Eight

60 5 0
                                        

[FD's Note: Hi, readers. Gusto ko lang magpasalamat sa isa pang new follower ko, shout out po sayo @_idontknowmeanymore_. Salamat po sa pagbabasa. Vote din kayo kung ok lang haha. Para sa inyong 9 na followers ko ang Chapter 8.]


**********


Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. Para bang ang bilis ng takbo ng oras, at nahirapan akong sabayan ito. Nakakabaliw, nakakabahala. Paano ba malulusutan ng isang matinong pag-iisip ang ganitong ka-kumplikadong sitwasyon? Parang kamakailan lamang ay nanonood lang naman ako ng mga home videos na naging murderous slaughter. Ang mga normal, at mapagmahal kong mga magulang ay naging isang mapaglinlang na mga mamatay tao na may malaking sapak sa ulo. Tila ba nabubuwag unti-unti ang pondasyon ng aking pagkatao at naglalaho ang mga may likha nito.

Kung mayroon mang nakakaalam kung paano pa ang makatakas sa ganitong sitwasyon, sana ay matulungan ako. Lalo pang nadaragdagan ang bigat ng aking pakiramdam dahil sa madilim na lugar na kinasasadlakan ko ngayon kasama si Matt habang tila nag e-echo sa aking isipan ang mga salitang iniwanan sa akin ni "Mama". Hindi ko alam kung ano pa bang klase ng paraan ang makakatulong para sana man lang, sana man lang ay mapawi kahit papaano ang takot na nadarama ko sa gitna ng kamatayan.

Hindi naman din ako tanga para hindi ko malaman na isang matalinong pag-iisip at matalas na isipan ang kailangan para maka-survive sa ganitong sitwasyon.

Kaya dumating rin ako sa punto na naisipan kong tawagan ang nakatatanda kong kapatid na si Kuya Jake. Sigurado ako na alam niya ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Sa katunayan ay iniidolo ko nga siya, dahil sobrang outgoing niyang tao, athletic, at daig pa si Joker kung magpatawa. Kaya ka niyang mapatawa kahit hindi naman kayo close. Kaya niyang makalusot sa isang kumplikadong sitwasyon kahit hindi siya maglaan ng oras rito. Kaya sigurado ako na matutulungan niya ako. Kasi palagi naman e.

Kaya mabilis ko siyang tinawagan, at kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari, mapa-maliit man iyan na parte o malaki. Kahit pa medyo mahirap intindihin dahil utal-utal ang salita ko. Hindi pa rin kasi ako ganon ka nakaka-recover sa mga nangyari. Kung iisipin kasi ay tila ba parang napakabilis. Halos hindi ko na rin nasundan. Masyado na rin akong desperado na humingi ng tulong at magkaroon ng kakampi man lang para makaraos sa sitwasyong ito. Ikinuwento ko sa kanya lahat at hinintay naman niya akong matapos sa pagsasalita.

"Ah.. y-yun lang yung nasa video," pagtapos ko sa kwento. "Alam ko naman na, uhmm.. mahirap paniwalaan lahat pero promise Kuya, lahat ng sinabi ko ay totoo!"

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago ko narinig ang boses niya sa kabilang linya.

"Naniniwala naman ako sayo, Joey." sa wakas ay sabi niya. "Hindi ko rin alam ang dahilan, pero basta naniniwala ako sa iyo."

Pakiramdam ko nga ay guminhawa ang nadarama kong bigat sa kaloob-looban ko at pakiwari ko naman ay nakahinga na ako ng maayos sa sagot nito. Yung kaba na kanina ko pa nararamdaman sa dibdib ko ay para bang isang mahika na bigla na lang naglaho. Wala sa sarili rin akong napangiti.

"So, uhm.. paano na ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Wag ka na lang munang umalis dyan, Joey." sabi niya. "Magsusumbong ako sa mga pulis, sasabihin ko rin ang mga nangyari. Magpahinga ka, at wag na wag kang aalis. Tatawagan kita ulit kapag may balita na. Ok ba yun?"

Sinulyapan ko ang loob ng cabin, at nakita ko lamang ay isang madilim na silid nito na kinalalagyan ko. Ang tanging maayos-ayos na gamit na narito ay ang couch na kasalukuyan kong kinauupuan, ang isang kahoy na lamesa, ang mangilan-ngilang pasira ng aparador, at isang lumang kalan na malamang ay hindi na gumagana.

"Sige." sagot ko. "Sige, iyan nga ang gagawin ko. Pero, pwede bang pakibilisan din? Alam mo naman diba? Ayoko ng pinaghihintay."

