Nagising ako ng maaga dahil na naman sa paggalaw ni Liam sa tabi ko. I’m not really used to having someone beside me. Madali akong magising. Or sadyang nasanay lang ako na kapag may konting galaw lang ay nagigising kasi during my internship at the hospital during my nursing years, nasanay kaming umidlip sa nurse station at magising ng kahit konting galaw lang. It’s still 6 PM, it’s Saturday kaya matagal sigurong babangon si Liam ngayon. I stared at him for a while but when he move again, natakot ako na makita niyang pinagmamasdan ko siya kaya’t bumangon na ako at naghanda sa pag-alis. Ngayon ako pupunta sa bahay para bumisita kina mommy at ibigay ang mga pasalubong ko sa kanila.
I was only wearing a robe when I go out of the bathroom, kumpyansang tulog pa si Liam paglabas ko. I was shocked at gusto kong bumalik sa loob ng makitang nakaupo na siya sa kama, only wearing his boxers and a white tshirt, his usual sleeping attire. Hawak niya ang cellpone ko at parang may nirereplyan. Bakit ba nakikialam siya ng gamit ko?
“Your phone keeps on beeping, Ash is texting. Anong oras ka raw pupunta sa inyo?” he said as if it’s really normal for us to touch each others phone.
“Just leave it there, ako na ang sasagot.” He looked at me then smirked.
“You hiding something? Perhaps, a boyfriend?” he asked mockingly.
“Wala kang pakialam. Pwede naman sigurong ‘wag natin pakialaman ang phone ng isa’t isa diba? I mean, I don’t even touch yours so maybe, you shouldn’t touch mine too.” Tinalikuran ko na siya at akmang papasok na ako sa closet ng bigla niyang hablutin ang braso ko. I didn’t see him coming kaya’t sa pagkabigla ay muntikan na akong matumba, buti na lang ay nasalo niya ako but what’s most embarrassing is that he rested his hands in the wrong place. Nahagip niya lang naman ang dibdib ko dahil sa muntikan kong pagkasubsob.
“What the hell Liam, don’t touch me!” I immediately put a distance between us.
“Why not? But let’s stick to our argument. Why don’t you let me touch your phone? You hiding something? Kung ‘yung dahilan mo talaga ang gusto mong paniwalaan ko, well you can touch mine. Wala akong itinatago.” He smirked, he’s proud huh.
“Yeah. Wala kang itinatago, you’re proud of it kasi.” Nagtungo agad ako sa loob at hindi na hinintay pa ang sasabihin niya. Wala naman na siyang sinabi kaya’t nagbihis na agad ako. I just wore a simple blue fitted jeans and partnered it with a plain yellow tshirt and a slipper. Sa bahay lang din naman ako pupunta, no need for me to dress up.
Nang matapos akong magbihis ay nilagay ko sa bag ko ang mga kailangan ko. Ang mga pasalubong ay nasa isang duffel bag at hindi na rin ito pinakialaman ni Liam ng inilagay niya ang mga gamit ko dito sa closet. My face heated when I remembered na siya nga pala ang nag-ayos ng mga damit ko sa closet niya. He probably touched my undies too. Sucks!
Paglabas ko ay nasa kitchen na siya, hindi pa rin nagbibihis so he’s probably be staying here.
“May lakad ka pala?” he asked as if accusing me of a crime I did. Is he really serious about last night na kailangan ko talagang magpaalam sa kanya?
“Are you serious about what we talked last night? Should I really ask permission whenever I’m leaving? Nabasa mo naman na yata ang tanong ni Ash kanina so alam mo na siguro.”
“Eat.”
“Sa bahay na ako kakain.” I really want to go out. Can he just let me?
“I said eat.” He said sternly.
“I don’t have the time to play games with you Mr. Suarez. So, if you could just let me go? Ash is bombarding me with messages, it’s almost 8 and they’re waiting for me there. Stop acting like a strict husband, please.” Hindi ko na hinintay ang pagsagot niya, I left the unit immediately.
YOU ARE READING
It Started Without Love
RomanceWhen it started without love, will it end the same way? Or will it end differently? ~SubUrbanLady 🌸