Pagkatapos kong mabasa ang text galing kay "Mama" ay hindi ko na nakuhang mag-isip pa. Hindi ko rin naman alam kung ano pa ang iisipin ko sa ganitong pagkakataon. Basta ang alam ko lang kailangan ko nang makaalis dito bago pa dumating si "Papa". Nagmamadali kong kinuha ang laptop ko at binuhat si Matt na nag-aantay na rin sa labas ng pintuan.
Mabilis akong tumakbo palabas. Palayo sa aming bahay. Dala ng panic ay hindi ko na rin nagawa pang kontrolin ang malakas kong paghikbi. Wala man lang akong kaide-ideya kung saan ba ako dapat na pumunta o kung ano ba ang gagawin ko. Siguro naisip ko lang na ang pagtakbo ay isa sa pinakamaganda at solid na gawin sa mga ganitong pagkakataon.
Sa kagitnaan ng pagtakbo ay napaisip ako. Bakit nga ba ako tumatakbo? Hindi ba dapat ay ipakita ko ang video na ito sa kung sino? Sa mga pulis? Kay Kuya Jake? Unti-unting bumabagal ang pagtakbo ko habang iniisip ang mga options na naisip ko. Gaano ba ako ka-nakakasiguro na ang lahat ng ito ay hindi isang prank lang? How could it be a prank?
Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip na makakaisip na ang bagay na ito ay nakakatuwa? Buo na ang desisyon sa utak ko. Dahan-dahan kong ibinaba si Matt sa lapag at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nanginginig na nag dial ng 911.
"This is 9-1-1, what's your emergency?" isang babaeng dispatcher ang sumagot sa kabilang linya.
"K-kailangan ko po ng tulong," nauutal ko pang sagot dito. "Ang M-mama ko... ahh... h-hindi talaga siya ang t-totoo kong n-nanay, uhm.. p-pinatay nila ang mga magulang ko n-nung baby pa a-ako at ngayon papunta ang Papa ko na h-hindi ko naman talaga totoong tatay. At ahh.. h-hindi ko alam ang gagawin ko."
"Sir, maari po bang huminahon po kayo. Ano pong lokasyon ninyo?"
"M-Meron din akong mga video tapes!" winagayway ko ang mga tapes na para bang nakikita ito ng kausap ko sa kabilang linya. "At.. at andito ang mga ebidensya.. l-lahat, andito. Uhmm... y-yung nangyaring murder.. si Mama.. lahat!"
Isang mahabang katahimikan ang namutawi sa pagitan namin ng dispatcher, para bang ini-estima pa muna nito kung totoo ba ang mga pinagsasabi ko sa kanya ilang minuto lang ang nakakalipas. Pero siguro nga, sa tono ng aking pananalita, sa utal-utal na pagsasalita ay para lamang akong tanga na nagkukwento sa kabilang linya. Nagmukha lang akong nang ti-trip. Sana nga ay trip na lang ang lahat. Isipin ko man ng ilang ulit at hilingin na sana ay hindi na lang totoo ang mga nangyayari ay hindi ko na kailan pa mababago ang sitwasyon. Marahas na naglalandas ang mga luha sa aking pisngi.
At habang nakatayo ako sa kawalan, umiiyak, at malalim ang iniisip ay may nahagip ako na gumagalaw sa peripheral vision ko. Ilang segundo lang mula ngayon ay nakita ko na ulit ang sarili ko na mabilis na tumatakbo! Dala ang ilan sa mga video tapes na nadala ko sa kanang kamay at bitbit ko naman sa kaliwa si Matt. Habang ang cellphone ko naman ay madiin kong inipit sa pagitan ng aking leeg at tenga para hindi malaglag.
Hinahabol lang naman ako ng kotse ng Papa ko.
"Please! Please! Please! Kung sino man ang nasa kabilang linya, please. Pakibilisan ang pagpunta niyo dito. Andito na siya!" halos magmakaawa na ako sa pagitan ng mga paghikbi.
Nagawa ko namang ilagay ang phone ko sa bulsa kahit pa hawak ko sa magkabila kong kamay ang mga tapes at si Matt. Mabilis ang aking pagtakbo kahit na alam ko na wala naman itong patutunguhan. Labis-labis naman ang kaba at takot na nadarama ko lalo pa at narinig ko na ang tunog ng makina ng kotse ni "Papa".
Dulot ng matinding panic ay tumakbo ako sa ilang mga bahay na nadadaanan ko at malakas kong kinakalabog ang pintuan ng mga ito gamit ang aking siko. Umaasa na sana ay mayroong mabuting loob na lumabas at iligtas ako sa sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon.
Nakita ko na bahagyang bumukas ang kurtina ng bintana mula sa pintuang kasalukuyan kong binabalya. Dalawang pares ng mata ang sumilip mula rito at sa wari ko ay matiim itong nakatingin sa akin pero agad rin naman iyong nawala. Malamang, walang magbubukas ng pintuan para sa isang tulad ko. Isang malaking taong nakasuot ng pambahay na damit, may bitbit na tapes at isang matabang pusa na nag ngangalang Matt. Pero sa isip ko, hinihiling ko na sana, sana tumawag sila ng mga pulis para sa akin.

BINABASA MO ANG
Ang Regalo ni Mama
Mystery / ThrillerPaano kung isang araw makatanggap ka ng isang regalo sa araw ng iyong kaarawan na siyang magiging dahilan para magbago ang takbo ng buhay mo? Makakaya mo bang ipaglaban ang sarili mong buhay? O hahayaan mo na lang mamatay ka sa kanilang kamay?