga daliri ko sa pagpindot para basahin ang mensahe. At nang makita ko ito ay para bang bigla na lang akong nanghina, dulot nito ay naibagsak ko rin ang aking cellphone sa sahig ng ma-realized ko ang mga nakalagay sa mensahe niya.

Isa itong imahe. Imahe ng isang babae kasama ng kanyang anak, nakaupo ang mga ito sa couch sa bahay. T-teka? Ibig sabihin ba ay nasa bahay siya? Sa bahay namin sa Cavite?! Minamatyagan ba nila ako? All along?! Fuck! Nangilabot naman ang buo kong pagkatao sa naisip. Matagal kong tinitigan ang litrato, maya-maya pa ay bigla na lang pumasok sa isipan ko ang pangalan ng naturang babae. 

Tangina! Kilala ko ang babaeng ito! Si Maricar, yung kapitbahay namin na crush na crush ko noon pero dahil nagkaanak ay ipinagpaliban ko rin. Sa pagkakaalam ko ay single mom ito sa kasalukuyan. Halos isang taon ko rin siyang minamanmanan noon, pero hindi ko rin malaman kung bakit ba kahit isang beses ay hindi ko naisipan na kumilos para makuha siya. Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako na nagdadalantao na pala siya, at doon rin dumating sa buhay ko si Sky. Maybe Maricar wasn't meant for me. 

Sa baba ng litrato ay wala na atang mas nakakatakot pa kaysa sa caption na nakalagay rito. Tila nanlamig ang buo kong pagkatao at nanghina ang mga tuhod ko.

Sige, iwanan mo ako, Joey. Kayang-kaya kitang palitan kung kailan ko man gustuhin.

Love Mama.



Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon