Five

58 6 0
                                    

May dalang kutsilyo si Mama!

At hindi lang ito basta-bastang kutsilyo! Isa itong malaking butchery knife. 

Lumingon muna siya sa direksyon ng camera at ngimisi ng nakakatakot. Iwinagayway niya ang kutsilyo na para bang naglalaro. Pagkatapos ay humarap ito sa babae at walang anu-ano ay sumugod siya rito. Isang napakalakas na sigaw ang narinig sa video.

Nanunuot din ito sa aking tenga. Halos mahulog pa ako sa kinauupuan ko habang pinapanood ang tila massacre na nangyayari.

Brutal na sinaksak ni Mama ang kaliwang paa ng babae dahilan para agad na mawalan ito ng malay sa kanilang balkonahe. Ang toddler naman ay gumulong paibaba sa mga damo habang histerikal na umiiyak. Ang ama ng bata ay mabilis naging alerto sa nangyayari, kitang-kita sa camera na nanlaki ang mga mata nito ng makita ang nangyari sa asawa. Galit na galit nitong sinugod si Mama, ngunit hindi pa ito nakakalapit ay nasaksak na siya nito sa leeg. Agad bumunghalit ang dugo sa leeg nito at dilat na bumagsak sa sahig.

Ang mga sumunod na minuto ay walang ibang pinakita kundi ang Mama ko na sinasaksak ang dalawa ng paulit-ulit, ang laman ng mga ito ay nagkaluray-luray at ang mga itsura ng mga ito makikitang malayo sa mga itsura nito magmula kanina.

Si Mama na balot ng dugo ang mukha at katawan ay biglang lumingon sa camera, tumatawa ito na parang bruha.

Napansin niya naman ang bata na kanina pa iyak ng iyak sa damuhan. Mabilis niyang nilinis ang kanyang dalang kutsilyo gamit ang loob ng kanyang damit at ipinatong ito sa sahig ng balkonahe.

Marahan niyang binuhat ang bata, hinagkan niya ito ng mahigpit at walang pakialam kahit na mabahiran at makapitan ng dugo ang katawan at mukha ng bata.

"Magmula ngayon, ang pangalan mo na ay Joey," sabi niya, pagkatapos ay hinalikan niya ang bata, o ako sa pisngi, bago ito muling kumaway sa camera.

Dahil sa narinig ko at napanood ay malakas kong isinarado ang aking laptop. Hindi ako tuloy ako mapakali at hindi ko na rin ma-control ang paghinga ko.

Hindi! Hindi ito totoo! Prank lang naman ang mga ito hindi ba?! Prank lang ang lahat ng ito! Isang matinding prank. Uso naman na yun ngayon, diba? Fabricated shit like that, diba? Fake and everything?

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Text galing kay Mama. Binasa ko ito. Tapos binasa ko ulit. At isa pa! Tapos ay kinuha ko na ang laptop ko at atubiling umalis sa lugar na ito.

From Mama:

Wala akong sinend na kahit na anong videos, pero ang Papa mo ay papunta na dyan sa iyo para ayusin ang bagay na iyan.

Stay where you are, Joey. Magiging maayos rin ang lahat. Don't move. We'll be right there.

Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon