Chapter 14

191 7 0
                                    

Gabi na nang makauwi kami nina Tiffany at Yohan. It’s almost 10. Napagpasyahan kasi namin na mamili ng iba pang requirements na naisend ng kaklase namin sa GC. Nagbigay na pala ang ibang prof para daw makapaghanda na kami agad. Hindi pa sana ako bibili dahil sa nakafreeze pa rin ang mga cards ko. Pero kailangan na talaga kaya’t ginamit ko na lang ang card ni Liam. Tinukso pa ako ng dalawa.

“It’s almost 10. Saan ka galing?” malamig na saad ni Liam ng makapasok ako sa loob ng unit niya. He is on the living room, his books on the coffee table again at nasa lapag siya nakaupo. Why don’t he study in his study room?

“We bought some requirements. Nagamit ko nga pala ulit ang card mo. Hindi pa ba okay ang akin?” I was hesitant to tell him that pero makikita niya naman din kung may gumamit ba o wala.

“Can’t you just use mine? Ano namang pinagkaiba?”

“It’s not my money Liam.”

“Just use my card.” Maikling saad nito.

“But, I need to pay for my apartment.” Nananantiya ako ng reaction niya. He sighed deeply before he look at me.

“Di ba pwedeng dito ka umuwi? Nakakaya ko namang umuwi araw-araw. If you want, I can wait for you.” Inis na saad nito. I know this conversation will end to a series of banters again.

“I already told you my reasons. Hope you’ll understand.” Imbis na patulan na naman ang inis niya, I decided to go to our room. Naligo na ako at naghanda na agad na matulog. Nang nasa closet niya na ako at nagbibihis, bigla siyang pumasok.

“Liam, nagbibihis pa ako!” inis na saad ko. Buti na lang at nakasuot na ako ng panty at pang itaas.

“And so? Hindi naman ako ibang tao. I am your husband Margareth.” Inis din na saad nito bago kumuha ng tuwalya.
Ano na naman bang ikinaiinis niya sa akin? Is it because of my plan on getting an apartment.

Matapos magbihis ay lumabas muna ako para kumuha ng gatas sa kusina. I was in the middle of finishing my glass of milk when he rush out of our room talking to someone on the phone.

“Tat, just calm down okay. I’m on my way. –Nope. –Just calm down, I’m coming.” Mabilis nitong dinampot ang susi na nasa coffee table at di na nagawa pang magpaalam sa akin dahil sa pagmamadali. After a while, mga 30 minutes na siguro ay tumunog ang phone ko. It’s Tiffany.

Tiffany: Really? Anong ginagawa ng asawa mo dito sa bar? Nakikipag-inuman? God, just a little bit of Tatiana’s acting, nagpadala na agad siya? Sasapakin ko na ba?

Ashleah: Don’t tell me na iniwan ka ng asawa mong mag-isa sa unit niya para makipagkita lang sa kabit niya? Fuck them both. If there will be another issue, don’t do a presscon again!

Yohan: Ipapasapak ko na ba ‘tong asawa mo kay Evan? Oh ako naa mismo sasapak? Walanghiya eh, nasa harapan pa ng mga kaibigan niya, nasa harapan pa namin nakikipaglandian.

Nagsunod-sunod ang mga mensahe nila. Kahit isa, wala akong sinagot. Kahit ng tumawag sila, hindi ka rin sinagot.

I woke up dahil sa ingay ng alarm ko. I have my class at 9 kaya’t kailangan kong magising ng maaga. I already called mom for her cards. Liam is already awake, nakaupo ito sa gilid ng kama.

I stood up and went straight to the bathroom. Nang makalabas ako ay wala na siya. Nagbihis agad ako dahil kailangan ko nang umalis, dadaan pa ako sa bahay. Kagabi pa ay nakaayos na ang mga gamit ko. I just brought clothes good for two weeks, iniwan ko lang ang iba.

Dinala ko na ang mga gamit ko paglabas ko ng kwarto, Liam is in the couch, watching morning news while drinking coffee. Napabaling siya ng lumabas ako.

It Started Without LoveWhere stories live. Discover now