"Wag kang mag-aalala, saglit lang at nariyan na ako, Joey." paninigurado niya sa akin bago patayin ang telepono.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang madilim at maliit na silid, nakatulala, at iniisip kung paano ba nagsimula ang lahat. Parang ang hirap rin kasing isipin, at ipaliwanag. Para kasing ilusyon lang ang lahat, parang isang mahika lang ang nangyari. Kung saan ako ang walang kalaban-laban na kuneho sa sumbrero ng mahjikero na nagtatago sa isang karumaldumal na krimen sa realidad.

Hindi ko alam kung anong nangyari, bigla na lang nag dilim ang paningin ko. Siguro ay dahil na rin sa pagod. Nakita ko ang sarili ko sa isang madilim na lugar, nawawalan ng hininga ngunit napagtanto ko na ako pala ay lumalangoy sa isang kulay pulang tubig. Laking gulat ko na lamang ng malaman ko na ito pala'y dugo! Takot na takot ako sa puntong iyon. Hindi ko rin alam kung saan ako magkukuwag at pupunta. Basta ang alam ko lang, ang pangyayaring iyon ay hindi nakakatulong para mabasawan ang aking pagkabahala. At hindi nakatulong na mapabuti ang aking katinuan.

Napamulat ako ng mata, pawisan ako, at nanginginig pa. Nagising ako marahil sa tunog ng cellphone ko. Mahigit sampung oras rin ang tulog ko pero parang pakiramdam ko ay nakaidlip lang ako. Mahapdi sa mata ang ginagawang pagtama ng liwanag sa akin, masakit ang aking katawan na para bang binugbog ako maghapon at tila galing sa isang car crash. Pagkatapos ay naisip ko bigla, oo nga no, dahil yun naman talaga ang nangyari kahapon.

Nakita ko sa screen ang pangalan ni Kuya Jake kaya sinagot ko ito agad. "Uhm.. Kuya? Ok na ba? Pwede na ba akong umuwi?" sunod-sunod na tanong ko.

Ilang segundong katahimikan sa kabilang linya. Hindi siya sumagot agad kaya naghintay pa ako, chini-check ko rin ang screen ng cellphone ko kung andun pa ba siya sa linya dahil baka naputol pala ang tawag. "Jake?" tawag ko nung wala pa rin.

"Joey.." sa wakas ay sabi niya sa nanginginig na boses. "Kailangan mong manatili dyan sa cabin, ok? Wag kang aalis, naiintindihan mo ba? Papunta na ang tulong sa iyo, maliwanag?"

"Uhm.." nalilito man dahil para bang takot na takot ito sa kabilang linya pero ipinagsawalang bahala ko na lang din, dahil ang nasa isip ko ay sana matapos na rin ang kahibangang ito. "Uhm.. hindi ko maintindihan kung anong nangyayari dyan, pero ok na ba? Nakita na ba si Papa? E si Mama, nahuli na ba? Nakakulong na ba siya?"

Kinuha ko si Matt na nakahiga sa ibaba ng couch gamit ang isa kong kamay at isinampa sa lap ko. Malaking tulong kasi si Matt para kahit papaano ay mabawasan man lang ang bigat na nadarama ko ngayon.

Narinig ko sa kabilang linya ang ilang pagmura ni Kuya, nabahala naman ako. "S-si.. si.., shit!" mura niya na halos pabulong na lang, bakas na rin ang pagkabasag ng boses niya na animo ay paiyak na. O di naman kaya ay pinipigilan niya lang ang emosyon. Labis akong nabahala sa tono ng pananalita niya. Iyon ay marahil, bihira ko pang nakita na umiyak si Kuya Jake.

"Natagpuan na nila si Maricar, ng mga pulis. Kila Mama at Papa. J-Joey.... si Maricar... natagpuan siyang p-patay. Puno ng saksak ang katawan, halos hindi na nga makikilala dahil sa itsura niya. Dahil sa kalunos-lunos na pagpatay na ginawa nila sa kanya. D-dugo.. ang daming dugo! Oh shit!"

"Eh si Mama?" tanong ko. "Nahuli na ba siya?"

"H-hindi! Nawawala siya! Nawawala si Mama." rinig ko ang malalim na buntong-hininga niya. Akala ko ay tapos na ang balita niya pero iyon pala ay bumwelo lang siya para sabihin na.. 

"Hindi lang iyon, Joey. Yung baby, y-yung baby, yung anak ni Maricar. Y-yung baby kasi.. nawawala rin! At hindi makita!" nagulantang naman ako sa narinig.




Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon