Three

70 5 0
                                        

Yumuko ako para kunin ang itim na kahon na may itim na ribbon.

Ano 'to regalo? Kung oo, sino naman ang nagdala nito? Tsaka paano? Lockdown nga diba? Kanino naman kaya ito galing?

Pinakatitigan ko ito, at iniisip kung kanino nga ba ito nanggaling. Pero ng bumalik ako sa wisyo ay isinarado ko na lang ang pinto habang bitbit ko ang regalo.

Paano ko ba malalaman kung ganito galing ito? Bakit wala naman atang nakalagay? Sino naman kaya ang magbibigay nito? Ng ganito? Kulay itim pa. Di kaya prank lang to?

Nang makarating ako sa couch ay ibinaba ko muna ang kahon sa gilid ko. Unang pumasok sa isip ko si Sky kaya kinuha ko ang cellphone ko at mula dito ay chinat ko siya. Naisip ko kasi na baka sa kanya ito galing. 

**********

Convo with Sky:

Joey: Thanks sa gift! :)

Sky: Gift?

Joey: Oo, yung black na box? 

Sky: Anong box ba yan? Hindi sakin galing yan.

Joey: Sus, pa-suspense pa e haha.

Sky: Seryoso talaga, diba binati naman na kita kanina? Edi sana binanggit ko diba?

Joey: Uhmm.. Surprise?

Sky: I don't like surprises, remember?

Joey: Oo nga pala. Pero hindi ba talaga sayo galing to?

Sky: Hindi. Baka sa admirer mo. Hmmp.

Joey: Baka meron hahaha! Ikaw lang naman ang nagkamali sakin hahaha!

Sky: Try to ask Sid. Diba siya naman ang mahilig sa pranks na ganyan?

Joey: Ok. Thanks hehe. Sorry napagbintangan kita. Chat ko muna si Sid.

Seen...

Napaisip naman ako. Kung hindi galing kay Sky, baka nga kay Sid ito galing. Isa pa mahilig talaga siyang mang-trip ng mga taong malapit sa kanya. Nung hindi na magreply si Sky ay chinat ko agad si Sid.

**********

Convo with Sid:

Joey: Hoy! Tarantado ka talaga. Kala mo di ko malalaman na galing sayo tong itim na kahon? Kasama nanaman ba to sa mga pranks mo? Demonyo ka talaga hahaha!

Typing..

Sid: Ha? Hakdog!

Joey: Anong hakdog? Ulol ka! Sayo galing to diba?

Sid: Anong regalo pinagsasabi mo dyan?

Joey: Ulol, tanggi mo pa ah! Huli ka na tanga hahaha.

Sid: Di ko maintindihan, tingin nga nyan. Send ka ng picture dali.

Joey: Send pa e nakita mo na to, sayo nga galing to diba? 

Medyo nalito naman ako sa mga reply ni Sid, pero malakas naman ang pakiramdam ko na sa kanya talaga to galing. Siya lang naman kasi ang mahilig magbiro sa barkada. Nakita ko naman na nagta-type siya ulit.

Sid: Tanga di nga ako. Tingin na kase.

Kahit nalilito ay nagsend pa din ako. Kanino ba kasi galing to? Tsaka hindi ko pa din kasi magawang buksan dahil mamaya baka puno pala ng mga insekto ang laman nito. Kailangan mabuko agad kung sino ang nagbigay para mag-failed ang prank hahaha.

Joey: Oh! Tingnan mo!

Sid: Tanga di sakin yan galing! Tingnan mo kaya kung may gift card yan bobo neto

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sid: Tanga di sakin yan galing! Tingnan mo kaya kung may gift card yan bobo neto. Dyan ka na nga mag i-m-ml na ko!

Tapos non nakita ko na offline na siya. Gunggong talaga kahit kailan. Di ko nga din alam kung bakit ko ba siya naging best friend e. Binasa ko ulit ang reply niya tsaka ako napaisip ng matindi. Gift card? Tama!

Inilapag ko ang cellphone ko at kinuha ulit itong regalo. Pinakatitigan ko ito at ng magsawa ay inilibot ko pa ang paningin ko dito. Nahagilap naman ang aking paningin ang isang kulay itim na papel na nakasabit. Ang gift card..

Binuksan ko ito at binasa..

Hi Joey, Happy Birthday!

From: Mama

Ha? Galing pala kay Mama? Napagbintangan ko pa tuloy sila Sky at Sid. Bakit naman kasi kulay itim ang pinaglagyan niya. Pero nakalimutan ko rin ata na di katulad ng ibang nanay ay iba ang mama ko sa kanila. Makulit rin kasi ito parang bata. Para ngang girl na old version ni Sid yun e. Minsan nga naiisip ko na baka kapatid pala namin si Sid hahaha. Pero hindi naman siguro, ang panget non e.

Binuksan ko ang takip ng kahon, pero naghahanda rin dahil baka kung ano ang laman nito. Nang mabuksan ay tinanggal ko pa ang ilang nakapatong na gusot-gusot na papel rito. Nagitla naman ako sa nakita ko, ano ba tong mga to?

Video tapes? Di kaya mga horror to? Gore movies? Yung mga nakakasukang palabas? Naalala ko pa nga yung huling palabas na pinapanood niya sakin noon. Yung nakakadiri na ipinapasok sa pwet yung ulo ng mga tao. Iniisip ko palang nasusuka nanaman ako. Ano nga bang title non? Ah, oo, human centipede ata yun. Ano ba yan. Sana naman hindi katulad ito nung dati. 

Pero kahit na ganoon ay kinuha ko pa rin naman ang laptop ko habang bitbit ang mga ito. Sinalpak ko ang isang tape na may nakalagay na Tape #1, pagkatapos ma-set ay umupo na ako sa couch .

Teka, ano to?

Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon