Ten

43 5 0
                                    

Dito na lang ba matatapos ang lahat? Pagkatapos akong makarating sa pinaka dulo ay mamamatay lang ako? Paano ba umabot sa ganito ang lahat? Paanong ang mga simpleng video na iyon ang naghatid sa akin sa ganitong pangyayari?

Isa pang pinoproblema ko ngayon ay si Kuya Jake. Hanggang ngayon kasi ay tinatadtad niya pa rin ako ng calls at texts messages, pero hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ako sa kondisyon para replayan siya. Isang oras pa akong nag-isip ng nag-isip at nawala sa kawalan habang hinihimas-himas ko ang balahibo ni Matt. Kahit pa may kaunting bahid na rin ito ng dugo. Gusto ko sanang linisin ito at maligo na rin, pero ano bang magagawa ko ngayon? Saan ako maliligo? Naroon pa sa bathtub ang katawan ni "Mama". At wala akong kahit maliit na kagustuhan na bumalik pa roon muli.

Patuloy pa rin sa pagpapadala ng text messages si Kuya Jake. Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko na rin ito napansin. Huminga pa muna ako ng malalim bago ko napagpasyahan na basahin na ang mga ito. Na pinagsisihan ko rin naman kaagad dahil parang mas nalito pa ako sa mga sinabi nito sa akin.

Jake: Magkita tayo sa cabin, Joey.

Jake: Pumunta ka mag-isa kung gusto mo pang mabuhay itong bata.

Jake: Ayaw mo ng maulit iyon, hindi ba?

Jake: Ayaw mo ng mabahiran ng dugo ang mga kamay mo.

Jake: Naghihintay ako.

Marami akong hindi naintindihan sa mga sinabi nito. At mas marami din akong ayaw ko ng intindihin pa. Nararamdaman ko nanaman ulit sila, nakukulong nanaman ako sa malalim na pag-iisip, bumabalik nanaman ang mga alaala sa akin. Mga alaala na ayaw ko nang alalahanin, mga alaalang hindi ko mapakawalan hanggang ngayon. Ayoko nang bumalik pa muli sa lugar na iyon. Ayoko na.

Pero napag-isip-isip ko rin, na kung kinakailangan na ipain ko ang sarili ko para matapos na ang problemang ito ay gagawin ko. Siguro nga kailangan ko na siyang harapin. Kailangan ko ng harapin kung ano man ang mangyari ngayon. Walang anu-ano ay lumabas ako ng apartment na bitbit si Matt. Iniwan ko na rin ang mga tapes dahil naisip ko na wala ng halaga ang mga iyon. Halos ubos na ang enerhiya ko para lakarin pabalik ang cabin kaya't laking tuwa ko ng saktong pagkalabas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang nakapark na bike ng kapitbahay.

Dali-dali akong nagtungo rito, at sumakay. Maingat kong inilagay si Matt sa basket nito at mabilis na nagpedal. Mahigit tatlong oras rin ang binyahe ko para makarating sa cabin, bukod pa roon ang panaka-nakang pahinga dahil sa ngalay ng mga binti ko kakapedal. Si Matt naman ay kalmado lang na nakahalukipkip sa harapan habang tinatahak namin ang daan. Ilang shortcuts din ang dinaanan namin para hindi mahuli o ma spot-an ng mga checkpoints at duties. Kaya kahit pa magkandalubak-lubak pa ang dinaanan namin ay nagtyaga pa rin ako.

Noong malapit ko ng marating ang cabin ay iniwanan ko na ang bike ilang pedal pagkapasok ng kakahuyan. Si Matt naman ay hinayaan ko ng maglakad sa kahabaan ng mapunong lugar para na rin makapagpahinga ako. Nag stretch ako ng katawan bago muling maglakad ulit.

Nang makarating ay tumayo pa muna ako sa harap nito para gunitain ang ilang alaala. Noong nabubuhay pa ang Lolo ay halos makipagpatayan ito sa mga nais sumakop nito. Kung maari pa nga ay halos ibenta na rin niya pati ang kanyang kaluluwa sa demonyo wag lamang mawala ang pinaka-iingatan niyang cabin.

Isang retirong doktor si Lolo, ang cabin ay parang mistulang naging surgery room niya. Madalas siyang magdala ng mga pasyente niya rito at ilang araw ang lilipas ay magkakaroon na lang ng balita na may missing person na. Marami na ring nakakita sa kanya na nagdala ng biktima sa naturang lugar at kabilang na ako roon. Pero maski isa sa amin ay walang lakas ng loob para makapagsumbong sa takot na patayin din ng baliw na matanda. Hindi ko na matandaan kung ilang beses na akong nakapasok rito noong bata pa ako. Basta ang natatandaan ko lang ay ang loob nito ay itsurang selda, malinis ito ngunit ramdam na ramdam ang bigat sa kabuuan. Para bang kapag naroon ka ay masisiraan ka na lang ng bait bago ka pa makalabas.

Ang Regalo ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon